Napahinto ang lahat ng aswang sa kanilang ginagawa. Agad namang tumayo sina Arthur nang mapansin iyon. Muli, ang mga ito ay bumaba at sinugod silang lima.
"Hah!" Hampas ang walang tigil nilang ginawa.
Samantalang si Melvin at Benjamin naman ay tuluyan ng makarating sa labas ng bahay, sa likuran at sinalubong sila ng hari ng mga aswang- si Cedric!
"Huh?" sambit ng dalawa na halatang nagulat.
Nginitian lang sila ni Cedric at mabilis na binato ang matutulis nitong kuko. Dahil sa biglaan, napahawak si Benjamin kay Melvin at mabilis silang naglaho. Nagulat din si Cedric ng may malakas na hampas ang nanggaling sa likuran niya at tumalsik siya nang may layo.
"Alam ko na ang paggamit nito!" wika ni Melvin sa kasama dahil hawak niya na pala ang kuwintas.
Tumayo si Cedric at iniinat-inat ang leeg.
"Sa tingin mo panalo ka na dahil na sa 'yo ang kuwintas na dapat ay sa akin!?" sambit nito.
"Ikaw ang nagsabi, pero hindi ko kayang maging katulad mong sakim at walang pakialam!" tugon ni Melvin.
Umitim ang mga mata ni Cedric at akmang susugudin muli ang dalawa pero agad na naman itong naglaho.
"Gusto n'yong makipaglaro, ha?" sambit ni Cedric na pinuno ng pagkainis at galit.
Agad na nagbalik sa kinatutungtungan ang dalawa na siya namang paglaho ni Cedric.
"Aray!" sambit ni Benjamin na para bang may sumuntok sa kanya pero hindi niya naman makita.
"Nasa paligid lang siya!" wika ni Melvin.
Nakita ni Melvin ang pagtakbo ni Cedric dahil sa kakayahan ng kuwintas.
"Oo ga pala..." sambit ni Melvin sa isip.
Nakita niya muli ang paglapit ni Cedric na akala naman nito'y hindi siya nakikita. Mabilis na sinuntok ni Melvin si Cedric nang akma ulit itong susugod.
"Paano mo nagawa 'yon, 'tol?" tanong ni Benjamin dahil sa pagkamangha.
"Basta! Ngayon, tayo naman!" Agad na naglaho si Melvin at Benjamin.
Muling tumayo si Cedric sa pagkakatumba dahil sa malakas na suntok ni Melvin.
"Mga Hayop! Hindi ako papayag," sambit nito sa sarili.
Isang mahaba't malakas na sigaw ang nagmula kay Cedric at unti-unting nagbago ang hitsura nito. Naging mabangis na halinaw na mayroong mahahabang kuko, matulis na tenga at ngipin, mabalahibong katawan at itim na mahahabang sungay. Hindi natuloy ang plano ni Melvin at Benjamin at ngayon ay nagbalik ito sa kintututungan na nakahawak sa ulo dahil sa sakit na para bang may gustong umagaw ng kanilang isipan.
Humalakhak ito, "nasaan na ang yabang n'yo?" tanong ni Cedric na iba na ang boses.
Mabilis na kinuha nito ang dalawa gamit ang mahahaba at malaking mga kamay at itinaas sa hangin.
"Tikman n'yo ang paghihiganti ko!" Inihagis nito ang dalawa sa malayo.
Muli itong humalakhak ng nakapangingilabot. Ngunit wala siyang kaalam-alam dahil nahawakan ni Melvin ang kamay ni Benjamin at muli silang naglaho sa tulong ng kuwintas. Tumungo naman ang halimaw na si Cedric kay Arthur at sa mga kasamahan nito.
IPAGPALATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HororMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...