Nagulat ang magkakaibigan sa biglaang pagsulpot nila Aling Mellisa at Arthur mula sa harap ng pinto.
"Tulong!" sigaw ni Arthur habang inaalalayan si Aling Mellisa dahil sa pinsalang tinamo nito.
Agad na lumapit si Melvin at tinulungang buhatin si Aling Mellisa, dinala nila iyon sa mahabang upuan.
"Ano po'ng nangyari?" mabilis na tanong Melvin.
"Malapit na sana kaming mapatay ni Cedric, buti na lang at nailigtas ako ni Aling Mellisa dahil sa kuwintas," tugon ni Arthur.
Pinakuha ni Arthur ang mga gamot sa kuwarto nito at nilunasan ang sugat ni Aling Mellisa sa gilid ng katawan. Naaawa si Melvin sa matanda habang umuungol ito sa sakit. Nagpapasalamat din siya dito dahil kusa itong tumulong.
"Masusundan po ba tayo ni Cedric dito?" tanong ni Melvin kay Aling Mellisa na nakayuko.
"Depende kung may iba pa silang binabalak!" tugon ni Aling Mellisa na lalong nagpagulo sa isipan ni Melvin.
Tinitigan ni Aling Mellisa si De R at para siyang nangangamba sa mangyayari.
"Gamutin mo na agad siya, Arthur hangga't hindi pa siya nagigising!" utos ni Aling Mellisa.
Tumango si Arthur at agad nitong pinuntahan si De R sa kama.
"Si Crizalix po ba, ayos na rin?" tanong ni Nadine kay Aling Mellisa.
"Oo, pero may posibilidad na bumalik ang dati nitong anyo kung maririnig niya ang tinig ng kanyang ama," tugon ng matanda.
"Bakit po?" tanong naman ni Meachelle.
"Dahil sumasailalim lang siya sa kapangyarihan ng kangyang ama at hindi talaga nito ginustong maging isang aswang o masamang nilalang," tugon ng matanda.
Naintindihan agad ng magkakaibigan ang sinabi nito dahil na rin sa mga binanggit ni Crizalix habang ito nananaginip nitong nagdaang oras. Habang ginagamot ni Arthur ang sugat ni De R, bigla itong dumilat at nakatingin sa kisame ng bahay.
"Aling Mellisa, Melvin!" pagtatawag ni Arthur sa mga ito dahil nakaramdam siya ng pagtataka.
Inilalayan muli ni Melvin si Aling Mellisa para sabay silang lumapit kay Arthur.
"May problema po ba?" tanong ni Melvin nang makalapit.
"Tingnan n'yo!" sabay turo kay De R na nanlilisik ang mga mata at hindi kumukurap.
"Mukhang huli na ang panggagamot mo..." sambit ni Aling Mellisa.
"Ano po'ng ibig n'yong sabihin?" pagtatanong ni Benjamin na katabi ni De R.
"Nasa katawan niya na ang dugo ng pagiging aswang at ngayon, may isa sa mga aswang ang pumasok sa kanyang isipan para gawin ang ipag-uutos nito," paliwanag ni Aling Mellisa.
"Wala na po bang paraan?" kabang sabi ni Melvin.
"Hindi ko alam pero para sa akin, malapit na siyang maging aswang." Nakungkot ang matanda.
"May paraan!" sambit ni Crizalix at muling dumilat na siyang ikinatuwa ng mga kaibigan niya.
"At ano ang paraang sinabi mo?" tanong ni Aling Mellisa kay Crizalix habang bumabangon sa kama at napaupo sa tabi ni Katrina.
"Kailangan n'yong mapatay ang aswang na kumagat at nagbigay sa kanya ng sugat," tugon ng dalaga na seryoso sa sinabi.
"Wait, paano natin gagawin 'yon? Ang dami-dami nila!" pagtatakang sambit ni Melvin.
"Kung nasaan ang kinagat... nandoon ang kumagat..." tugon muli ng dalaga.
Napa-isip sila sa sinabi ni Crizalix.
"Ang ibig mo bang sabihin na susundan ng aswang si De R dahil 'yon ang kumagat sa kanya?" tanong ni Arthur.
"Gano'n na nga po," tugon ni Crizalix.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
TerrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...