Napahinto si Crizalix sa paglakad ng mapansing sinusundan siya ni Katrina. Humarap ito at sinabing, "sa lahat ng puwedeng mong harapin, bakit ako pa?" tanong ni Crizalix.
"Dahil alam kung hindi ikaw si Crizalix! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa kamay ng aswang na nagpapanggap na kaibigan namin!" tugon ni Katrina dahil naniniwala siyang hindi ito ang kanyang kaibigan.
"Gano'n? Hindi ka naniniwala?" sambit ni Crizalix at umilaw ang mata nito na kulay pula.
Itinaas ng bahagya ni katrina ang latigong hawak at mabilis na hinampas sa kaharap ngunit mabilis itong nakayuko na parang hangin lang ang ginawa niya.
"Sa tingin mo basta-basta na lang ako matatamaan sa ganyang bagal mo?" sambit ni Crizalix at humaba ang dila nito na akmang tatama kay Katrina.
Agad nitong iniangat ang latigo bago siya tamaan at muling inihampas sa mahaba at nakakikilabot na dilang nagmula kay Crizalix na siya namang ikinaputol nito.
"Hah! Pagsisisihan mo 'to Katrina!" sigaw ni Crizalix at nagbago na naman hitsura nito. Mas lalong humaba ang buhok na gumagalaw na para bang may buhay, nagkaroon ng mahahabang kuko, tumulis ang mga tainga, humaba ang dalawang kamay at mga paa at nagkaroon ng maitim na sungay. Hindi maipaliwanag ni Katrina ang nakikitang pagbabago ng kaibigan at halos hindi siya makagalaw sa sobrang pagtataka.
Gumalaw muli ang mahahabang buhok ni Crizalix at sinugod nito si Katrina at pinulupot sa katawan. Unti-unting itinaas si Katrina sa hangin gamit lamang ang buhok at mas lalo pa itong humigpit.
Humalakhak iyon, "hindi ba't ito ang gusto mo!?" sigaw ni Crizalix na iba na ang boses at nakakatakot pakinggan lalo na kung tatawa.
"Bitiwan mo si Katrina!" sigaw ni Meachelle na nakaagaw pansin sa bagong anyo ni Crizalix.
Tumawa lang si Crizalix at napatitig sa kaniyang kaibigan kasama si Nadine.
"Wala na kayong magagawa!" sambit nito.
Kukunin na sana ni Crizalix si Meachelle at Nadine gamit ang mahaba naman nitong kamay pero agad itong pinagpuputol ni Meachelle gamit ang matalim na espada. Mas lalong nagalit si Crizalix at nabuo muli ang mga kamay nito. Hinampas nito sina Meachelle at Nadine at dahil sa lakas, tumalsik ang mga ito na para lang piraso ng basura.
"Walang hiya ka!" pagsisigaw ni Katrina habang nakapulupot sa mahabang buhok ni Crizalix.
"Wala kang pakialam," tugon ni Crizalix.
"Ito ba ang gusto mo? Ang saktan ang mga kaibigan mo? Wala kaming naging kasalanan at mas lalong hindi ka namin trinaydor!" sigaw ni Katrina at muli na namang tumulo ang luha nang makita ang mga kaibagang walang awang hinampas ni Crizalix.
"Nakakaawa ka naman..." sambit ni Crizalix.
"Bakit? Kung mapapatay mo ba kami magiging masaya ka na? Kahit sino Crizalix, magsisisi kung alam nilang katulad sa 'yo ang magiging kaibigan nila!"
Nagkaroon ng lungkot sa mukha ni Crizalix nang makita at marinig ang sinabi ng pinakamatalik na kaibagan. Dahan-dahan itong ibinaba si Katrina at tinanggal sa pagkakatali ng mahabang buhok. Samantalang siya nama'y nakaramdam ng panghihina at bumalik ito sa dating anyo. Napaluhod at hinimatay si Crizalix na agad na pinuntahan ni Katrina.
Crizalix! Crizalix!" Panggigising nito sa kaibigan.
Ngayon, alam na ni Katrina na hindi talaga si Crizalix ang aswang na humarap sa kanya kanina.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HororMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...