Dahan-dahan silang naglakad ng may halong takot habang tinitigan ang kotse ni Melvin na wala namang nagbago.
Malapit na sila sa pinto ng biglang bumukas ang ilaw ng kotse sa likod at harap nito na siya namang mas lalong nagpatakot sa magkakaibigan. Dahil dun ay napabilis sila sa pagbukas ng pinto at nagpaunahan sa pagpasok.
"Ano naman ang ibig sabihin nun?" tanong ni Benjamin na hingal sa takot kahit lalaking tao.
"Pabayaan n'yo na lang dahil baka tinatakot lang nila tayo. At isa pa wala dapat kayong ikabahala, hindi nga kayo natakot na kaharap n'yo sila 'tapos ngayon na nananakot lang?" wika at tugon ni Melvin.
"Kung sa bagay, ligtas rin naman tayo dito kasi bahay ito ni kuya Arthur," sambit ni Nadine.
Si Katrina naman ay patuloy sa pagbabantay sa kaibigang si Crizalix na nakahiga sa kama dahil 'di pa ito nagigising.
"Humanap kayo ng mga gamot na gawa ni Arthur!" utos ni Melvin at lumapit siya kay De R na dinaramdam pa rin ang sakit ng sugat na iba sa ordinaryong pinsala.
"Ano ba'ng nararamdaman mo?" pagtatanong ni Melvin kay De R.
"Hindi ko maipaliwanag 'tol, parang may kumakalkal sa loob ng sugat ko at parang gustong lumabas," tugon nito.
"Marahil epekto o dahilan 'yan ng mga aswang dahil iba sila kung manakit at pumatay," sambit ni Melvin sa kaibigan.
Dumating na sina Benjamin, Nadine at Meachelle na may dalang mga bagay na hindi nila alam kung ano at mabilis nilang iniabot kay Melvin.
"Saan niyo nakuha 'to?" tanong ni Melvin sa tatlo habang hawak-hawak ang mga maliliit na botelyang may laman na parang tubig at iba-iba ang kulay ng nasa loob nito.
"Sa kuwarto ni Kuya Arthur namin nakuha 'yan," tugon ni Meachelle.
"Sana nga lang ay makatulong 'to." Wika ni Melvin at binuksan ang mga boteng hawak.
Kakaiba ang amoy ng mabuksan niya ito. Parang amoy ng mga halamang bulok na ng ilang araw o buwan.
"Okay lang ba sa 'yo?" pagtatanong ni Melvin kay De R.
"Sige 'tol, kahit anong paraan basta mawala lang ang sakit nito," tugon ni De R.
Pinatakan ni Melvin ang braso ni De R na may sugat at napayuko ito dahil sa hapding nararamdaman.
"Teka, baka naman hindi gamot 'yan," sambit ni Katrina habang papalapit sa mga kaibigan.
Sinubukan naman ni Melvin ang ibang bote na may laman at inilagay sa sugat De R. Mayamaya'y napatigil ito sa paghawak sa braso at nawalan ng malay.
"De R? De R!" ambit nila habang tinatapik ito sa katawan.
"Ano na ang nangyari?" tanong ni Nadine kay Melvin na siyang gumamot kay De R.
"Di ko alam pero-" putol nitong sabi.
"Pero ANO?" dagdag pa ni Meachelle.
Napahawak sa ulo si melvin at nag-isip ng puwedeng paraan. Agad nilang binuhat si De R at inihiga sa kama katabi ni Crizalix.
"Ano ba 'tong nangyayari sa atin, parehas na silang walang malay," may pag-aalalang wika ni Katrina.
"Maganda na rin kung nakatulog si De R kasi at least, hindi niya na mararamdaman ang sakit," sambit ni Melvin at tinali ng tela ang braso ng kaibigan.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...