Chapter 6 - The Assault

128 5 0
                                    

*MOLLY'S POV*

What caused me pain the most sa break up naming ni Kervin ay 'yung memories kung paano niya rin ako nasalba sa bangungot na pinagdaanan ko.


It was back in college. I was standing by the door of our classroom when my prof approached me. Akala ko normal usap lang kasi he's really close to his students. Pero nu'ng umalis 'yung kaklase ko sa tabi ko to get his stuff inside our classroom, saka nangyari 'yung hindi ko inaasahan.

My prof moved his crotch forward, getting closer to where my hand was. I felt his genitalia touch the back of my hand and I couldn't move. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw na parang may nakatali sa buong katawan ko. Inaantay ko nalang tanggalin niya nang kusa. It was longer than anyone would've thought. If hindi niya sinasadya, he would've moved away agad kaso hindi. The back of my hand was in contact with his genitalia for more than ten seconds.

It was the worst and longest ten seconds of my life. 

Ever since that happened, I completely lost my trust in men. Oo, hindi kasing grabe ng nangyayari sa iba pero 'yung trauma ko hindi ako pinatulog nang ilang linggo. At kahit ngayong matagal nang nangyari 'yun, napapanaginipan ko pa rin at 'yung pakiramdam eh parehas lang.

I told this to Kervin. Ang sabi niya kalimutan ko nalang daw kasi raw nangyari na. Nangako siyang sasamahan niya ako sa lahat at hindi niya raw ako pababayaang labanan mga problema ko mag-isa.

Pero wala na siya.

Pinagkatiwalaan ko si Kervin. Imagine losing someone you trusted the most. I didn't care about anyone else. Siya ang priority ko. Every desisyon I made was always based on him. Kumbaga, if it's not convenient for him edi hindi ko gagawin kahit na maaapektuhan ako. I loved him more than anyone else. I loved him more than I love myself.


That's something that girls should keep in mind. Do not let your world revolve around your partner. Mahalin mo sarili mo para hindi ka magaya sa'kin. He was my weakness kaya ito, bagsak na bagsak nanaman ako. 


"Ma'am, tea po," the lady from the spa offered. I took one mug and sip on my tea slowly. Nag-iisip ako nang maayos para maiwan ko nalang sa Tagaytay lahat ng sakit. Para makalimutan ko rin pagbalik namin bukas sa Manila.


"Ate, look. Reagan posted more photos!" Missy said. Sobrang excited siyang makita 'yung mga kuha namin sa Italy. Idol na idol niya si Reagan sa pagtake ng photos kasi hobby niya rin 'yun. 


I grabbed her phone and looked at the photos. Tama si Missy, mukha ngang professional photoshoot. Hindi ko alam kung dahil ba sa model ako o dahil sa magaling siyang photographer.

"I wanna work with him."

"I agree. Mukhang magkakasundo kayo sa mga poses and even themes or concepts," sagot ni Missy sa'kin habang kinakain 'yung libreng snacks na galing sa spa.

"If we were able to have cool shots nang walang plano o walang pag-uusap, edi mas cool siguro kung may concept na," I replied. 


"Yes! Basta ate isama mo ako sa shoot niyo if ever ha? Gusto ko kasi talagang matuto ng iba't ibang styles niya. 


I nodded. I removed the robe that I was wearing and hung it on the rack. I took my clothes from the locker and changed into my fit.


My sister and I went back to our room. Isang gabi lang 'to kaya kailangan isipin ko na ang dapat isipin, iiyak ang dapat iiyak, at iplano ang mga dapat iplano. Lahat dapat maiwan ko na dito para hindi na ako mahirapan pagbalik sa Manila. 


I don't want to feed Winona and Kervin with my attention. Kailangan kong ifocus ang sarili ko sa pagiging better. Kailangan maipakita ko sa kanila na kaya kong wala si Kervin. 


I DMed Reagan telling him the proposal. Nakakahiya pero minsan lang ako maging confident sa pag DM sa kanya kaya push.


Hi, Reagan. I'd like to propose an idea that my sister and I thought of earlier today. Maybe we can collab in a project soon. Your shots turned out to be so cool and it wasn't even planned. If you're interested, please reply to this message so we can devise a plan.

xx, M.


Nilagay ko 'yung phone ko sa dibdib ko at nagbuntong hininga. Sana ito na ang start ng mas maayos na buhay.

"Na send ko na. Okay ka na ba?" pang-aasar ko sa kapatid ko na kanina pa ako kinukulit na i-message si Reagan.

"Yes, ate! Excited na ako na makatrabaho siya. Wrong idea yata talaga na tinaray-tarayan natin siya," sagot niya. Natawa nalang kami nu'ng maalala namin 'yung pagtataray namin kay Reagan sa Italy. 


"I hope you'll get better soon, ate." I smiled at her and kissed her on her forehead before turning off the bedside lamp. Nasa iisang kama lang kami kaya sinusulit ko ang bawat minutong katabi ko si Missy. Parang kalian lang nu'ng unang beses siyang inuwi ng parents naming. I was so excited to finally have a little version of me. 


Missy and I woke up early para mag breakfast sa restaurant ng hotel. We are so excited to try the food that they serve here. 

I took as many food as I can possibly eat. Sinulit ko na saka malungkot ako ngayon. It's an excuse, right?

"Ate, grabe naman 'yang plato mo. Hindi ka naman ginugutom sa bahay ah," sabi ni Missy nang maupo sa harap ko. Kakakuha niya lang ng pancakes.

"Gutom ako eh. Isa pa, ang mahal mahal ng binayad natin dito kaya ikaw damihan mo pa 'yan. Napakaarte mo talaga. May pancakes naman sa bahay," I said cutting into the steak that I got.

Missy rolled her eyes. "Steak for breakfast?"

"Alam mo sis tigilan mo na 'tong plato ko. Kainin mo 'yang sa'yo," sagot ko sa kanya saka siya inirapan.

In-enjoy ko talaga 'yung pagkain. Sabi nga nila, you're happier when you're full. I took that quote seriously kaya heto ako, food coma. 


"Ayan, kakakain mo 'yan. Tingnan mo oh? Your flat stomach is gone!" sabi ni Missy habang inaalalayan ako palabas ng restaurant.

"I can just workout bukas o mamaya, babalik din 'yan. Isang cr lang tanggal na 'yan pero 'yung chance na makakain sa ganitong restaurant eh iba," sagot ko sa kanya trying to justify the amount of food I just ate.


"Ate, nakakakain naman tayo sa five star restaurants pero bakit parang first time mo?" sambit pa ni Missy. Hindi ko na siya sinagot. Nag focus nalang ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa kwarto to rest for a couple of hours bago kami mag check-out.


"I'll tell mom and dad na bumalik dito," sabi ko habang hinihimas 'yung tyan ko. 


"Hindi ka naman buntis, 'di ba?" biglang tanong ni Missy.

"Ano ka ba? Syempre hindi. Baka nga isa sa mga rason 'yun kung bakit ako niloko ni Kervin eh. Hindi ko raw maibigay sa kanya 'yung kailangan niya," sagot ko nalang. Natawa si Missy sa sinabi ko sabay hampas nang malakas sa tyan ko. Alam niyang hindi ko siya mahahabol kaya tawang tawa nalang siya sa may TV sa harap ko.

"Hindi kita isasama sa shoot namin ni Reagan!"

Ephemeral (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon