KABANATA 3

770 44 0
                                    

Muli ngang pinaandar ni Cristalix ang kotse at makalipas lang ang ilang sandali, nadaanan nila ulit ang restaurant.

"Guys, para na tayong tinitikbalang nito ha?" agad na sambit ni Meachelle.

Nakaramdam na ng takot at kaba ang magkakaibigan dahil sa nangyayari.

"Kalma lang guys! Magplano tayo," suhestyon ni Melvin.

Medyo malayo sa Restaurant nang pinahinto ni Cristalix ang sasakyan.

"Okay, ganito ang gagawin natin. Lalabas tayo ng kotse at maghahanap ng puwedeng makatulong sa atin," unang paliwanag ni Melvin.

"Huwag na, malapit nang gumabi o! Baka kung mapaano pa tayo diyan," tugon ni Nadine.

"Wala ng ibang choice guys. Kung hindi tayo kikilos for sure na hindi tayo makakaalis dito," sambit ni Melvin.

"Sige, sang-ayon kami," tugon ni Katrina.

Unang lumabas ng kotse si Melvin dahil siya lang naman ang lalaki sa barkada. Sumunod pa ang iba sa likuran niya at lahat ito'y natatakot.

"Maghawak-kamay tayo at huwag na huwag ninyong bibitawan ang katabi kaliwa't kanan," sambit ni Melvin.

Sa paglalakad nila, wala ni isang bahay silang nakita kundi kalsada na walang katapusan at malawak na damuhan sa paligid nito.

"Sigurado ba kayong may makakatulong sa atin dito?" tanong ni Meachelle.

"Hindi pa natin alam pero sana... mayro'n," tugon ni Melvin.

Matapos ang mahabang lakaran, agad na natanaw ng magkakaibigan ang restaurant na kanina lamang ay nadaanan nila pati na rin ang kotseng ginamit.

"Iba na talaga 'to guys," agad na sambit ni Melvin.

"Paano na 'yan? Ano na'ng gagawin natin?" pagtatanong ni Cristalix na may halong takot.

"Ganito na lang... babalik tayo sa kotse ng dahan-dahan at hindi puwedeng magpakita doon sa tindero," alok ni Melvin.

"Paanong hindi makikita niyan e, halos nandiyan lang ang restaurant," tugon ni Katrina.

"Hintayin na lang kaya nating gumabi? Para dumilim at hindi niya tayo makita," suhestyon ni Nadine.

Sumang-ayon naman ang apat at matiyaga silang naghihintay.

"Tingnan ninyo guys, bakit walang signal dito? Hindi tuloy ako makatawag," tanong ni Katrina.

"Baka sira 'yang cellphone mo!" tugon ni Meachelle.

"Hindi ha!" agad nitong tugon.

"Alam n'yo guys, nabasa ko na 'to sa libro ng kababalaghan. Na kapag naliligaw kayo at pabalik-balik sa pinanggalian n'yo, ang ibig sabihin nun, kailangan nating baliktarin ang damit dahil gawa daw ito ng isang tikbalang," sambit ni Melvin.

"E, mukha naman hindi tikbakang 'yung tindero kanina," tugon ni Cristalix.

"Kahit na, kuwento-kuwento lang 'yon para takutin ang mga bata kaya hindi ako naniniwala do'n," sambit ni Nadine.

"Wala namang nawawala kung susubukan natin 'diba?" agad na tugon ni Meachelle.

"Sige, no choice tayo guys!" pahabol pa ni Katrina.

Nagtalikuran ang mag-barkada at hinubad ang damit, binaligtad at sabay isinuot ulit.

Kinain na ng dilim ang buong paligid at sa wakas, tapos na ang paghihintay ng magkakaibigan. Naghawak-kamay ulit sila pagkatapos magdasal.

"Walang dapat na matakot sa atin. Lima tayo, iisa lang siya," sambit ni Melvin.

Tumango ang apat at dahan-dahan silang naglakad pabalik sa kotse. At nung nasa harap na sila ng restaurant, may tinig silang narinig at napahinto ang magkakaibigan.

"Hah! Tulong!" sigaw ng isang babae, umiiyak iyon at batid nila ang hinagpis nito.

Dahil do'n, napabilis pa ang paglalakad ng magkakaibigan pabalik sa sasakyan. Nang makasakay sila, agad itong pinaandar ni Cristalix.

"Ano 'yon guys?" bakas ang takot kay Nadine.

"Hindi natin alam pero dahil do'n, talagang mamamatay tao 'yung lalaki at mukhang siya rin 'yung may kagagawan nito," tugon ni Katrina na natatakot na rin.

Nagulat ang magkakaibigan nang biglang ihinto ni Cristalix ang sasakyan.

"O, bakit?" tanong ni Melvin.

"M-may babae..." tugon ni Cristalix.

Mabilis na bumaba si Melvin upang tingnan at nakita niya ngang may matandang babae. Agad niya itong inalalayang tumayo.

"Okay lang po ba kayo?" pagtatanong ni Melvin.

"Ayos lang, iho. Salamat at nakita ko kayo," tugon ng babaeng medyo may edad na.

Nagtataka man si Melvin ngunit isinakay niya muna ito sa sasakyan. Nung makasakay, tinitigan ng babae ang magkakaibigan.

"Mag-iingat kayo, nasa kapahamakan ang mga buhay ninyo," sambit ng matanda.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" pagtatakang tanong ni Cristalix.

"'Yung lalaking nakaharap n'yo kanina, siya ang ama ni Cedric na pinuno ngayon ng mga aswang at kasamaan." Mahina man ang tinig, dinig iyon ng lahat.

Napatawa ng mahina si Meachelle.

"Aswang? E, hindi naman po totoo 'yon," sambit nito.

"Totoo sila, iha. At ngayon, dito sila naghahanap ng mabibiktima," dagdag nito.

"Bakit n'yo po nasabi 'yan? Nga pala, ano po ang pangalan n'yo?" Pagtatanong ni Nadine.

"Ako si... ako si Mellisa." Tugon nito, ngumiti ng matiwasay.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon