Chapter 8 - Hello, New York!

133 5 0
                                    

After our family staycation sa Tagaytay, tinulungan nila ako mag impake nu'ng makauwi kami.

"Ate, hanapan mo 'ko ng gwapong kano ha," banggit ni Missy habang isa-isang tinitingnan mga damit ko.

"Bakit, ayaw mo ba sa Pinoy?" tanong ni Mama.

"Mas mahaba eh," sagot ni Missy.

"Tumigil ka bata," pagsabat ni papa sabay batok nang mahina kay Missy.

"Mahaba ang alin," natatawang tanong ni mama.

"Ang pasensya po. Kayo talaga," sagot naman ni Missy.

"Ang dami ko pa palang pagdadaanan bago maging isang ganap na model," sabi ko nang isara ko 'yung maleta.

"Ganu'n talaga, anak. Worth it naman kapag nakamit mo na," sagot ni mama.

Dumating na 'yung araw ng flight ko. Malungkot dahil mawawalay ako sa kanila pero masaya kasi simula na ng pagkamit ko sa pangarap ko.

"Mag-iingat ka ha? Lagi mong tatandaan na one call away lang kami. Kapag kailangan mo kami magsabi ka ha," paalala ni mama. Tumango ako sa kanya sabay yakap.

"Mamimiss kita, ate. Basta ha 'yung bilin ko," sabi naman ni Missy. Niyakap ko siya nang mahigpit at bumulong, "Hahanapan kita ng kano."

Nginitian lang ako ni papa sabay gulo sa buhok ko. Niyakap niya ako at saka ako hinatid papasok sa airport. Kumaway ako hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Hindi ako sanay nang mag-isa lang. Dito palang eh parang na ho-homesick na ako.

Sa haba ng byahe ko, ilang beses kong sinubukang matulog. Nood sa laptop, order ng pagkain, at tulog. Sinulit ko 'yung flight ko.

"Ladies & Gentlemen, now we're approaching New York where the local time is 10:00," narinig kong pag-announce sa eroplano. Sa kaba ko, dali dali kong sinunod 'yung mga sinabi. Muntik ko pang matapunan ng tubig 'yung katabi ko.

"First time in New York?" tanong nu'ng katabi ko. I nodded.

"Don't worry, you'll be fine. Just make sure to have fun. It's a beautiful but craaaazy place," banggit pa niya. Nginitian ko lang siya at saka nag-focus sa pag-aantay ng mga pasahero na makalabas. My knees are trembling. I don't know what New York has to offer. Sana something fun, something that I'll never forget.


Hinihintay ko nalang 'yung maleta ko. Dito palang sa airport ibang iba na 'yung mga taong nakikita ko. I can hear their strong New York accent. I can't see any Filipino walking in this area that really hit me. I am now in a different place. Somewhere far where I can finally restart my life.  Maya-maya pa, nakita ko na ang pangalan ko na sa isang iPad na hawak ng isang lalaki.


"Excuse me, is this for TJS Modeling Agency?" I asked.


"Yes, yes. Are you Ms. Marciana Amorelle Florentino?" he asked back. I nodded. He took my luggage and gently placed it at the back of the car.

"How was your flight?" he asked while starting the engine.

"Quite long but it was smooth," I simply answered.

Ito na. Unti-unti nang nag sisink in sa'kin na nasa New York na ako. The skyscrapers and the fashion here are incredibly beautiful. Pakiramdam ko nasa magazine ako.

"We're here," sabi ng driver nang ihinto niya 'yung sasakyan sa labas ng isang magarang hotel. Hinatid niya ako hanggang lobby. Kabado akong nag check in pero nu'ng nakaakyat na ako sa kwarto ko, sobra akong nagandahan. 


May goodies akong nakita sa kama. Welcome gift daw para sa'kin. Isa-isa kong tiningnan. May mamahaling skincare, snacks pati na rin fruits. With the cash that I still have in my wallet, I decided to order a room service to make my first night even more special. This is going to be my first meal in New York!


Beef is my most favourite meat in the world. Of course I ordered this hotel's most expensive beef meals. 

I took a picture of my food sabay upload sa Instagram. I also tagged my location to lowkey flex where I am.

Nirefresh ko 'yung news feed ko. Post ni Reagan naman ang tumambad sa'kin.

How beautiful.

Ayan ang caption ng post niya. Isang picture ng building tapos tagged location eh parang mamahaling hotel ang pangalan. 


Tinawagan ko kaagad sila mama para ipaalam na nakarating na ako sa hotel. Ininggit ko na rin si Missy sa kinakain kong puro karne ng baka na favourite naming dalawa. 


"Magpapahinga na 'ko ha. I love you," pagpapaalam ko sa kanila sabay baba ng call. I tried one of the bathbombs na kasama sa welcome gift sa'kin. Sobra akong narelax sa amoy na parang ayaw ko nang umalis du'n.

I changed into my sleeping gown and tried to find the most comfortable position possible.

Maaga akong nagising para pumunta sa opisina kung saan ako mag tetrain. Kabado ako at nanginginig sa takot. Mag-isa lang ako at alam ko ring New York is not just about fashion and food. Alam kong delikado rin dito. Kahit saan naman sa mundo to be fair.

"Hi. You must be Molly?" pagbati ng isang lalaki na mukhang nasa mid-40s na. Kalbo na at mukhang iba ang sexual orientation niya.

"Yes, I am," magalang kong isinagot sa kanya.

"Please take a seat."

Wala akong ibang kasama sa room na 'yun kung hindi ako at 'yung lalaki lang. I'm overthinking and my heart is pounding so hard. I can heart it in my ears that make my palms sweat.

"Your training will start pretty early. We'll give you a call once everything is final. After your training, you'll have to wait for our calls to be assigned at a certain gig where you're going to model for brands," sabi niya nang nakatingin lang sa mga mata ko. Tumango ako sa kanya at naghintay sa idadagdag niya.

"These are some of the international brands that you'll possibly work with. These are the famous designers that you'll meet once you become a model of their brand. Make sure to be physically and mentally ready for all these, okay?" he continued. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga brand names na 'yun. I have bags and some clothes na galing sa brand nila and the fact na posibleng i-model ko ang products nila eh sobrang nakaka pressure.

"Are there any expenses that I have to be ready for?" I nervously asked. Natatakot ako na mawalan ng pera on the spot kaya mabuti nang handa.

"No. Everything has been arranged by us. You have nothing to worry about," sagot niya. Tumango ako at nag-antay na sabihin niyang tapos na ang interview. 


"Oh and one more thing. Your training is possible to get postponed once we see your potential. Make sure to do your best. We are expecting a lot from you," dagdag niya pa. 

Lumabas na ako sa building at napatalon sa saya. Mabuti nalang busy sa paglalakad ang mga tao rito kaya hindi na nila ako masyadong napansin.

Ephemeral (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon