"Humanda sila, pagbabayaran nila 'to!" sambit ni Melvin na sobrang galit.
"Kailangan na nating umalis dahil kung sasapit ang bukas, siguradong ganap nang aswang na si De R," wika ni Crizalix.
Dahil sa binanggit niya, marami ang nagtaka pero agad naman silang nabuhayan ng loob dahil may isa pa silang kaibagan na dapat iligtas.
"Ako ang haharap kay Cedric!" sambit ni Melvin na mababakas ang galit.
"Sige, ako nang bahala kay Ama!" sambit ni Crizalix.
"Sigurado ka?" pagtatanong ni Meachelle na lalo pang humanga sa katapangan ni Crizalix.
"Oo, kayo naman ang bahala sa iba pa." Dagdag nito.
Tumango ang mga kasamahan nito at nagplano kung papaano sila susugod ng maayos. Napagpasiyahan nilang mahati ulit sa dalawang grupo. Si Melvin kasama si Benjamin at Crizalix kasama ang tatlong pang babae.
"Ganito, alam kong ako ang susundan ni Cedric dahil sa kuwintas kaya dapat ako ang makaharap niya. Ikaw naman Crizalix, alam kong may kakayahan ka na hindi mo pa naiilalabas kaya alam ko ring kaya mong harapin ang sarili mong ama," pasalaysay ni Melvin.
Tumango si Crizalix at iba pa nitong mga kasamahan. Inihanda ng apat na babae ang mga latigong hawak at ang kuwintas na poprotekta sa kanila. Pagkatapos maghanda, tinitigan nila ang isang bahagi malapit sa tahanan kung nasaan ang mga nilalang na aswang. Hindi nila alam kung ano rin ang pinaplano ng mga ito at nakita rin nila si De R na nakikisali sa usapan.
"Ito lang ang tandaan n'yo guys, kung makikita n'yo si De R na nagsasabing siya na iyon, huwag kayong magtitiwala lalo na kung hindi n'yo pa napapatay ang aswang na kumagat sa kanya..." paalala ni Melvin.
Tumango muli ang mga ito at niyakap ng mga babae si Melvin.
"Mag-iingat kayo!" sambit ni Nadine.
"Mag-iingat rin kayo!" tugon ni Melvin.
Agad na naglakad si Melvin kasama si Benjamin at tinungo ang kagubatan sa likuran at kung marating nila ang bundok dito, doon na nila gagawin ang paglaban kay Cedric. Nang mawala sa landas ng mga babae ang dalawa, dahan-dahan naman silang naglakad sa malawak na damuhan na hindi ininda ang takot at mas lalong naging matapang.
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa ang kanilang ginawa upang bantayan kung may ano mang bagay ang lulusob. Wala pagbabago silang napansin at ilang minutong lakaran, talagang natatanaw na nila ang isang kalye kung nasaan ang sasakyan ni Melvin.
"Bakit parang wala na sila dito?" pagtatanong ni Katrina kay Crizalix.
"Hindi ko masabi ang eksaktong plano nila pero pakiramdam ko na may binabalak sila na ikakagulat natin," tugon nito.
Ilang hakbang palang ang nagagawa nila nang biglang sumigaw si Nadine.
"Guys, tulong!" pagsisigaw nito.
Nang linungin ng tatlo, nakita nilang pumapailalim ito sa lupa na para bang may humahatak mula roon.
"Ano'ng nangyayari?" tanong ng mga ito nang lapitan si Nadine at hinawakan ang dalawang kamay.
Pero parang walang silbi ang paghatak nila dahil parang putik lang ang kinatutungtungan ni Nadine na talagang lulubog siya.
"Guys!" pagsisigaw ulit nito.
"Wala na bang paraan?" tanong ni Meachelle kay Crizalix.
"Wala akong maisip kasi wala akong alam sa bagay na ito!" tugon nito.
Umabot sa kalahati ng katawan ni Nadine ang paglubog nito sa lupa na hindi talaga kayang pigilan ng mga kasamahan nito.
Ano nga ba ang MISTERYOSONG nilalang ang may kagagawan ng paglubog ni Nadine mula sa lupa?
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
TerrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...