Ilang oras na ang nakakalipas at sumapit na ang alas-12 ng gabi, hindi pa rin natutulog si Melvin dahil sa hindi rin siya dinadalawan ng antok. Samantalang si Aling Mellisa ay patuloy sa paghihintay at pagbabantay.
Ilang katok ang nagmula sa pinto.
Nang akmang tatayo na si Melvin, pinigilan siya ni Aling Mellisa at sinabing, "Pakinggan mo muna kung sino ang nasa labas," ika nito.
Sinunod ito ni Melvin at tumayo sa harap ng pinto at inilapat ang tainga niya dito. Matiyaga siyang nakinig ngunit wala ni isang boses ang kanyang narinig. Tumingin siya kay Aling Mellisa at nag-sign ng wala gamit ang ulo o pag-iling. Hindi niya na binuksan ang pinto at bumalik siya sa kinauupuan.
"Sino po 'yung kumatok?" tanong ng binata kay Aling Mellisa.
"Marahil aswang ang may gawa nun at inuumpisahan na kayong takutin," tugon nito.
"Ang ibig n'yo pong sabihin ay nandito na sila?"
"Wala, kapangyarihan ang ginamit ng ama ni Cedric para gawin 'yon at isa pa, hindi niya magagawang sumugod dito dahil maraming tao at alam lang nitong matatalo siya.
"'Yon pala e, bakit 'di na lang natin sila isumbong sa mga pulis?" suhestyon ng binata.
"Walang kakayahan ang mga pulis para talunin ang mga aswang dahil iba na ngayon sila. Mababagsik, mabibilis at higit sa lahat, makapangyarihan," pagsasalaysay ni Aling Mellisa.
"Pero kung tayo lang ang kikilos, mas wala tayong magagawa dahil kaunti lang tayo," wika ng binata.
"Oo, kaunti pero kung gusto mo talagang manalo lalo't alam mong nasa panganib ka, gagawin mo ang lahat," ngiting tugon ng matanda.
Natigil sa pag-uusap si Melvin at Aling Mellisa nang maulit ang pagkatok sa pintuan. Tulad ng kanina, tumayo siya at pinakinggan muli ang kumatok.
"Melvin!" tinig ng kumatok.
Agad na binuksan ni Melvin ang pintuan nang marinig ang kumatok. Ngunit laking gulat niya nang makita ang isang bata na nanlilisik ang mata at may mahahabang pangil. Agad niyang isinara ang pinto pero pana'y ang hampas ng bata dito.
Nagising ang magkakaibigan dahil sa narinig na dabog mula sa pintuan. Napalunok ng laway si Melvin dahil sa pagkagulat ngunit hindi pa rin tumitigil ang nasa labas sa paghampas ng pinto.
"Ano ba'ng nangyayari? Sino ba 'yang nasa labas?" pagtatanong ni Nadine na bagong gising.
Lumapit si Melvin sa apat.
"Huwag kayong maingay. Tulad ng sinabi ni Aling Mellisa, nag-uumpisa na silang sumalakay," kabang sabi ni Melvin.
"Hindi sila sumasalakay," sambit ni Aling Mellisa
"Ano pong 'yung nasa labas?" pagtatakang tanong ni Melvin.
"May gusto silang kunin at 'yon ay ang kuwintas na ito," muling itinaas anf bagay na 'yon.
"Ano ba kasing mayroon ang kuwintas na 'yan?" inis na tanong ni Katrina.
"Hindi ko masasagot sa ngayon 'yan pero kailangan kong umalis para hindi kayo mapahamak," tugon nito.
Pinapikit ni Aling Mellisa ang lima at sa pagdilat ng mga ito ay wala na siya. Malaki ang pagtataka ng magkakaibigan sa nangyayari. Ngayon lang kasi sila nakaranas ng ganito. Tumigil din ang ingay sa labas.
"Paano 'yan? Wala nang tutulong sa atin," may lungkot na sabi ni Cristalix.
Napa-isip ng malalim si Melvin. Alam niya na kailangang umalis ni Aling Mellisa upang hindi sila mapahamak dahil sa kuwintas na hindi niya pa rin alam ang lihim nito.
Natulog ulit ang apat at nanatiling gising si Melvin. Lalo pang nawala ang antok niya nang may marinig siyang bagay na bumagsak sa itaas ng kwarto. Agad niya itong tinungo at naglakad sa hagdan. Bukas ang ilaw kaya mabilis niya itong naaninagan subalit wala siyang nakitang ano man sa kuwarto at wala ring may nagulo.
Pumasok sa isip ni Melvin na baka aswang ang may kagagawan nun dahil 'yon ang sinabi ni Aling Mellisa. Bumaba siya ng hagdan at narinig niya agad na may kumatok at nagtatawag. Alam niyang ang mga kaibigan niya ito dahil sa boses at binuksan niya ang pinto.
"Tol!" sabay akbay ng dalawa kay Melvin.
Si De R at Benjamin kasi ang mga dumating. Isinara muli ni Melvin ang pinto. May dala itong bag na parang magka-camping ang dating.
Napatawa si Melvin dahil natutuwa siya na sumipot ang dalawa at may mga makakasama na sila. Nang pabalik na si Melvin sa apat niyang kaibagan, nagtaka siya dahil tatlo na lang ang nakahiga.
"Bakit Tol?" tanong ni De R.
"Nawawala si Cristalix!" agad na ikinagulat ng dalawa.
"Gising! Gising!" pagsisigaw ni Melvin sa tatlo pang natutulog.
"Guys, nawawala si Cristalix!"
"Huh?" sabay-sabay nilang sabi.
"Hindi, huwag mong sabihing-"
"Hindi ako sigurado pero mukhang gano'n na nga," tugon ni Melvin.
"O my God!" napaiyak si Katrina.
Tumayo silang lahat at nilibot ang buong bahay. Sa Cr, kuwarto kusina at kahit sa labas pa'y wala silang natagpuang Cristalix.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...