Chapter 21 - "You're Blushing!"

189 10 2
                                    

"I was just thinking if you're free tonight for some dinner," Reagan said when he arrived at our hotel to visit me.

"Yes, free naman sched ko. That'd be fun ha tayong tatlo uli magkakasama," sagot ko sa kanya.

"Uhh no. Tayong dalawa lang sana." Napahinto ako sa pag-aayos ng kama ko. Kaming dalawa lang? Sa dinner? As in?

"W-why?" I asked.

"Wala lang. 'Di ba nasabi ko na sa'yo kung gaano na kaimportante sa'kin ang magkaroon ng kababayan sa ibang bansa? Para kasing ikaw 'yung nagdadala sa'kin sa Pilipinas without having to be there," sagot niya. I was expecting a cheesier answer pero ito ang nasabi niya.

"Oh sure. Sige pero samahan mo muna akong magwithdraw para may cash ako mamaya."

"No, Molly. Ako na bahala sa lahat. Just let me take you out for a dinner tonight."

"Oh okay? Okay sige papayag ako. Pero at least sa dessert ako magbabayad please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Okay fine. Mamaya ha? I'll text you nalang," he said.

"What are you doing here pala? May kailangan ka ba?" I asked.

"Wala, invite lang kita. Besides, Myca said she's going to be out today kaya ininform niya lang akong wala kang kasama dito," he answered.

"Ang sweet naman. Pero ano ba magandang gawin? Parang nababother kasi ako na wala kang ginagawa dito. Let's do something fun," pagyaya ko.

"There's a pool upstairs. Try natin?"

"Pero wala kang dalang damit," sagot ko sa kanya.

"Molly, Greg and I are staying in the same hotel. Bababa lang ako may damit na 'ko. So, tara?"

"Okay magpapalit lang ako."

I changed into my bikini. I looked at myself in the mirror. I found myself smiling wide at my reflection. Molly, kinikilig ka ba? Binaliwala ko nalang 'yun. I took my coverup saka lumabas.

"Tara na?" Reagan lead the way. Nakasuot na siya ng swimming trunks pagpunta palang sa hotel room namin ni Myca.

"Were you ready for this?" I asked.

"Yes. Pagkasabi palang ni Myca sa'kin naisip ko nang yayain ka magswim," sagot niya.

"Paano pala kung humindi ako?"

"Edi papalusot ako na Pinoy ako kaya ako naka swimming trunks kahit nasa hotel lang." Tumawa kaming dalawa.

Habang nag-aantay ng elevator, nailang kami sa reflection namin sa pinto ng elevator. Nagkatinginan kami saka lumayo sa isa't isa. Mabuti nalang eh bumukas na 'yung elevator.

"This is nice!" I exclaimed.

"Yeah! Let's go!" Nagulat ako nang biglang magtanggal ng pantaas si Reagan. Tumakbo siya papunta sa pool at saka tumalon.

"Molly, tara na!" Sigaw niya. Kami lang 'yung nandu'n kaya malayang malaya kaming mag-ingay.

Medyo nataranta ako. Pumunta muna ako sa may gilid para ipatong 'yung dala kong gamit. Hindi ko na muna hinubad 'yung cover up ko kasi medyo nahihiya pa akong mag bikini sa harap ni Reagan.

"Ang lamig ng tubig!" Sigaw ko. Hindi ko kasi gusto ang malamig na tubig kaya hangga't maaari eh nagpapainit ako ng tubig lalo na kapag walang hot or cold faucet ang hotel.

"Enjoy!" Sigaw ni Reagan.

Pinanood ko siyang mag-enjoy na parang bata. Ang saya-saya niya. Hindi ko ni minsan naisip na ganito pala si Reagan. Sa New York kasi seryoso at tahimik siya. It seemed like Greg and LA had a huge impact on him.

Tinabihan ako ni Reagan sa gilid ng pool.

"Can I ask a question?" I asked, he nodded.

"I can't understand who you really are or what you're really like. Sino ba ang totoong Reagan? New York Reagan, Rome Reagan, o Los Angeles Reagan? O baka naman may iba pang version ng Reagan?"
Tumawa siya nang bahagya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya.

"H-hindi mo naman kailangan saguti—," he cut me off. "Shhh," he said placing his index finger on my lips gently.

"To be honest, I don't know too. Kusa nalang ako nagbabago pero deep inside I think think this is the real me," sagot niya nang may maliit na ngiti sa labi habang nakatingin sa'kin.

"Do you force yourself to be as cold as you were when we were in New York?" I asked.

"No. Ayun lang nararamdaman ko. Siguro dahil sa busy streets at busy-looking na mga tao kaya nadadala na rin ako. Minsan lang hindi ko gusto ang may maraming tao sa paligid. I just want a huge space around me."

"Have you always been like that? Promise, last na tanong ko na."

"You can ask as many questions as you want. Pero to answer that, I would say oo. Nu'ng bata ako wala akong mga kaibigan. Believe it or not nu'ng college lang ako nagkaroon ng mga kaibigan. Du'n ko na nakilala si Anna. Akala ko I have changed. Thankful pa ako nu'n na binago ako ni Anna. Almost everyday umaalis kami at almost every night gumigimik. Pero ngayong binabalikan ko lahat nang 'yun naiisip ko, I should've stayed the way I was back in the day. I should've continued being distant. Hindi siguro ako masasaktan nang ganu'n o kung masaktan man, hindi sobra. Kaibigan ko kasi ang pinalit sa'kin." Yumuko si Reagan. Naguilty ako na binalik ko nanaman 'yung nangyari sa kanya.

"I'm sorry. Tatahimik na 'ko." I showed him na zinip ko na ang lips ko pero tinawanan niya lang ako.

"You're cute," sabi niya.

"H-ha?" Hindi na ako makagalaw sa puntong 'to. 'Yung malamig na tubig eh parang umiinit. 'Yung maliwanag na araw eh parang lalo pang lumiwanag. 'Yung nilalamig kong mga pisngi eh parang nag-iinit.

"You're cute lalo na 'pag nagbablush ka," sabi niya uli.

"H-hoy sa init 'to ha. Baka iba naman isipin mo," sabi ko sa kanya.

"Kinikilig ka lang eh," pang-aasar niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo, Reagan. Lumayo ka nga sa'kin," pagtataboy ko sa kanya pero winisikan niya lang ako sa mukha.

"Reagan alam mo parang mas gusto ko 'yung tahimik ka lang," sabi ko sa kanya.

"'Wag ka na mahiya, Molly. Kinikilig ka eh," pang-aasar niya pa. Lumayo ako sa kanya. Hapon na nang umahon kami.

"Alam mo, seryoso ha. Parang gusto kong maibalik 'yung tahimik na ikaw," sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng katawan.

"Ah gano'n? Oh sige last day na nating mag-uusap ngayon," sagot niya sa'kin. Inirapan pa 'ko! Hinampas ko ang braso niya.

"You're annoying."

Hinatid niya muna ako sa may kwarto namin ni Myca.

"How long have you been here?" I asked Myca when I saw her sitting on her bed.

"Looks like you two had so much fun," pang-aasar niya.

"Of course we did." I rolled my eyes saka nagpaalam kay Reagan. Naligo na ako at nag-ready para sa dinner namin.

"Where are you going?" Myca asked.

"Dinner."

"With?"

"Reagan. Hey Myca I know what that look means. We're just friends," I answered.

Maya-maya pa eh nag doorbell na si Reagan sa kwarto namin.

"Molly, sorry. Na-cancel 'yung reservation natin sa Restaurant na pinag book-an ko. Okay lang ba kung sa restaurant ng hotel na 'to tayo kakain?" Halata sa mukha niya 'yung paghihinayang. Naawa at nahiya ako sa kanya na ganu'n ang nararamdaman niya. Siya na nga magbabayad tapos siya pa 'tong naaabala.

"Kahit sa McDonald's pa tayo kumain, okay lang," sagot ko sa kanya. He offered his hand to guide me.

"Sana mag-enjoy ka," he said.

"Sana mag-enjoy tayo," I corrected.

Ephemeral (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon