"Okay, paano n'yo po nasabing nasa kapahamakan kami?" pagtataka ni Melvin.
"Dahil hindi na kayo makakaalis dito sapagkat nasa poder kayo ni Cedric at isa pa, mahirap siyang kalabanin dahil kahit ang mga taga-Silibas ay pinag-uubos niya," unang pagpapaliwanag ng matanda.
"Hindi ko po ma-gets?" sambit ni Meachelle.
"Samlung taon na ang nakararaan. Sa lugar namin sa Silibas, nagkaroon noon ng madugong labanan sa pagitan ng mga tao at aswang. Si Cedric ang anak noon ng reyna ng mga aswang at siya rin ang tumalo dito subalit 'di namin aakalaing siya naman ang naghahangad na maging pinuno. Dahil 'yon sa kuwintas at hindi sa kanyang pagkatao," mahabang salaysay ni Mellisa.
"Kayo po? Paano kayo napunta dito? Naliligaw rin po kayo?" pagtatanong ni Katrina.
"Hindi, nakatakas kasi ako noon ng lusubin ng angkan ni Cedric ang Silibas at kaya ako nandito ay para pigilan siyang makapanakit pa ng nakakarami," tugon nito.
"Kung gano'n, hindi n'yo po magagawa 'yon dahil aswang sila 'tapos ikaw... tao?" tanong ni Cristalix.
"May paraan, kailangang umibig si Cedric sa isang babaeng alam niyang mamahalin siya dahil isa sa rason ay kulang siya sa pagmamahal ng isang tunay na magulang kaya't kung mangyayari 'yon, maaaring mawala ang kasamaang nanaig sa kanya," tugon nito.
"Kung 'yon po 'yung paraan, paano n'yo po gagawain yun?" pagtatanong ni Nadine.
"Sa pamamagitan ng isa sa inyo," tugon ni Mellisa.
"O, may gusto ba sa inyo?" tanong ni Melvin.
Ang apat ay yumuko at napailing bilang pagsagot ng HINDI dahil alam nilang aswang si Cedric at walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan.
"Kung walang may gusto sa inyo, kailangang maghanap ng iba," sambit ni Mellisa.
"Pero hindi nga po kami makaalis dito," turan ni Meachelle.
"Ngayon, puwede na kayong makaalis sa pamamagitan nitong kuwintas." Itinaas iyon ni Aling Mellisa.
Hindi pa pala tuluyang nasisira ang makapangyarihang bagay na ito dahil nananatili pa rin ang ngipin ng demonyo sa dulo nito. Napatingin ang magkakaibigan at para sa kanila ay ordinaryong kuwintas lang ito.
"Ano pong magagawa niyan?" agad na tanong ni Cristalix.
"Paandarin mo ang kotse," utos ni Aling Mellisa.
Muli nga itong pinaandar ni Cristalix at nag-umpisang magmaneho. Mayamaya'y nagkaroon na ng mga kabahayan sa paligid at nagbago na rin ang daanan.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan dahil alam nilang hindi na sila naliligaw. Nakarating ang magbabarkada sa bahay mismo ni Melvin.
"Dito muna tayo guys. Hintayin lang nating sumapit ang umaga at doon na tayo magpaplano," anyaya ni Melvin.
"Mag-iingat pa rin kayo dahil nasusundan niya ang mga amoy nito," biglang sambit ni Mellisa.
"Bakit? Hindi naman po ako mabaho huh?" pagbibirong sabi ni Nadine.
Napatawa ang iba at pati si Aling Mellisa ay nakitawa na rin dahil alam niyang natatakot na ang kabataan. Ngunit, totoong hindi talaga ligtas ang lima kahit na malayo sila sa lugar ni Cedric.
"Kumain na nga lang tayo!" sambit ni Katrina na kanina pa talaga gutom.
NATAPOS na sa pagkain ang lima ngunit si Aling Mellisa ay ayaw makisabay. Nang matapos sa ligpitan, agad na lumapit ang lima sa matanda.
"Dapat matulog kayo nang sama-sama at kailangang may gising na isa," sambit ni Aling Mellisa na may halong pag-aalala.
May second floor ang bahay ni Melvin pero mas pinili ng magkakaibigan sa ibaba kung nasaan si Aling Mellisa. Pagkatapos maglatag, agad na nakatulog ang apat dahil sa pagod. Ngunit, nananatiling gising si Melvin.
"Totoo po bang masusundan pa kami ng sinasabi ninyong aswang?" pagtatanong ni Melvin kay Aling Mellisa.
"Oo, dahil tulad ng nangyari sa akin noon sa Silibas, matatandaan nila ang amoy n'yo," tugon niyo.
"Teka lang po... isa lang 'yung nakita namin kanina, bakit sinasabi mo pong marami?" tanong ni Melvin.
"Dahil si Cedric, ang kapatid nito pati na rin ang ama niya ay naririto." Tugon ng matanda, napabuntong-hininga
"Tatlo lang po pala e!" may nginting sambit ni Melvin.
"Oo, tatlo lang silang naririto pero hindi n'yo alam kung gaano karami ang angkan niya sa Silibas," dagdag pa nito.
Natahimik ang binata dahil sa katagang binigkas ni Aling Mellisa na Angkan.
"'Yung sinabi n'yo pong dapat umibig si Cedric, talaga bang hindi mahirap gawin 'yon?" muling tanong ng binata.
"Hindi ko masasabi pero, depende 'yon kay Cedric kung kanino siya magkakagusto," tugon muli ng matanda.
"Pwede ko po bang tawagan 'yung iba ko pa pong mga kaibigan? Ako lang po kasi 'yung lalaki dito," paalam ni Melvin.
"O, sige pero dapat hindi sila takot sa ano mang bagay na makakaharap nila," tugon ni Mellisa.
"No problem po, .atatapang sila at mahilig sa adventure na may mga kababalaghan," magiliw na sabi ni Melvin.
SA CELLPHONE
Melvin: Hello?
De R: Hello, sino 'to? Gabing-gabi na at napatawag ka pa.
Melvin: Si Melvin 'to. Hindi ba't naka-save number ko diyan?
Dahil nagising lang De R sa pagkakatulog, hindi niya tinignan kung sino ang tumatawag.
De R: Sorry 'tol. Bakit ka nga ba napatawag?
Melvin: Alam ko na gusto mong makaharap ang isang tunay na aswang.
Nawala ang antok ni De R nang marinig ang sinabi ng kaibigan.
De R: Aswang? Ang ibig mong sabihin, mayro'n talaga nun?
Melvin: Oo, at kami ang gustong mabiktima kaya kailangan namin ng tulong mo.
De R: O sige, saan ka ngayon?
Melvin: Nandito ako sa bahay kasama si Nadine, Cristalix, Katrina, Meachelle at si Aling Mellisa na tumulong sa amin.
De R: Tumulong? Sa ano?
Melvin: Mamaya ko na lang i-explain, bilisan mong pumunta dito at isama mo na rin si Benjamin.
De R: Okay, okay! No prob!
IBINABA NA ANG CELLPHONE
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...