Ang lungsod ng Rizal ay isa sa sikat dahil sa taglay nitong natatanging pasyalan at mga lugar na talagang maipagmamalaki. Ang magkakaibigang Nadine, Crizalix, Meachelle, Katrina at Melvin ay nagpasyang mamasyal sa mga sikat na lugar sa syudad na ito.
Nag-aaral ngayon ang magkakaibigan sa iisang paaralan ng High School at pare-pareho silang nasa 4rth Year dahil halos simula ng bata pa'y magkakasama na sila. Walang problema na hindi nila kayang lampasan at lalong hindi sila papayag na may isa sa kanila ang nasasaktan.
"Guys, saan niyo ba kasi balak mamasyal?" pagtatanong ni Nadine.
"Well, naisip ko lang na pasyalan kaya natin ang buong Rizal? E, alam niyo namang minsan lang 'to," wika ni Melvin.
Bakasyon kasi ngayon sa school nila at lahat-lahat ay gustong magkaroon ng unforgettable vacation na minsan lang naman nila magagawa ng sama-sama.
"Pero parang ang boring naman kung dito lang mismo sa lugar natin tayo mamamasyal," pag-iinarte ni Crizalix.
"Alam n'yo guys, mas ayos na rito dahil kahit papaano e, marami pa tayong malalaman tungkol sa history ng Rizal pati na rin ang modernisasyon na nag-impluwensya dito," may ngiting sabi Meachelle.
"Ang dami mong alam. Hindi na nating kailangang magpakalayo," wika ni Katrina na kanina pa naiinip.
"So, kailan tayo mag-uumpisa Guys?" tanong ni Melvin.
"Bukas na lang siguro. Monday naman," suhestyon ni Nadine.
"Okay!" sabay-sabay nilang tugon.
SAMANTALA, ppatuloy pa rin sa pagmamasid si Cedric kung may taong dadaan sa kalsada dahil kanina pa siya dito naghihintay upang maghanap ng taong mabibiktima. Walang makapagsabi kung si Cedric nga ba talaga ang nasa katawan ng binata o ang demonyong kamakailan ay lumabas sa kanyang katauhan.
Lumuwas siya ng Maynila sa kadahilanang wala na siyang mabibiktima sa Silibas. Bakit? Dahil lahat ng tao sa baryong iyon ay inubos nila kasama ang mga angkang aswang ngunit nagkaroong pagkakataong makatakas si Aling Mellisa at ang iba pa pero sa kasamaang palad, namatay si Mang Pedring dahil sa paglaban nito. Hindi na ngayon alam ng binata kung nasaan na si Aling Mellisa sapagkat wala na sa kanya ang kuwintas kung gayon ay hindi niya na ito mahahanap gamit ang isip.
Totoo nga bang nawala ang kuwintas? O ang bahagi lamang at hindi ang ngipin ng demonyo na nasa dulo nito?
LUMIPAS ang ilang oras at sumalit na ang umaga. Bumangon na si Katrina mula sa kinahihigaan at masayang sinalubong ang bagong sikat na araw.
"Hay, salamat at makakagala na naman ako! Nakakainip na kasi dito sa bahay," wika nito sa sarili.
"Kringgg!" agad na kinuha ni Katrina ang cellphone dahil may tumatawag.
"Hello? Ang aga naman... sino ba 'to?" medyo inis niyang tanong.
"Hoy! Nandito na kami sa labas ng bahay n'yo. Kanina pa kami naghihintay," wika ni Melvin na nasa kabilang linya.
"Ay, Sorry! Sige at magbibihis lang ako." Tugon ni Katrina at mabilis na pinatay ang cellphone para makapagbihis.
"Bakit ngayon lang siya nagising? E, ang aga-aga niyang nakauwi kagabi?" pagtatakang tanong ni Meachelle sa mga kaibigan.
"Hayaan n'yo na. Baka na-excite lang kaya nagpuyat," tawang tugon ni Nadine.
Mayamaya'y bumaba na ng hagdan si Katrina at may dalang bag.
"Baka hindi ka pa kumakain?" agad na tanong ni Crizalix.
"Mamaya na lang. Alam n'yo namang marami pa tayong kakaining masasarap na pagkain sa pag-iikot natin." Nagpatuloy sa paglakad.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...