Gummy bears
Yung sinabi kong last ko nang sama sa barkada ng pinsan ko ay naulit ulit hanggang sa palagi nalang akong kasama sa kanila. Sinabi ko naman sa pinsan ko na sa susunod hindi na ako sasabay sa kanila pero mapilit kasi talaga tong si Tyler at ito namang si Kaylee ay lagi nalang akong hinahatak kaya wala talaga akong kawala.
Two weeks na ako dito sa bago kong school, so far so good naman. Nakikinig lang ako ngayon sa discussion ng teacher namin sa Physics ng bigla nalang akong kinalabit nitong si Trina.
"Sama ka mamaya ha, bawal kang tumanggi." Sabi niya sa akin habang nakangiti. Saan naman kami pupunta? At bakit naman bawal akong tumanggi? Hindi na nga ako tumatanggi kada lunch mamaya din bawal?
"Bakit? Saan ba kayo pupunta? Pwedeng pass muna ako?" Tanong ko sa kanya. Wala talaga akong balak gumala eh, gusto kong magkulong sa bahay at magbasa nalang.
"Pupunta tayong mall upang magsaya bago tayo ma stress sa papalapit na exam. Kaya please Yanyan sama ka naaaaaaa." Sabi niya sa akin sabay puppy eyes pa tss nagpacute pa tong babaeng to.
"Kayo nalang." Sabi ko at nag focus ulit sa discussion ni sir.
"Marriane naman ehhhhh sige na pleaseee sama ka na sa amin." Parang bata naman tong si Trina.
Sa two weeks ko dito sa school ay isa si Trina sa mga naging kaclose ko kasi makulit talaga to pero mas grabe lang yong si Kaylee. Mabait si Trina at hindi ako out of place basta nandyan siya or si Kaylee. Lagi niya kong kinakausap at lagi kaming nagtutulongan kapag may hindi kami naiintindihan sa discussion.
"Sige na nga sasama na ako mamaya wag ka ng mag pacute kasi hindi ka cute." Sabi ko sa kanya, imbis na magalit siya ay tinawanan niya lang ako at pumapalakpak pa. Sinaway naman siya ni sir kasi maingay siya, tss yan tuloy napagalitan ang gaga hahah. Ngumuso naman siya nung mapansin niyang natatawa ako pero ngumiti lang siya ulit.
"Okay class so may activity akong ipapagawa sa inyo. By partner ito at hindi kayo ang pipili ng partner niyo kundi ako kasi magkakagulo na naman kayo, ang iingay niyo pa naman." Sabi ni sir sabay labas ng papel, doon siguro niya sinulat ang mga partners.
"Mr. de Guzman at Ms. Marquez, Mr. Sy at Ms. Sabal, Mr. Reyes at Ms. Gomez,..." Natawag na sila Trina pero ako wala pa rin.
"Ms. Regalado at Mr. Martinez, Mr. Pilapil at Ms. Cabrera, and that's all." Teka may nakalimutan ata si sir kasi hindi ako natawag.
"May hindi ba ako tinawag? Kung meron pakitaas ng kamay ninyo para ma partner ko agad." Tinaas ko naman ang kamay ko at akala ko ako lang pero pag lingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko din si Benjie na nakataas ang kamay.
"Mr. Garcia and Ms. Alia kayo na ang partner since kayo naman lang dalawa ang walang partner. Okay class move to your partner now." Sabi ni sir at nagsitayuan naman ang mga kaklase ko.
Nanatili lang akong nakaupo kasi napansin ko namang papalapit na si Benjie kasi nakipagpalit si Trina sa kanya ng upuan. Umupo na siya sa tabi ko at nakinig naman ako sa instructions ni sir. Napansin ko naman na nakatitig na naman ang kumag sa akin, ano ba talagang trip nito.
"Makinig ka para may alam ka kung ano ang gagawin kaysa titigan mo ako edi wala kang alam." Sabi ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Tumawa naman siya pero mahina lang.
"Okay miss." Sabi niya at nakinig na rin. Weirdo talaga tong lalaking to eh. Sa mga barkada ng pinsan ko ito lang talaga ang hindi ko nakakausap kasi weirdo nga.
Hindi ko siya ma gets talaga promise. Minsan kasi nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Kapag nagkakasalubong yung titig namin ay iirapan niya ako or yung famous smirk niya na nakakairita naman. Hindi ko alam kong baliw ba tong lalaking to. Minsan masungit sa akin minsan naman pinagtatawanan ako.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.