KABANATA 24

494 35 0
                                    

Samantalang narating na nina Melvin at Benjamin ang bundok na gusto nilang puntahan. Napaupo sila dahil sa pagod at napatingin sa buong  paligid. Wala silang makitang Cedric na susugod pero alam ni Melvin na talagang susundan siya nito dahil sa kuwintas na matagal na nitong inaangkin.

"Kamusta na kaya sina Crizalix 'tol?" tanong ni Benjamin kay Melvin.

"Ipagdasal na lang natin na sana hindi sila susuko ng basta-basta at isa pa, alam kong magtatagumpay sila sa paglaban sa mga aswang dahil wala doon si Cedric at may kakayahan si Crizalix na susi sa kanilang tagumpay." Tugon ni Melvin at ibakbayan sa balikat si Benjamin.

Napangiti si Benjamin pero nasa isip niya pa rin ang pag-aalala sa mga kaibigan lalo't wala doon si Arthur. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay linaw sa buong kapaligiran kung saan sila nakaupo. Matiyaga silang nagmasid pero wala pa ring pagbabago.

"Baka naman... si Cedric ay nando'n ngayon sa restaurant?" sambit ni Benjamin.

"Hindi mangyayari 'yon! Kung nasaan tayo, nadoon din siya," tugon nito.

Nakaramdam si Melvin ng pagtataka dahil tila pinapalakas ng kuwintas ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig nito sa kanya.

"Ayos ka lang 'tol?" pagtatanong ni Benjamin kay Melvin nang makita itong nakahawak sa dibdib.

"Hindi ko maintindihan, lumakas ang pulso ko 'tapos parang bigla akong kinabahan," tugon nito.

"Baka may napahamak na sa mga kasamahan natin!" sambit ni Benjamin na kinabahan na rin.

Tumayo si Melvin at napaisip na baka 'yon nga ang nais ipahiwatig ng kuwintas sa kanya. Sa isip niyo, ano pa kaya ang kayang gawin ng kuwintas na ito? Hinawakan niya si Benjamin sa kamay at sinabing—

"Subukan natin 'yung ginawa ni Aling Mellisa!" turan ng binata.

Pumikit si Melvin at sinundan din iyon ni Benjamin at nang imulat nila ang kanilang mga mata, nasa isang lugar sila na sobrang dilim. Wala kang makikita na para kang isang bulag.

"Huhu..." Tinig ng isang babae ang narinig nilang umiiyak.

"Sino ka?" pagtatanong ni Melvin na halos bumalik ang boses dahil nasa isang lugar sila na matatagpuan sa ilalim ng lupa.

"Melvin?" balik nitong tanong.

Narinig nila Melvin na boses ni Nadine ang nagsalita.

"Nadine, ikaw ba 'yan?" tanong muli nito.

"Oo, tulungan niyo ako Guys!" pagmamakaawa nito.

Nagtataka sila Melvin kung paano napunta si Nadine sa ganitong uri ng lugar.

"O sige, lumapit ka sa amin," utos nito.

"Hindi ko kaya, nabalian yata ako," tugon nito.

Walang sinayang na oras si Melvin at hinawakan nito ang kamay ni Benjamin patungo kung nasaan si Nadine. Nang makalapit siya dito ay inilalayan niya itong tumayo kahit hindi niya makita ang naging kalagayan nito dahil nga sa sobrang dilim.

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Melvin dito.

"Nahulog at... kinain ako ng lupa!" tugon nito.

"Huh?" Napatingin si Melvin at Benjamin sa itaas at nakita nilang may butas patungo sa doon.

Muling hinawakan ni Melvin ang kamay ni Benjamin at Nadine at ilang saglit lang ay naglaho sila.

Sa panig naman ni Katrina at Meachelle, mabilis silang lumakad kasama si De R na bumalik na sa dati at tinungo muli kung nasaan si Crizalix. Pagdating doon, patuloy pa rin si ito sa pagpatay sa mga aswang na sumusugod. Nakita ng tatlo ang ama ni Crizalix sa likuran ng kanilang kaibigan na may kung anong hawak na bagay at isasaksak dito.

Napabilis sa pagtakbo si Katrina at agad na inihampas ang latigong hawak sa likod ng ama ni Crizalix. Napatingin naman si Crizalix sa pagsigaw ng ama at nalaman niya ang balak nito. Kitang-kita ni Katrina kung paano pulutin ng buhok ni Crizalix ang ama nito na katulad ng ginawa nito sa kanya noon. Humigpit nang humigpit ang pagkakatali ng buhok sa katawan ng ama ni Crizalix at halatang nasasaktan nito lalo't mahina na ito dahil sa paghampas ni Katrina ng latigo.

"Hah..." malakas na sigaw na nagmula sa ama ni Crizalix dahil sa pag-ipit niya sa buhok na mahahaba at nagkabali-bali ang mga buto nito.

Mabilis itong natunaw at ang lahat ng aswang sa buong paligid ay napaatras na ngayon dahil sila naman ang natatakot kay Crizalix. Kahit sina Katrina ay hindi makapaniwala sa nasaksihan kung paano pinatay ni Crizalix ang sariling ama.

IPAGPAPATULOY...
----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon