Endearment
Nasa library ako ngayon kasi gusto ko lang ng tahimik na lugar.
Wala kasi kaming teacher sa susunod na subject kaya nagpasya nalang ako na dito magpalipas ng oras.
Nakafocus ako sa binabasa ko ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon kasi kilala ko naman na kung sino tong taong to.
"Hindi man lang ako binati o di kaya sinulyapan." Pabulong na sabi niya sa sarili na naririnig ko naman.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko pero hindi ko pa rin siya tinitignan kahit na hindi ko na naman naiintindihan ang binabasa ko.
"Bawal na bang tumambay sa library ngayon?" Tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naitikom niya yung bibig niya.
"Nandito ka kasi at gusto at gusto kitang makasama kasi parang hindi buo ang araw ko kung hindi kita nakakasama." Sabi niya na ikinangiwi ko naman kasi ang bading niyang pakinggan.
"Nabading ka na naman." Sabi ko nalang sa kanya na dahilan ng pagtawa niya pero mahina lang kasi baka sitahin kami dito.
"Ako bading? Gusto mo patunayan ko ngayon na?" Akmang ilalapit niya yung mukha niya sa mukha ko pero hinampas ko na sa ulo niya yung librong hawak ko.
Kahit kailan talaga, ang landi ng lalaking to. Walang pinipili na lugar eh.
Tumayo ako para isauli ang libro na hawak ko. Napansin ko naman na sumunod siya kaya pinabayaan ko nalang.
Pagkatapos kong isauli ang libro ay nagtingin-tingin ako ng mababasa o mahihiram ko na libro. Napatingin ako sa taas na bahagi ng shelf at may nakita akong libro na gusto kong basahin. Kukunin ko na sana pero hindi ko naman abot kaya napabuntong hininga nalang ako.
Nakarinig naman ako ng tawa mula sa likuran ko kaya hinarap ko siya ng may masamang tingin kasi halatang nang aasar yung tawa niya eh. Tumigil naman siya sa pagtawa at nabigla nalang ako sa paglapit niya sa akin.
"Lumayo ka nga." Sabi ko sabay tulak sa kanya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Lumapit pa siya sa pwesto ko at halos hindi na ako makahinga.
Nabigla nalang ako ng itinaas niya ang kamay niya at may kinuha siya sa taas na bahagi sa likuran ko. Napatingin agad ako sa libro na hawak niya na ngayon, yun yong libro na inaabot ko kanina.
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa libro na hawak niya at balak ko na sanang kunin ito sa kanya pero inilayo niya. Tinignan ko naman siya at sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin, halatang nang iinis.
Nabigla naman ako ng itinaas niya ang kamay niya at inilagay ito sa shelf na malapit sa ulo ko.
Yumuko siya para ang mukha namin ay magkatapat kasi hindi naman ako katangkaran. Tinitigan ko ang mga mata niya at napalunok nalang ako ng dumako ang mata niya sa labi ko.
Lumipat ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko ulit. Nanlaki nalang ang mga mata ko ng napagtanto ko ang unti unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko.
Pipikit na sana ako at hihintayin nalang ang paglapat ng mga labi namin ng hindi ko na napigilan ang mahinang pagbahing ko. Mabuti nalang talaga at hindi ko natapat sa mukha niya.
Nakita ko naman na bahagya siyang natawa at napailing habang ako naman ay kumakawala sa pagkakacorner niya sa akin.
Kinuha ko naman ang libro na hawak niya at naglakad na papunta sa pwesto ko kanina para kunin ang bag ko. Pumunta na ako sa librarian para mahiram ko na tong librong hawak ko. Nakasunod lang siya sa likuran ko pero hindi ko siya tinignan kasi naman nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.