Chapter 12

7 3 4
                                    

Shirt

Nanuonuod na kami ngayon ng laro nila Benjie, nasa kalagitnaan na ang laro ng biglang nag timeout. Sobrang pawis na nila Tyler pero hindi mo naman makikita sa kanila na pagod sila. Nagtatawanan lang sila habang timeout at mga hindi problemado sa kalaban nila. 

Nagstart na ulit ang laro nila at todo cheer naman yung mga girls sa team ng pinsan ko na halos mawalan na sila ng boses kakasigaw. Ang mga boys naman na naglalaro ay mas naging energetic sa paglalaro na halos tapusin na nila agad agad yung laro nila. 

Natapos ang game at malamang nanalo sila Benjie kasi hindi naman sila nahirapan sa kalaban nila kaya ayon natapos agad nila. Nagkanya kanyang hubad naman ng mga shirt ang team ng pinsan ko para makapag punas ng pawis at makapagbihis na rin. Kailangan ba talaga sa public mag hubad kung saan maraming makakakita? 

Halos magwala naman ang mga babae at may mahihimatay pa ata kasi nakakasilaw naman ang mga abs ng mga players. Ang laki naman ng mga ngisi nila Benjie habang naglalakad na papalapit sa amin. Tinitigan ko naman siya habang naglalakad papalapit sa amin ng bigla niya akong kindatan kaya inirapan ko lang siya.

"Paano ba yan miss, nanalo kami so may utang ka ng date." Sabi niya agad pagkalapit niya, so seryoso talaga siya dun? Nagtaka naman ako ng bigla niyang iabot sa akin ang towel niyang bago. Aanhin ko naman to?

"Aanhin ko to?" Takang tanong ko sa kanya. Kinuha niya naman ang kamay ko na may hawak ng towel at iginiya niya papunta sa mukha niya na may pawis pa rin. 

"Alagaan mo naman ako miss." Sabi pa nito at nagpout pa. Bata lang? Hindi kayang punasan ang sariling pawis? Walang kamay?

"Don ka magpapunas ng pawis sa kanila kasi mas willing silang punasan yan." Sabi ko habang tinitignan ang mga babaeng nasa likod niya at kinikilig.

Binato ko sa kanya ang towel niya at naglakad na ako papunta sa barkada namin na nakaupo na ngayon at nag uusap. Naupo ako sa tabi ni Kaylee at nakinig ako sa pinag uusapan nila na about sa game din nila Trina mamaya. Naramdaman ko naman si Benjie na naupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin.

"Ang bilis mo naman magselos miss, fans ko lang yung girls noh. Hindi naman sila ang gusto kong mag alaga sa akin kundi ikaw." Sabi niya habang sinusundot ang tagiliran ko. 

Pinalo ko naman ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Ang hangin din naman talaga ng weirdong to. Anong akala niya sa akin? Yaya niya? Ang gandang yaya ko naman ata. Inilagay niya ang towel niya sa kamay ko pero binato ko sa kanya, binalik niya agad pero ibinalik ko sa kanya, ipinahawak niya ulit sa akin kaya naman para matigil siya ay hinarap ko siya.

"Alam mo, ang kulit mo." Sabi ko at alam ko na alam na niyang naiinis ako. Para matigil na siya ay hinawakan ko ang baba niya para makaharap sa akin.

Titig na titig siya sa akin pero binalewala ko lang yun kasi mas nagfocus ako sa pagpupunas ng mukha niya para matahimik na siya kasi nakakairita. Habang nagpupunas ako ng mukha niya ay sobrang titig niya naman sa akin kaya minadali ko nalang ang pagpupunas para matapos na.

"Ayan tapos na ha. Ang ganda naman ng yaya mo." Reklamo ko sa kanya at tinalikuran ko na siya para harapin si Kaylee na nakatingin sa  amin. 

"Sweet na sana nung una miss eh pero nung nagtagal ang hapdi na kasi grabe ka makapunas." Reklamo pa ng mokong kaya hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"At talagang nagreklamo ka pa ha?" Inis na sabi ko sa kanya pero mas nainis lang ako kasi tinawanan ba naman ako. 

"Game na namin guys, cheer kayo ha." Dinig ko na sabi ni Trina kaya naman napatingin ako sa kanya. Isa siya sa mga kasali sa volleyball girls at laro na nila ngayon kaya doon nalang ako magfofocus kaysa sa katabi kong weirdong asungot. 

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon