KABANATA 17

501 32 0
                                    

"Ano ang dapat nating gawin?" pagtatanong ni Katrina sa kaibigang si Crizalix.

"Kung hindi n'yo ikakagalit, gawin n'yong pain si De R para mas mapadali ang pagharap natin sa aswang na kumagat sa kanya," tugon ng dalaga.

Tumango sila pati si Aling Mellisa dahil tama ang plano ni Crizalix. Hindi pa rin gumagalaw si De R at nakatitig lang sa kesame na dilat ang mga mata.

"Ngayon, mas malakas na tayo dahil sa pagsasama-sama natin," wika ni Arthur.

Napatingin sila kay Crizalix nang bigla itong napahawak sa ulo at nakaramdam ng pagkahilo dahil sa sakit.

"Ano na namang nangyayari?" pag-aalalang tanong ni Meachelle.

"Si kuya! Si kuya!" tugon ng dalaga.

"Ano? Anong si kuya?" pagtatakang tanong ni Nadine.

"Papunta dito si kuya!" sambit ng dalaga at napatingin sa mga kasamahan.

Nagulat ang iba sa kanila at talagang natakot dahil si Cedric ang tinutukoy nito.

"Hindi titigil si Cedric hangga't nanatili kayong buhay pati ang kuwintas na hawak ko," sambit ni Aling Mellisa.

"Dapat na po tayong kumilos bago pa mahuli ang lahat at marami pa ang mapahamak," alok ni Arthur.

Tumango silang lahat at nagplano ng sama-sama sa mga dapat nilang gawin. Kumuha si Nadine, Meachelle at Katrina ng asin at pinaglalagay sa buong paligid ng bahay. Si Benjamin at Melvin naman ay binigyan ni Arthur ng bagay na nakabalot sa tela at inilagay ng mga ito sa bawat sulok naman ng bahay.

Samantalang si Aling Mellisa ay tumayo kahit na masakit ang sugat na natamo at ito ay tumulong sa paghahanda ng kabataang kasamahan.

"Ayos ka lang, friend?" pagtatanong ni Katrina kay Crizalix nang makita itong nakahawak sa ulo.

"Hindi ko nga alam kung bakit ganito, basta naririnig ko si kuya at binanggit niyang, 'Isa ka sa dapat mamatay' taksil," tugon nito.

"Hindi niya siguro gagawin 'yon sa 'yo. Kapatid ka niya at dapat ipagtanggol pa," wika ni Katrina.

"Kung alam n'yo lang ang katotohanan, hindi na siya si kuya Cedric. Isa na siyang halimaw na naghihiganti!" tugon ni Crizalix.

Pagkatapos tumulong ni Benjamin ay agad itong lumapit kay De R na hindi pa rin nagbabago ng posisyon at titig na titig sa kisame na walang pikit-pikit.

"Talaga po bang hindi na makakalapit si Cedric sa bahay na ito?" tanong ni Melvin kay Aling Mellisa.

"Oo, at depende kung may isang kasamahan natin ang sisira ng plano." Tugon nito sabay tingin ng diretso kay Crizalix na agad namang sinundan ni Melvin ng titig.

"Huwag n'yo pong sabihing aswang pa siya?" pagtatanong muli ni Melvin nang muling tumingin kay Aling Mellisa.

"Ang ama niya ay aswang at kapatid niya pa rin si Cedric, totoo man o hindi! Dahil kung mas malapit ang mga ito sa kanya, lumabas din ang tunay niyang hitsura," tugon ng matanda.

Isang malakas na halakhak ang kanilang narinig mula kay De R na siyang nakaagaw pansin sa lahat ng kasama nito.

IPAGPALATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon