Chapter 7

14 3 3
                                    

Bawal

Papunta na kami sa isang kainan kasi ginugutom na daw sila. Sa bagay kanina pa kami lakad ng lakad papunta sa mga rides na gusto namin kaya ang ending edi nagutom. Nasa likod pa rin ako nakasunod ng may nag abot ng water bottle sa akin. 

"Inumin mo yan para di ka ma dehydrate." Sabi ni Benjie, aabutin ko na sana ang binigay niya kasi nauuhaw na rin ako pero binawi niya naman kaya sinamaan ko siya ng titig. Nagloloko na naman utak ng lalaking to. Iiwan ko na sana siya ng hinawakan niya ang kamay ko para hilain pabalik sa kanya.

"Ang bilis mo naman magtampo miss, bubuksan ko lang naman para sayo." Sabi niya at inilahad na sa akin ang nakabukas na water bottle. Tinitigan ko lang yung water bottle bago ko itinuon sa kanya ang titig ko. 

"Alam kong gwapo ako miss, sige na inumin mo na to." Sabi ng mokong habang inilalahad ang tubig sa akin. Hindi ko pa rin ito tinatanggap at nagpapasya nang talikuran siya ng pinigilan niya ako.

"Gusto mo bang ako pa magpainom sayo? Sige okay lang sa akin miss." Sabi niya at akmang papainumin ako ng inagaw ko ang tubig sa kanya. Inirapan ko lang siya habang nakangisi na halatang nang iinis lang. 

Ininom ko ang tubig na bigay niya at tumalikod na sa kanya. Wala akong balak makipaglaro sa weirdong yan. Patuloy lang ako sa paglakad ng may umakbay sa akin kaya naman tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Benjie.

"Tanggalin mo nga yang braso mo kasi ang bigat." Sabi ko at hindi naman nagpatinag ang mokong. Ako na ang nagtanggal sa braso niya at tumakbo papunta kay Kaylee para makisabay sa kanya kasi naiirita na ako kay Benjie.

Kanina pa yan sunod ng sunod sa akin na akala mo body guard ko. Napagkamalan pa kaming magjowa nong pinagbilhan niya ng cotton candy para sa akin tss. Hindi ko talaga alam kung anong trip nitong si Benjie kaya lalayo nalang ako baka mapahamak pa ako.

"Ba't ka tumatakbo? May humahabol sayo te?" Tanong ni Kaylee habang lumilingon sa likod. Nagkibit lang ako ng balikat at nanahimik nalang sa tabi niya. Hindi na naman nagpumilit tumabi si Benjie kaya napanatag na rin ako.

"Oorder lang kami, dito nalang kayo." Sabi ng pinsan ko at sinama niya si Migz para makaorder na.

Naupo ako sa gitna ni Kaylee at Sienna para hindi na ako matabihan ni Benjie pero nakakainis lang kasi nasa harapan ko siya. Hindi ko nalang pinansin ang nasa harapan ko at nakatuon lang ako sa phone ko at naglaro ng biglang may nagtext.

From: Weirdo

Hey miss pansinin mo naman ako. Kanina pa ako titig ng titig sayo.

Binasa ko lang ang text at nagpatuloy lang sa paglalaro ng may nagtext na naman.

From: Weirdo

Pati ba naman sa text wala ding reply miss? Ouch huhu :(

Napaka oa naman ng loko. Hindi ko pa rin siya nireplyan at nilagay nalang sa bag ang phone ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kaylee para sana pumikit ng nahagip ng paningin ko si Benjie na nakatitig sa harap ko. Itinuro niya ang katabing upuan niya na bakante at sinenyasan akong maupo doon pero wala lang akong reaksyon.

Sumimangot siya at nag pout pa ang mokong tss. He mouthed please pero nakapoker face pa rin ako. He pointed his shoulder and mouthed na doon ako sumandal pero wala pa rin akong reaksyon kaya mas sumimangot siya. Hahahah natatawa ako kasi kalalaking tao kung makasimangot at pout akala mo bata. Pinigilan ko ang ngiti ko at pumikit nalang para hindi ko na siya matignan.

"Hoy Benjie ano ba yang mukha mo para kang bata!" Sabi ni Kaylee na halos ikasira ng tenga ko kaya lumayo agad ako sa kanya. Tinignan niya naman ako at nagpeace sign.

"Ayaw tumabi ni Marriane sakin." Sagot naman ng mokong kay Kaylee at nakasimangot pa.

"Halos sa lahat ng rides katabi mo na to, pati paglakad katabi mo na. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha nito? Nako Benjie ha iba na yan, umayos ka talagang loko ka." Banta ni Kaylee sa kanya at bigla nalang sumeryoso ang mukha niya at nag iwas ng tingin sa amin. 

Dumating naman si Ty at Migz kaya nagsimula na kaming kumain kasi mga gutom na rin naman kami. Tinignan ko ang nasa harap ko at seryoso pa rin talaga ang mukha niya at mukhang may malalim na iniisip simula nung banta ni Kaylee. Tahimik lang kami at focus sa pagkain ng biglang basagin ni Kaylee ang katahimikan.

"Nako Ty itong si Benj mukhang isasali si Riane sa collections niya." Seryosong sabi ni Kaylee sa pinsan ko at may narinig naman akong naubo dahil don. 

"Hoy bro bawal pinsan ko okay." Sabi naman ni Ty at nakatitig lang siya kay Benjie, tinitigan lang din siya ni Benjie bago ito tumango at nagpatuloy sa pagkain. 

TYLER'S POV

Naglalakad kami ngayon papuntang ferris wheel ng maisipan kong kausapin si Benjie. Hindi naman ako bulag para hindi ko siya mapansin sa mga pinaggagawa niya sa pinsan ko. Iniisip ko nalang talaga na kaibigan lang turing niya sa pinsan ko at hindi laruan kasi alam niya sino makakalaban niya if ever isali niya pinsan ko.

Pinigilan ko siyang maglakad at sinenyasan na sumunod sa akin. Naupo kami sa bench at naging tahimik lang kami ng binasag ko yun. 

"Benj pinsan ko si Marriane at best friend kita. Alam mo naman na siguro kung ano gusto ko iparating sayo diba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Sana yung ginagawa mo para sa pinsan ko ay dahil lang kaibigan ang turing mo sa kanya at hindi isa sa mga laruan mo." Seryosong sabi ko sa kanya at natahimik naman siya na parang nag iisip.

"Paano kung hindi ko yun ginagawa kasi kaibigan turing ko sa kanya Ty?" Tanong niya sa akin at natulala naman ako sa kanya dahil ang seryoso ng pagkakasabi niya nun.

"Alam mo naman siguro nangyari dati Benj, ewan ko kung gugustohin mo ba ulit mangyari yun. Kung ako sayo layuan mo nalang pinsan ko." Sabi ko habang tinutukoy yung nangyari sa isa naming best friend na nawala sa amin dahil sa paglalarong ginawa ni Benj sa pinsan din nito. Sobrang nagalit ang kaibigan namin sa amin nun dahil sa isang laro pero wala kaming magagawa kasi kasalanan naman namin yun. 

"Paano kung hindi ko kayang lumayo sa pinsan mo?" Tanong niya sa akin at ngayon nakikita ko siyang nakatitig sa pinsan ko na nakikipagtawanan kay Kaylee. Sana manatili nalang siyang ganyan, kasi dati ganyan siya eh. Mahilig ngumiti, mahilig tumawa pero ngayon ang laki ng pinagbago ng pinsan ko.

"Nagmamakaawa ako bro, wag pinsan ko." Sabi ko at tinignan ko siya, nakipagtitigan naman siya sa akin.

"Hindi ko maipapapangako yan bro." Sabi niya at natahimik naman ako. May plano ba talaga tong si Benjie o nang gagago lang to?

"Kung may balak ka man bro pakitigil nalang kasi hindi talaga kita mapapatawad kung sasaktan mo ang pinsan ko. Minsan na din yang nasaktan kaya nagbago at ayaw ko ng mangyari ulit yung dati kaya nakikiusap ako sayo bro, wag pinsan ko." Sabi ko at tumayo na ako para lapitan ang barkada namin at lapitan na rin si Marriane na nakatitig na pala sa akin ngayon at sa taong nasa likod ko.

Nginitian ko naman si Marriane para iparating na walang problema at sinuklian niya naman ito ng isang tipid na ngiti na hindi ko nakasanayan. Inakbayan ko naman siya at iginaya na papuntang ferris wheel. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry hindi po ako nakaupdate kahapon kasi dito natulog mga pinsan ko kaya naging busy ako sa kanila. Sana nagustuhan niyo tong update ko ngayon.

Gly :D


A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon