Chapter 19

17 3 1
                                    

Pool

"Hoy! Tulala ka na naman." Rinig kong sabi ni Ty sa akin. 

Nandito kami ngayon sa backyard namin at gumagawa ng paper works. 

"Iniisip ko lang naman kung ano pang mapupuno ko dito. Ayaw na mag function ng utak ko eh." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman, wala na talaga akong maisip na maipupuno sa ginagawa ko. Dapat siguro ipagpahinga ko na muna tong utak ko, baka lalong hindi mag function kung pipilitin ko.

"Magpahinga na muna tayo, wala na rin akong maisip eh. Nga pala yan, what time sila pupunta dito?" Tanong niya habang kumukuha ng cookies. 

Pupunta kasi ang barkada dito sa amin kasi gusto daw nilang magbonding kami. 

"Mamaya pang hapon punta nila dito kasi sinabi ko na gagawa tayo ng paper works." Sabi ko habang kumukuha ng chips. 

Tumango lang si Tyler at nagpatuloy na sa pagkain ng cookies. Tinignan ko naman ang relo ko at 10:32 am na pala. 

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa table ng ito ay nag vibrate. Kinuha ko iyon kasi baka si mom ang nagtext pero si weirdo pala.

From: Weirdo

Psst! Pwede na ba akong pumunta diyan?

Ang excited naman ata ng lalaking to? Wala ba siyang ginagawa?

To: Weirdo

Gumagawa pa kami ng paper works kaya wag ka munang istorbo. Wala ka bang ginagawa?

Ilalapag ko na sana phone ko ng magreply agad ang weirdo, mukhang wala nga siyang ginagawa.

From: Weirdo

Tapos ko na paper works ko eh, sinimulan ko agad kagabi at tinapos ko kanina kaya wala na akong ginagawa.

Wow ang sipag naman ng isang to.

To: Weirdo

Good for you. Sige na wag ka ng istorbo para matapos ko na rin yung akin. Mamaya ka na pumunta dito, masyado kang excited.

Para namang babae to.

From: Weirdo

Sige na nga mamaya nalang ako pupunta diyan baka ma distract ka sa kagwapuhan ko kapag nandyan ako. 

Ay ang hangin din talaga ng isang to, ang sarap batukan. Hindi ko na siya nireplyan at magsisimula na sana ako sa pagtatype ng mapansin kong nakatingin si Tyler sa akin.

"Oh ba't ka nakatingin?" Tanong ko sa kanya.

"Ang saya mo ata ah, pati cellphone mo nginingitian mo. Nako pinsan, malala na yan. Umayos ka ng hindi ka masaktan ulit." Sabi niya sa akin at itinuon na niya ang atensyon niya sa laptop niya, nanahimik nalang ako at sinimulan ko na ulit mag type.

Dapat nga akong umayos kung ayaw kong masaktan ulit.

---

Kakatapos lang namin mag lunch ni Tyler. Pumunta na muna ako sa kwarto ko para makapagbihis na ng panligo. 

Nang makababa na ako ay rinig ko na ang maingay na si Kaylee na nakikipagbangayan na naman kay Migz, hindi na ako magugulat kong sila rin ang magkakatuluyan.

"Ay ang sexy ng babaeng to oh, pero mas sexy pa rin ako." Sabi ni Kaylee at natawa nalang ako.

"Sexy daw siya, saan banda?" Asar ni Migz sa kanya.

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon