KABANATA 21

487 36 0
                                    

Napahinto ang mga aswang at sina Arthur nang marinig nilang may pumapalakpak.

"Magaling, Magaling! Hanga rin ako sa katapangan n'yo!" Sambit ni Cedric na talagang nakaagaw pansin sa lahat.

Lumipad paitaas ang mga ito na para bang natatakot ngayon kay Cedric. Mababakas sa mukha nina Arthur ang pagtataka.

"Crizalix? At bakit ka tumutulong sa kanila?" tanong ni Cedric na medyo galit.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Crizalix dahil 'di ko ginusto ang maging aswang," tugon nito na may kasamang titig.

Ngumiti si Cedric at lumapit sa kanila nang bahagya. Napaatras naman ang lima at mahigpit na hinawakan ang latigo.

"Patay na ang dalawa n'yong kasamahan at kayo ang isusunod ko!" sambit nito na may pananakot.

"Ano!? sina Melvin at Benjamin?" tanong ng mga babae.

"Hindi ako naniniwala!" sigaw ni Arthur.

Humalakhak ito, "e 'di huwag kang maniwala! Isa pa, hindi tatalab sa akin 'yang mga kuwintas ninyo," tugon nito.

"Kung gano'n, patay na nga yata sila guys," sambit ni Arthur sa mga kasamahan.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil kung hindi kayang talunin ni Melvin si Cedric gamit ang kuwintas, siguradong gano'n din tayo," tugon nito na pabulong upang hindi marinig ni Cedric.

Napalunok ng laway ang apat na babae dahil natatakot sa puwede rin nilang sapitin.

"Tama na 'yan!" Sigaw ni Cedric at gamit ang kamay na may matutulis na kuko, dinampot nito si Arthur na hindi nakapalag.

"Bitawan mo siya!" sigaw ng apat.

"Sabi niyo e!" Tugon ni Cedric at hinwakan nito sa ulo si Arthur gamit ang isang kamay at sa paa gamit ang isa pa.

Nagulat ang apat sa gagawin ni Cedric sa walang magawang si Arthur.

"Hindi..." sigaw nila nang makita kung paano binali ang katawan ni Arthur at rinig pa nila ang pagputol ng buto nito sa likuran.

Nanginig sila sa nasaksihan at dahil sa takot ni Nadine at Meachelle, hinatak nila si Katrina at Crizalix para makatakbo. Pagkatapos baliin ni Cedric ang katawan ni Arthur, hinampas niya ito ng walang awa sa sementong kalsada na siyang pag pagkabasag ng ulo nito.

Mabilis na nakatakbo ang apat na pare-parehong umiiyak dahil sa nararamdamang sakit at takot sa nangyari sa kanilang kasama. Nalagpasan na nila ang malawak na damuhanng naroon at nakarating sa lugar na maraming puno at mabilis silang nagtago. Napaupo si Crizalix sa batong malapad at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Kasalan ko 'to... kasalanan ko!" sambit nito na tila nagsisisi.

"Tama na 'yan, walang may kasalanan. Dapat pagbayaran ito ng kuya mong si Cedric," sambit ni Katrina.

"Kung hindi ko kayo dinala dahil napasailalim ako ng kapangyarihan nila, hindi sana mamamatay si kuya Arthur... si Melvin, Benjamin at Aling Mellisa pati na rin ang pagiging aswang ni De R," usal niya at lalo pang lumakas ang pag-iyak nito.

Tinabihan siya ng mga kaibigan niya at pinatahan sa pag-iyak.

"Ano pa kaya ang magagawa natin?" tanong ni Nadine na nawawalan na rin ng pag-asa.

Walang maisip ang iba dahil ang pagkakaalam nila ay talagang patay na sina Melvin at Benjamin. Napatahimik silang lahat nang may narinig silang naglalakad na nagpatunog sa bawat dahong matapakan. Maigi silang nakinig at nagmasid sa paligid habang nakayuko.

"Nasaan na kaya sila?" tinig ng lalaki.

"Melvin..." pabulong ni Meachelle nang marinig ito.

Sinilip nila sandali ng dahan-dahan at totoo ngang sila iyon. Napatayo ang mga ito at sabay-sabay na niyakap ang dalawa.

"O, bakit parang ngayon n'yo lang kami nakita?" natatawang sambit ni Melvin sa mga ito.

"Ang akala namin patay na kayo?" sambit ni Katrina.

"Hindi, dahil sa kuwintas at ito rin ang dahilan kung bakit ko kayo natunton." Paliwanag niya.

"Si Arthur, nasaan?" lagtatanong ni Benjamin nang hindi makita ang kaibigan.

Napayuko lang ang apat at nag-sign ng wala na siya. Napahawak si Melvin sa ulo at naghihinayang sa mga nangyayari. Nakita ng mga kasamahan nito ang galit sa mukha ng binata.

IPAGPALATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon