Chapter 14 - Unwanted Call

138 6 1
                                    

"Molly, please. 'Wag mo ibababa," pagmamakaawa ni Kervin sa call.

"Ano ba kasi kailangan mo?"

"I'm so sorry for what I've done. I promise hindi na mauuulit," pagmamakaawa niya uli.

"Ready?" pagtanong sa'kin ni Reagan pagkagaling niya sa cashier para bayaran 'yung binili niya.

"Yes," simpleng sagot ko sa kanya saka ko ibinaba ang call.

"I saw that name. Kayo uli?" tanong ni Reagan. This time, he looks friendly and approachable. Hindi siya 'yung usual cold man na parang bawal kausapin.

"No," sagot ko sa kanya nang nakayuko. Nahihiya ako na todo rant ako sa kanya nu'ng nakaraan tapos ngayon kausap ko sa call si Kervin.

"So you saved his phone number again?" pagtatanong niya uli.

"Yes."

"Gusto mo uli?"

"No."

Nagpatuloy kaming maglakad para mamasyal. Pumapasok sa ilang stores para mamili ng gamit, at syempre mag try ng iba't ibang pagkain.

Naupo kami sa may Woody Allen at nag-usap.

"Naka move on ka na ba totally kay Kervin?" tanong niya sa'kin.

"To be honest, hindi pa."

"Kaya ang dali para sa'yong tanggapin siya pabalik?"

"Oo? I'm not sure. I don't know what to feel," sagot ko sa kanya.

"Just don't rant kung hindi mo rin paninindigan," sabi niya sabay tayo at lakad palayo.

"Bakit parang galit ka?" tanong ko sa kanya.

"I'm not. I'm just annoyed na rant ka nang rant tapos kakausapin mo rin ulit pala. It's doesn't make sense," sagot niya nang lingunin niya 'ko.

"Nevermind. I'll just block him," sagot ko sa kanya.

"Bukas na meeting ko sa company na pagte-training-an ko. Do you have any advice?" pag-iba ko ng topic.

"Just be yourself. They have made up their decision anyway. Wala nang rason para magpakitang gilas ka," sagot niya nang nakatingin pa rin sa malayo.

"Bakit ang hirap mo basahin?" bigla kong tanong. Hindi ko na matiis na pa iba-iba siya ng mood.

"Huh?"

"Minsan kasi jolly at friendly ka. Minsan naman ang sungit mo. Nireregla ka ba?" pag-eexplain ko.

"Ewan ko rin. Basta ever since I went to Italy ganito na 'ko. Isa pa, why do you care?" sagot niya.

"Eh friends na tayo 'di ba? Masama bang magtanong para mas makilala ka?"

"You'll get to know me more as time passes by."

Naglakad lakad pa kami ni Reagan hanggang sa gabihin na kami. Napagkwentuhan na namin ang Pilipinas, ang mga plano namin pati na rin ang pamilya namin. Pero hindi pa rin ang rason kung bakit siya gano'n.

Bumagal ang lakad namin nu'ng malapit na kami sa hotel ko. I tell him about how exciting it would be if he'll give me a chance to try the fortune teller near the hotel.

"Ano, try natin?" na-eexcite kong tinanong sa kanya.

"Naniniwala ka diyan?"

"Hindi naman. Just for fun. Malay mo mas maiintindihan na kita kapag nagpahula tayo. Isa pa, sosyal 'to oh. Englishera," sabi ko bago hatakin ang kamay niya papasok.

May dala kaming alak na nakalagay sa can ng softdrinks para hindi mahalata.

"What do you wanna know?" the fortune teller asked.

"What's my career going to be like?" I asked.

"Before that, a hundred dollars must be given per question." Anak ng! Ang mahal ha! I handed the hundred dollar bill to her and she started acting like she was absorbing energy from her fortune ball.

"Great! You're going to have something better than your dreams. You'll be having fun and earning a lot at the same time," sagot niya sa'kin. Na-excite ako sa nalaman ko kaya nagtanong pa 'ko uli.

"What's my future going to be?"

"This is not good. It's pretty dark and I can't see anything." Sayang hundred dollars but it is worth the try.

"Ikaw ba Reagan, wala ka bang tanong?" He sighed before handing his hundred dollar bill.

"What's my future going to be like?"

"You'll meet someone you love so much. Someone who will give you the world. Someone who will give you a beautiful child that looks just like her. But your love will be ephe—."

"Hands up!" A powerful voice was heard.

Nagtago kami ni Reagan sa ilalim ng lamesa bago tuluyang tumakas.

"Bentahan 'yun ng illegal drugs?!" gulat na sinabi ni Reagan nang magpahinga kami sa gilid ng isang street.

"Sorry na-trouble tayo," sagot ko sa kanya.

"Sayang three hundred dollars natin. Mukhang hindi naman mapagkamatiwalaan," sabi niya habang inaayos damit niya.

"Ano kaya 'yung hula niya sa'yo?" tanong ko.

"Never mind. Putol nga eh. I don't think it'll happen pa. Ang labo labo nang mangyari nu'n. 'But your love will be...' Ano'ng klase 'yun 'di ba?"

"Ephemeral."

"Ano sabi mo?" nagtataka niyang tinanong.

"Ang ganda nu'ng damit nu'ng babae. It says 'Ephemeral'. Too bad its meaning is not as good as it sounds," sagot ko sa kanya.

Pagabi na nang pagabi kaya naglakad na kami papunta sa hotel ko.

Habang naglalakad, napag-usapan namin uli 'yung hula sa'min.

"Ano kaya karugtong ng sinabi ng manghuhula?" tanong ko sa kanya nang matapos ang kwento niya tungkol sa mga motor na sa totoo lang, hindi ko pinakinggan.

"We'll never know."

"But I really want to know, Reagan."

"Hindi na nga natin malalaman. Isa pa, we got scammed. Naniniwala ka talaga du'n?"

"I don't know. I'm just curious."

"Molly, gabi na. We don't have time anymore. Halika na, ihahatid na kita."

Naglakad kami papunta sa hotel. Hindi naman ako masyadong napagod kasi may mga hinintuan naman kaming lugar para magpahinga. I had a great time with Reagan today. Sana someday makilala ko pa siya lalo kasi ang hirap niya talagang basahin. Nahihirapan ako idetermine kung tama bang asarin siya o hindi.

"Aakyat na 'ko. Thanks for today," sabi ko sa kanya.

"No worries. Be consistent, okay? 'Pag naka block na, wala nang bawian," sagot niya saka lumabas ng lobby.

"Okay." sagot ko sa kanya. Nginitian niya 'ko this time kaya isang malaking achievement na 'yun. Hayy salamat, natapos na rin ang isang buong araw.

Naglakad na siya palayo. Sinilip ko muna siya bago ako umakyat sa hotel ko.

Ephemeral (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon