Sa panig naman nila Aling Mellisa, maiging nagmasid si Arthur sa buong lugar ng Silibas habang sila'y naglalakad. Wala ni isa siyang taong nakikita bukod sa kanila.
"Ganito ang nangyari sa aming bayan matapos lusubin ng angkan ni Cedric at ama nito na pawang mga aswang," sambit ni Aling Mellisa.
"Kailangan na po siguro nating bumalik sa lugar namin. Baka kung napaano na sila Melvin," alok ni Arthur.
"Ligtas na sila, pero ang kaibagan mong si De R ang nanganganib," tugon ni Aling Mellisa.
"Paano n'yo po nalaman?" tanong nito.
"Dahil sa kuwintas!" tugon ni Aling Mellisa.
"Oo nga pala, pero bakit nasa kapahamakan si De R gayong magkakasama sila?" tanong muli ni Arthur.
"Nasugatan siya ng isa sa aswang kung kaya't maaari itong makaapekto sa katauhan niya," tugon muli ng matanda.
"Ang ibig n'yo po bang sabihin, magiging aswang siya?" pagtatakang tanong ni Arthur.
"Oo, kung hindi tayo kikilos at gagawa ng paraan," muling tugon nito.
"Kung gano'n, dapat na tayong magbalik!" wika ni Arthur.
Ngumiti si Aling Mellisa at hinawakan ang kamay ni Arthur subalit hindi pa man sila naglalaho. Isa matulis na bagay ang tumama sa likod ni Aling Mellisa na siya nitong ikinatumba.
Nagulat si Arthur kung saan nanggaling ang bagay na ito.
"Aling Mellisa?" sambit niya sa matanda.
"Ang akala ko'y patay ka na!" sigaw mula sa 'di kalayuan.
"S-s Cedric..." sambit ni Aling Mellisa na para bang natatakot ngayon.
"Paano na po 'yan?" wika ni Arthur.
Humigpit ang paghawak ni Aling Mellisa sa kamay ni Arthur at bago pa man sila muling tamaan ng bagay matulis na sana'y ihahagis ni Cedric ay agad silang naglaho.
Ngumiti lang si Cedric at sinabi sa sarili-
"Hindi n'yo ako matatakasan, lalong lalo kana Mellisa!" sabay halakhak ng malakas.
Ano na kayang nangyari kay Aling Mellisa matapos tamaan ni Cedric? Magiging aswang kaya si De R?
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...