Intramurals
Nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko at inaayusan na ng mga hinire nila ni mom na make up artist. Hindi ko alam kung paano ako napapayag ng adviser namin, lalo na sa pagpipilit ni tita at mom sa akin. Intramurals na namin ngayon at oo ako ang muse, ewan ko ba bakit ako pumayag pero bahala na.
Naalala ko pa ng nakauwi ako galing sa date ay hinihintay na ako ni mom at ni tita sa sala namin at todo ngiti pa sila. Nagmano lang ako sa kanila ng bigla nalang silang nagtatalon dalawa at parang mga bata lang na excited. Dumating naman si dad kasama si tito at tinanong ko sila kung anong nangyari kaila mom.
Pinaupo nila ako at sinabi nila na tinawagan ng adviser ko si mom para ipaalam yung pagpili niya sa akin bilang muse. Kaya ba ganito nalang sila ka excited? Ang daldal nila mom nung gabing yun at ang nagawa ko lang ay intindihin at pakinggan ang mga sinasabi nila ni tita.
Sila na rin ang nagsabi sa adviser ko na okay ako sa pagmumuse kaya ayun sinabi ko sa adviser ko kinabukasan kasi pumayag na sila mom eh nakakahiya naman kung babawiin ko pa. Baka din kasi ma stress adviser ko kasi malapit na ang intramurals.
Pagkauwi ko nga that time ay umalis kaagad kami ni mom at tita kasi dapat daw kami pumunta agad sa ninang ko para may maisuot daw ako para sa intrams. Pumunta pa kaming mall para bilhan lang nila ako ng bagong sapatos na babagay sa isusuot ko at kung ano anu pang kaartehan na pinamili nila tita at mom.
Natapos na akong ayusan at nakahigh pony tail lang ang buhok ko na gusto ko naman kaysa yung kinukulot pa tss. Pumasok ako sa isang room para makapagbihis na ako ng hinanda ng ninang ko para sa akin na kinuha ni mom kanina lang.
Nakagolf outfit lang ako pero yung skirt ko is sobrang ikli na kinulang ata ng tela. Kulay puti siya at ang upper ko naman ay combination ng kulay white at maroon, crop siya na polo shirt na sobrang fitting sa akin na halos hindi na ako makahinga. Nakawhite and maroon lang din ako na rubber shoes na babagay sa outfit ko and I'm good.
Lumabas ako at pumunta na sa sala para makita nila mom at nung mga nag ayos sa akin. Narinig ko lang naman silang nagtatawanan at natigil lang ng makita nila ako. Nandoon din sila dad,tito, at si Tyler. Nakita ko naman ang reaction nila mom na sobrang gulat at todo nakangiti na nakatingin sa akin.
"OMG anak ang ganda ganda mo naman at ang sexy mo anak." Puri ni mom sa akin at nahiya naman ako kasi hindi naman ako sanay na pinupuri.
"Ang sexy naman ng Yanyan namin, nako siguradong panalo ka na niyan." Sabi naman ni tita sa akin at nginitian ko lang siya.
Pumasok na kami sa van para makapunta na kami sa school kasi 7:30 am na at ang parade ay magstastart ng 8 am kaya dapat nandoon na ako. Ang escort ko naman ay yung kaklase namin na si Oliver. Mabuti nalang talaga at naglalaro si Oliver ng golf kaya hindi kami nahirapan sa paghahanap ng pang props namin mamaya.
Nakarating kami sa school at nakita ko naman na nakalinya na ang mga studyante para sa parade. Inalalayan naman ako ng pinsan ko pababa at sabay na kaming naglakad papasok para mahanap ang area namin. Hindi pa pala sila nakakalabas galing sa room namin kaya nag antay nalang kami habang inaayusan ako ulit dahil nagulo ang buhok ko. Inayos din ang damit ko at pinapaypayan nalang nila ako para naman hindi pag pawisan.
Nagpicture picture lang kami doon ng parents ko at nila tita at tito, may picture din kami ng pinsan ko na si Tyler. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga makakalaban ko na magaganda at sobrang sexy din. Alam ko naman na talo na ako, tinuruan nga lang ako kaninang madaling araw nitong mga nag aayos sa akin kung paano mag pose at paano maglakad.
Maya maya lang ay nakikita ko na ang mga classmates ko at nahiya naman ako dahil nag ingay agad sila ng makita nila ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga ibang studyante kaya naman pinatahimik sila ng adviser namin.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Подростковая литератураMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.