KABANATA 2

905 46 0
                                    

May dalang sasakyan si Melvin kaya hindi na kailangang gumastos pa sa pamasahe ang magkakaibigan. Excited at masaya silang sumakay. Si Cristalix na ang nag-drive dahil marunong naman siya.

"Saan naman tayo unang pupunta?" pagtatanong ni Nadine.

"Syempre saan pa? Doon sa maraming masasarap na pagkain," agad na sagot ni Cristalix.

Napatawa ito. "'Yan tingnan mo, nakaramdam ka na ng gutom," pang-aasar ni Meachelle.

Unang nagpunta ang magkakaibigan sa nadaanang restaurant at sabay-sabay silang bumaba ng sasakyan.

"Kuya, ano po'ng mayroon kayo rito?" agad na tanong ni Katrina doon sa lalaking nagbabantay.

Ngunit ang ikinagulat ng magkakaibigan ay hindi umimik ang lalaki at ibinigay lamang nito ang papel na may listahan ng mga iba't ibang pagkain.

"Adobong manok, pritong isda, nilagang baboy, menudo, dinuguan at... huh?" agad na ikinagulat ni Melvin dahil sa nabasa. Siya kasi ang pipili ng kakainin nila.

"Bakit ang tagal mo Melvin?" inis na sambit ni Nadine.

"Guys..." at ang apat ay napatingin sa kanya dahil sa emonsyon ng kanyang mukha.

"Akin na nga yan!" Inagaw ni Cristalix ang hawak nitong menu at binasa.

Nanlaki ang mata niya ng mabasa ang pinakahuling nakasulat at agad niya itong ipinakita sa iba pang kaibigan.

Adobong Manok.

Pritong Isda.

Nilagang Baboy.

Menudo.

Dinuguan.

At INIHAW NA UTAK NG TAO?

"Omg..." pabulong ni Meachelle at sabay-sabay silang napatingin sa lalaking tindero.

Mabilis na tumayo ang magkakaibigan at parang matutumba sa pagsakay sa kotse nang biglang ngumiti ang timdero at tumitig ng masama. Mabilis na pinaandar ni Cristalix ang kotse at lahat sila'y nakaramdam ng takot.

"Ano ba kasi 'yung restaurant na pinuntahan natin?" may takot na tanong ni Katrina.

"Hindi natin alam guys pero sa tingin ko, mamamatay tao 'yon," tugon ni Melvin.

Nagtaka si Cristalix habang nagmamaneho dahil kanina pa sila pabalik-balik sa dinaanan at ilang ulit pa itong naulit.

"O, bakit ka huminto?" pagtatakang tanong ni Nadine.

"Hindi n'yo ba napapansin? Kanina pa tayo nagpabalik-balik dito," tugon ni Cristalix at sila'y napatingin sa likuran ay nandoon lamang ang restaurant na kanilang pinuntahan.

"Paandarin mo ulit. Baka nagkamali ka lang sa pagmamaneho," agad na sambit ni Katrina.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon