Chapter 1

20 3 0
                                    

Manila

Nandito na ako sa airport kasama ang parents ko. Papunta kasi kami ngayon sa Manila dahil may kailangang asikasuhin si dad sa business namin dun at may mga medical missions naman si mom. Sinama nila ako kasi ililipat na din nila ako ng paaralan kung saan ang pinsan ko nag-aaral. Dapat nga magpapaiwan nalang ako sa Cebu pero ayaw nila mom kasi magtatagal daw sila doon.

Nakasakay na kami ngayon sa airplane at hindi naman nagtagal ay umandar na ito. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil inaantok ako kasi ang flight kasi namin ay 11:30 ng gabi.

"Marriane gising na anak, baba na tayo." Sabi ni mom habang niyuyugyog ako ng bahagya. Tinignan ko naman ang mga taong nagtatayuan na. Tumayo na rin ako at naglakad na rin pababa ng eroplano.

Nakarating kami sa arrival area at sinalubong naman kami nila tita at tito pati na rin ang pinsan ko.

"Mailyn mabuti naman at nakarating na kayo." Salubong ni tita Madelyn sa amin na nakakatandang kapatid ni mama. Nagyakap naman silang dalawa at sila dad at tito naman ay nag kamay.

"Si Yanyan na ba to? Nako may dalaga ka na Mai ah. Ang ganda naman ng Yanyan namin." Sabi ni tita at niyakap din ako. Nginitian ko lang siya at nagmano pati na rin kay tito. Lumapit naman ang pinsan ko at kinuha ang dalawang luggage ko. Binigay ko naman sa kanya at naglakad na kami papuntang kotse nila.

"Naalala mo pa ba ako? Ako yung pinsan mo na lagi mong kalaro noon." Sabi ni Tyler sa akin habang tulak-tulak ang dalawa kong maleta. Syempre hindi ko siya makakalimutan kasi siya lang naman ang close ko noon na pinsan dito at lagi ko siyang kalaro noon.

"Oo naman Ty, hindi naman kita kinalimutan noh." Sabi ko sabay ngiti sa kanya, nakita ko naman siyang ngumiti din sa akin at kinurot ang pisngi ko. Tinabig ko naman ang kamay niya kasi naman masakit eh.

"Akala ko nakalimutan mo na ako eh kasi ang tahimik mo kanina, nginitian mo lang sila mama. Akala ko nga rin ngingitian mo lang din ako mabuti nalang at nagsalita ka." Nilagay na niya yung mga maleta ko sa likod ng sasakyan nila at inaya na akong pumasok sa loob.

"Ang oa mo naman Ty. Sadyang napagod lang ako sa byahe at inaantok na rin kasi ako kaya hindi ako nagsasalita kanina. Tsaka hindi ko rin alam anong isasagot ko kay tita hahaha." Sabi ko sabay upo na rin sa may likod. Hindi nagtagal ay umandar na ang sasakyan at bumyahe na kami papunta sa bahay namin na katabi lang naman ng bahay nila tita.

"Halata ngang pagod ka." Sabi niya at isinandal niya naman ang ulo ko sa balikat niya at mas inantok tuloy ako dahil sinusuklay niya yung buhok ko gamit yung kamay niya. Para ko na ring kuya tong si Tyler eh, namiss ko talaga tong pinsan ko pero inaantok at pagod talaga ako ngayon. Natulog nalang ako dahil nafefeel ko na talaga yung pagod at antok.

Nagising ako dahil sa pagtapik ni Tyler sa pisngi ko. Nandito na pala kami sa bahay namin. Lumabas na kami sa sasakyan at nakita ko sila mom na nagpapasalamat kaila tita at si Tyler naman ay binuksan ang gate namin habang dala dala niya ang mga maleta namin. Tumulong nalang ako sa mga maleta at pumasok na kami sa bahay namin. Wala namang nagbago, kagaya pa rin ito ng dati.

"Marriane mag pasalamat ka na kaila tita mo doon sa labas." Sabi ni dad sa akin at lumabas naman ako agad at hinarap sila tita.

"Tita at tito thank you po sa pagkuha sa amin sa airport." Sabi ko.

"Anytime iha." Sagot naman ni tito at lumapit naman si tita sa akin upang yakapin ako. Actually na miss ko talaga sila tita kasi parang parents ko na rin sila eh. Busy kasi sila mom and dad kaya noong bata pa ako sa kanila ako laging nakatambay.

"Sige na magpahinga na kayo Yanyan at bibisita nalang kami bukas dito sa inyo para sabay tayong mag breakfast." Sabi ni tita.

"Sige po tita pahinga na rin po kayo, salamat ulit." Sabi ko at kinawayan ko nalang sila ni tito. Nagkasalubong naman kami ni Tyler sa may gate.

"Sige Yanyan kita nalang tayo bukas pahinga ka na ahahahaha halata kasi yung pagod sa mukha mo." Sabi niya at hinila na ako papuntang pintuan ng bahay namin. Kinawayan ko lang siya at sinabing magpahinga na rin siya.

Nakarating ako sa kwarto ko at nahiga agad ako sa bed ko. Namiss ko rin tong kwarto ko. Walang pinagbago ang kwarto ko, ang dami pa ring mga laruan ko noon na naiwan ko dito at narealize ko na pangbata pa ang design na nandito sa kwarto ko.  Siguro bukas ko nalang aayusin tong kwarto ko, bibili na rin ako ng mga gamit na magagamit ko dito.

Magbibihis sana ako pero inaantok na talaga ako kaya naisipan ko nalang na matulog nalang kasi parang ayaw ko ng bumangon eh. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko nalang na makatulog ako at makapagpahinga na rin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry for the update guys babawi nalang ako sa next update ko. Sadyang wala talaga akong maisip na magagandang ideas ngayon heheh.

Gly :D

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon