KABANATA 23

493 31 0
                                    

Nagtaka sila ng biglang gumalaw ang lupa na parang lumilindol. Nabitak ito at tuluyang lumubog si Nadine sa ilalim na hindi na nasagip ng tatlo.

"Nadine..." pagsisigaw nila nang mawala na sa paningin nila ang kaibigan.

Tinitigan nila ang butas at talagang napakalalim at madilim sa loob.

"Ayaw ko na, ayaw ko na!" sambit ni Crizalix habang umiiyak at nakaluhod sa harap ng butas.

Napaiyak rin ang dalawang kasamahan nito dahil sa pangyayari.

"Wala na tayong magagawa! Talagang malakas sila at mautak," sambit ni Katrina na tumutulo ang luha.

Habang si Meachelle naman ay napahawak lang sa noo at dinaramdam ang pagkawala ng pinakamamahal na kaibigan.

Ilang saglit, isang halakhak ang nagmula sa likod. Nang lingunin nila, tumambad sa kanila ang ama ni Crizalix kasama si De R at ang napakaraming aswang.

Napaatras si Meachelle at Katrina dahil sa pagkagulat subalit si Crizalix ay nanatili sa kanyang pagkakaluhod na bakas sa mukha ang sobrang pagkagalit. Tumayo si Crizalix sa pagkakaluhod at humarap ng diretso sa ama.

"Magbabayad ka!" sigaw nito.

"At bakit? Wala akong puwedeng pagbayaran. Anak lang kita at ikaw ang dapat magbayad dahil kumakampi ka sa kanila!" tugon ng ama nito.

Napangiti lang si Crizalix sa ama at tumitig ng masama. Humaba ang mga buhok nito, nagkaroon ng matutulis na kuko at ngipin, kulay pulang mga mata at ang pagbabago ng itsura ng katawan at mukha na parehong-pareho noong nakaharap siya ng mga kaibigan niya. Dahil sa nasaksihan, hindi maiwasan ni Meachelle at Katrina na mapatakbo muli sa malawak na damuhan.

"Rawr..." Tinig ng bagong anyo ni Crizalix.

"Lusubin n'yo siya!" Utos ng ama ni Crizalix sa mga aswang at lahat ito'y nagsilipad papunta sa halimaw na anyo ng anak niya.

Alam ng ama ni Crizalix na sobra itong malakas lalo na kung nagagalit at kaya pa nitong higitan ang kapangyarigang tinataglay niya.

"Huwag mong hahayaang makatas ang dalawang iyon!" Utos naman nito kay De R.

Walang aswang na makalapit kay Crizalix dahil lahat ay hindi makalaban sa lakas na taglay nito. Parang basura lang ang paghampas at pagpatay ni Crizalix sa mga iyon. Hindi nawawala si Crizalix sa sarili at alam niya ang kanyang ginagawa.

Nakatitig lamang ang ama nito habang pinagmamasdan ang anak na galit na galit. Patuloy naman si Meachelle at Katrina sa pagtakbo at napahinto nang sumulpot sa harap nila si De R na iba na ang itsura at ganap na ngang aswang.

"Kamusta Guys?" sambit nito.

Imbis na makaramdam ng takot ang dalawa, naghiwalay ito upang hindi sila sabay na mapatay. Ngayong nasa harap ni De R si Meachelle at sa likod naman si Nadine. Inihampas ni Meachelle ang hawak na latigo kay De R pero mabilis ito lumipad paitaas. Bago ito makalayo, agad na ginamit ni Katrina ang latigo at naitali nito sa paa ang aswang na si De R kaya hindi ito nakalipad.

Malakas na hatak ang ginawa ni Katrina na siyang ikinabagsak ni De R sa lupa. Tinapakan naman ni Meachelle ang likod nito para hindi makagalaw.

"Hindi pa rin kami magpapatalo kahit na anong meron ka!" sambit ni Katrina.

Tinalian nila ang kamay, paa at pakpak ni De R para hindi makatakas. Hindi nila papatayin si De R dahil may pagkakataon pang maibalik ito sa dati. Nakarinig ang dalawa ng tinig na alam nilang malapit lang sa kanila.

"Ikkk... Ikkk..." tinig ng kung anong nilalang.

Panay ang tingin ng dalawa sa paligid at tanging mga damo lang ang kanilang nakikita.

"Mukhang 'yon yata ang aswang na kumagat kat De R..." pabulong ni Meachelle.

Napatitig si Katrina sa kaibigan dahil alam niya ang nasa isip nito. Kailangang mapatay ang aswang na 'yon para bumalik si De R sa dati. May mahabang dilang sumulpot sa harap ng dalawa pero agad itong lumayo na parang natatakot.

"Oo nga pala, may kuwintas tayo na gawa ni Arthur," tuwang sabi ni Meachelle.

Sabay nilang hinihampas ang latigong hawak sa lugar kung saan nanggaling ang dila.

"Hah!" sigaw nang matamaan nila ang aswang na kanina gusto silang patayin at ang aswang rin na kumagat kay De R.

Mabilis nila itong nilapitan at nakita nilang unti-unti itong natutunaw. Agad naman nila binalikan si De R at wala na ang mga pakpak nito. Bumalik na rin ang itsura sa dati.

"Guys, tanggalin niyo na 'to," sambit ni De R habang nakangiti.

Napatawa naman ang dalawa dahil natutuwa na nagbalik na kaibigan sa dati. Pagkatapos matanggal ang tali, niyakap ni De R ang dalawa at nagpasalamat dito.

Ano naman kaya ang mangyayari kay Melvin at Benjamin? Matatalo kaya nila si Cedric ng sama-sama?

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon