Ilang minuto lang at nakarating na ang magkakaibigan sa bahay ng isang abularyo na binanggit ni De R at Benjamin na si Arthur.
"Tao po! Tao po!" pagtatawag nila.
Kumatok si Melvin ngunit parang walang taong gustong tumugon.
"Baka tulog pa 'tol," sambit ni Benjamin.
"Maghihintay na lang ba tayo dito?" pagtatanong ni Melvin.
"Gano'n nga! Malapit na rin namang mag-umaga at isa pa, kung magtatawag pa tayo e baka maka-istorbo tayo kay Arthur," sambit De R.
Nakaupo ngayon ang barkada sa gilid ng bahay habang hinihintay ang umaga. Si Katrina ay tulala dahil naalala niya pa rin si Cristalix na isa rin pinakatapat niyang kaibigan. Inaantok na ang tatlong babae at ilang saglit ay nakatulog na rin sina Meachelle at Nadine.
Subalit nawala ang antok ng magkakaibigan nang biglang umilaw ang unahan at likod ng sasakyan- nagpapatay-sindi.
"Ano na naman 'to?" may takot na tanong ni Katrina.
"Mukhang gawa na naman 'to ng aswang!" tugon ni Melvin na kinakabahan na.
Ang mas ikinagulat ng barkada ay ang biglang pag-andar ng sasakyan ng dahan-dahan. Napatitig lang sila at sobrang nagtaka.
"Ano ba kasing klaseng aswang 'yang sinasabi n'yo?" agad na tanong ni De R.
"Hindi ko rin alam, 'tol pero ang sabi ni Aling Mellisa, makapangyarihan daw ang mga ito dahil kahit ang buong baryo nila ay inubos," tugon ni Melvin.
Huminto ang sasakyan at hindi pa ito gano'n kalayo sa kanila.
"Puntahan natin!" alok ni Melvin kay Benjamin at ipinaiwan muna si De R sa tatlong babae para bantayan.
Hindi pa nakakalapit nang lubusan ang dalawa ay bigla namang namatay ang ilaw sa harap at likod.
"Parang hindi 'to aswang, 'tol. Matindi pa sa Multo e!" sambit ni Benjamin.
"Aswang ang may gawa nito, sigurado! Ngayon lang kasi nangyari ang ganto," paliwanag ni Melvin.
Napahinto kasi ang dalawa sa paglalakad at nagmamasid kung aandar ulit ang sasakyan. Lumipas ang ilang minuto at dahil wala namang nangyayari, lumakad muli ang dalawa para puntahan 'yung kotse. Nasa likuran na sila ng sasakyan at sinisilip nila kung may kung anong nagpaandar pero wala talaga silang nakita.
Pumunta si Benjamin sa pintuan ng kotse pero ayaw itong mabuksan. Bigla namang umatras ang kotse at dahil nasa likod si Melvin, natamaan siya ng sasakyan at tumilapon sa gilid. Huminto ang sasakyan at akma na namang aabante na parang si Benjamin ang babanggain. Nakaiwas ang binata at agad na pumunta kay Melvin. Samantalang ang kotse ay tuluyan nang umalis papalayo.
"Ayos ka lang, 'tol? tanong ni Benjamin.
"Okay lang." At tinulungang tumayo ni Benjamin si Melvin.
Tumakbo naman ang iba pa nilang barkada papunta sa kanila.
"Grabe pala ang aswang na kumuha kay Cristalix pati tayo na hindi pa pumupunta do'n, sinugod agad," sambit ni Nadine.
"Wala tayong magagawa dahil wala tayong alam sa kanila!" tugon ni Melvin.
Bumalik sila sa harap ng bahay ni Arthur at matiyaga ulit naghintay. Narinig nilang gising na ito kaya tinawag nilang muli iyon.
"Kuya Arthur!" pagtatawag ni De R.
Bumukas naman ang pinto at napangiti ang anim. Pinapasok sila sa loob.
"Bakit ang aga-aga at naparito kayo?" tanong ni Arthur.
"Kung naikuwento na po sa inyo ni De R ang tungkol sa aswang na nakaharap namin, kinuha po nila si Cristalix habang natutulog sila," tugon ni Melvin.
"Tama ang hinala n'yo, aswang nga ang kumuha sa kaibigan n'yo. Ikinababahala ko lang, iba ito at hindi basta-basta kung haharapin lang ninyo," sambit ni Arthur.
"Kaya nga po kami nandito e, para magpatulong sa inyo. Kung okay lang po sa inyo," pakiusap ni Meachelle.
"Walang problema pero dapat na tayong kumilos ngayon habang maaga pa," tugon ni Arthur.
"Pero wala na po tayong sasakayan, kinuha kasi ng aswang kanina," sambit ni Melvin.
"Ano? Paano nangyari 'yon? Nakaharap n'yo na sila kanina?" sunod-sunod na tanong ni Arthur.
"Hindi naman po sa gano'n." Agad na ikuwenento ni Melvin ang pangyayaring naganap kanina at do'n sa bahay nila.
"Kung gano'n, ibang sasakyan ang gagamitin natin," sambit ni Arthur matapos marinig ang salaysay ni Melvin.
"Saan naman po tayo kukuha ng sasakayan?" tanong ni Nadine.
"Sumunod kayo!" anyaya ni Arthur at naglakad na sinundan naman ng anim.
IPAGPAPATULOY...
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...