Chapter 15

16 3 0
                                    

Ligaw

Nakaupo lang ako ng hilahin ako ni Benjie pero ayaw ko pang tumayo kasi mainit pa. Hila pa rin siya ng hila pero natigil din naman siya, siguro narealize niya na hindi talaga ako sasama sa kanya. 

Tinignan ko naman siya at nakita ko ang nakakalokong ngiti niya, tinaasan ko lang siya ng kilay at tinignan ang tanawin ng bigla niya akong kinarga. Napatili naman ako dahil sa ginawa niya at pinipilit kong makababa pero malakas ang isang to.

"Miss wag ka nalang malikot at baka mahulog pa kita." Sabi niya at nakita ko naman na papalapit na talaga kami sa dagat. Mabuti nalang talaga naglagay na ako ng sunblock kanina. 

"Ayaw ko pang maligo Benjie." Sabi ko sa kanya pero hindi ko na siya mapipigilan kasi nasa dagat na talaga kami at nasa tuhod na niya ang tubig. 

Akala ko ay ibababa niya na ako pero hindi, patuloy lang siyang naglakad hanggang sa naramdaman ko na ang tubig sa likod ko. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko naman na nakangiti siya.

"Bitawan mo na nga ako." Sabi ko pero nabigla nalang ako ng hinagis niya ako bigla, walang hiya ka talagang lalaki ka. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.

"Sabi mo kasi bitawan na kita kaya ayun." Sabi niya at tawa pa ng tawa kaya naman sinabuyan ko siya ng tubig na pumasok sa bibig niya, natawa naman ako at natigilan naman siya.

"Bitiwan Benjie, hindi ihagis ng bigla bigla." Sabi ko at lumayo ako sa kanya pero lumapit siya sa akin na seryoso ang mukha.

"Humanda ka sa akin sa pag saboy mo ng tubig sa mukha ko." Sabi niya at tumawa lang ako habang lumalayo sa kanya. Parang bata talaga, kailangan pa makaganti. 

Hindi ko nililingon si Benjie at patuloy lang ako sa paglayo, nasa malalim na ako na parte ng mapansin ko na walang nakasunod sa akin. Nilingon ko ang likod ko at nakompirma ko na wala si Benjie. 

Marunong naman yung lumangoy diba? Asa na yun? Kinabahan naman ako at linga lang ako ng linga sa paligid ko pero wala talagang Benjie. Hindi ko alam pero naluluha na ako kasi may naalala ako na ganito din ang pangyayari. 

"Benjie! Wag mo naman akong lokohin ng ganito oh." Sabi ko at naiiyak na talaga ako. Hindi pwedeng mangyari ulit yong nangyari dati. Okay na ako sa nangyaring trauma eh pero bumalik ulit. 

"Benjie? Please magpakita ka na sa akin please." Sabi ko at naiyak na talaga ako kasi wala pa rin siya. 

Nabigla nalang ako  ng may biglang yumakap sa akin sa likod ko, nagpumiglas ako kasi baka kung sino iyon pero nakalma nalang ako ng narinig ko ang boses niya.

"Hey nandito lang ako." Sabi niya at hinarap ko naman siya, nakita ko naman ang pag alala sa mukha niya at napayakap nalang ako sa leeg niya dahil ligtas siya.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo Benj." Sabi ko at naiyak ulit ako, yinakap niya naman ako pabalik at hinahagod niya ang likod ko. Naramdaman ko naman ang mumunting mga halik niya sa may noo ko.

"Sorry kung pinag alala kita, balak sana kitang gulatin pero hindi ko ineexpect yung reaction mo. Sorry miss." Paghihingi niya ng umanhin pero hindi lang ako kumibo. 

Bahagya akong lumayo sa kanya ng maramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko ng marealize ko ang ginawa ko sa kanya. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya kasi nahihiya ako. Bakit ba kasi may payakap yakap ka pa ha Marriane?

Naramdaman ko naman ang kamay ni Benjie sa may baba ko at pinatingin niya ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin habang pinupunasan ang mukha ko na basa dahil sa tubig dagat at sa luha ko.

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon