Nagdikit ang magkakaibigan sa posisyong bilog upang maging handa ang lahat sa maaaring sumugod kahit sa anong direksyon. Samantalang lumipad ang ama ni Crizalix at siya nama'y lumakad palayo. Nakita ni Katrina ang pag-alis nito kaya't mabilis niya itong sinundan.
Mula sa itaas, sabay-sabay na sumugod ang mga aswang papunta sa anim at si Arthur ay nanatili sa sasakyan. Pinagbabaril, pinaghahampas, at pinagsasaksak ng magkakaibigan ang mga lumalapit na aswang. Dahil sa patuloy na pagsugod ng mga ito, nagkahiwa-hiwalay silang anim sa ibat ibang direksyon.
Patuloy ang pagtira ni Nadine sa mga aswang at ang bawat matatamaan nito'y agad na natutunaw. Isa na lang ang panang hawak niya at marami pang mga kalaban. May aswang sa harapan at likuran niya na akmang susugod sa kanya pero nakita niya si Meachelle na papalapit kaya't itinira niya ang panang natitira sa aswang na nasa likuran at mabilis na sinaksak ni Meachelle ang nasa harapan nitong aswang.
Nakipag-apir si Nadine kay Meachelle at sinabing, "Magsama at magtulungan tayo!"
Nagulat ang mga aswang dahil sa malakas na pagsabog at ang iba'y napatingin kay Melvin.
"O, bakit? Nakakagulat ba?" sambit ni Melvin at naghagis muli ng pampasabog na hawak.
Maraming aswang ang natamaan at nasunog dahil do'n
"Yeah!" sigaw ng mga kasamahang babae.
Parang laro lang ang ginagawa nila habang nakikipaglaban sa mga nilalang na aswang.
"Wala ka bang gagawin?" tinig mula sa matandang babae na ikinagulat ni Arthur.
"Sino ka?" tanong nito sa matanda, nasa gilid niya na si Aling Mellisa.
"Isa sa tutulong sa inyo," tugon nito.
Kahit nagulat si Arthur, napatingin siya kay Aling Mellisa at alam niyang may kakayahan ito dahil nararamdaman niya iyon.
"Alam mo ang kayang gawin ng kuwintas na ito?" sabay taas ni Aling Mellisa na siya namang muling pagkagulat ni Arthur.
"Hindi ba't delikado 'yan? Marahil 'yan din ang dahilan kung bakit ang mga nilalang na ito ay naririto ngayon, tama ba?" patanong ni Arthur.
"Oo! At kung delikado ito, ano ang dapat nating gawin?" tanong ng matanda.
Nakaramdam ng kaba si Arthur sa mga sasabihin lalo't alam niyang pagmamay-ari ito ng pinakamasamang demonyo. Tinanong ni Arthur kung saan at paano napunta ang kuwintas sa kanya. Ipinaliwanag ni Aling Mellisa ang pinakadahilan.
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang may kung anong bagay ang bumagsak sa sasakyan ni Arthur kung saan sila nakasakay. Napatingin sila sa magkakaibagan dahil parang gusto nitong sabihing 'mag-iingat kayo'. Matutulis na kuko ang tumusok mula sa bubungan ng sasakyan na labis na ikinagulat ng dalawa. Hinawakan ni Aling Mellisa ang kamay ni Arthur at agad silang naglaho.
Ipinagpagtuloy ng barkada ang pakikipaglaban sa mga aswang at nakita nilang may hiwa sa braso si De R. Kumukulo ang parteng may sugar na para bang may lalabas.
Saan kaya napunta ang dalawa? At ano ang nangyayari kay De R?
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HororMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...