"Kung nandito lang sana si Aling Mellisa, siguradong tutulungan niya tayo," sambit ni Melvin na nag-aalala na.
"Kung aswang nga ang kumuha kay Cristalix, saan naman natin siya hahanapin?" tanong ni Meachelle.
"Wala bang nabanggit 'yung Mellisa na sinasabi ninyo?" singit pa ni Benjamin.
"Wala, pero sa tingin ko guys, 'yung lalaki sa restaurant ang kailangan nating harapin," sambit ni Melvin.
"Huwag mong sabihing babalik pa tayo do'n?" may takot sa boses ni Nadine.
"Gano'n na nga... kung 'yon lang ang posibleng sagot at dahilan," tugon ni Melvin.
"Ayaw na namin, baka maligaw na naman tayo!" wika ni Katrina na umiiyak pa.
Ibinaling ng binata ang titig sa mga kagamitan ibang kasamang lalaki.
"Ano ba 'yang mga dala n'yo?" pagtatakang tanong ni Melvin kay Benjamin at De R dahil may dala itong bag.
"Mga panlaban sa aswang!" tugon ni De R at binuksan niya ang dala-dalang bag.
Nakita ng lima ang dala nito. Latigo na gawa sa buntot ng paging, mga bote na may lamang alcohol na para daw sa pagpapasabog, mga palaso na may holy water ang dulong patalim at 'di kalakihang kutsilyo na gawa naman daw sa metal na hinaluan ng halamang panlaban sa aswang.
"Ayos 'to mga 'tol!" bati ni Melvin sa dalawa.
"Pero dapat siguro magsama tayo ng isang abularyo o 'di kaya tao na magaling tumukoy kung inaaswang ka na," alok ni Meachelle.
"May kilala ako!" suhestyon ni Benjamin.
"Sino naman 'yan?" tanong ni Meachelle.
"Si Arthur! Isa siya sa magaling lumaban at sa katunayan nga e, siya 'yung nagbigay ng mga armas na 'yan," tugon ni Benjamin.
"Arthur? Saan siya nakatira?" pagtatanong ni Melvin.
"Malapit lang 'yon dito, 'tol. Siguradong makakatulong siya at isa pa may katangian 'yon sa pagiging isang manghuhula at kaya niyang maramdaman ang mga nilalang na hindi katulad sa atin." Dagdag pa nito.
"Talaga?" medyo pabigla ni Melvin.
"Oo 'tol, kasi bago kami umalis sa bahay niya, sinabi niya sa amin na kakaibang nilalang daw ang makakaharap namin at pati na kayo," tugon ni Benjamin.
"Kung gano'n, umalis na tayo at puntahan siya!" sambit ni Melvin.
Naghanda ang lahat at sabay-sabay silang sumakay ng kotse. Nag-aalala na ang magkakaibigan kung nasaan na nga ba si Cristalix at kung ano na ang nangyayari dito. Si Melvin na ang nag-drive ng kotse habang ang lima- si Benjamin, De R, Meachelle, Katrina, at Nadine ay sa likuran ng sasakyan nakaupo.
Habang nagmamaneho si Melvin, nakita niya malayo pa lang ang isang lalaking ayaw umalis sa dadaanan nila.
"Guys, tingnan n'yo," turo nito.
"Ang ano?" sabay tingin ng lima sa itinuro ni Melvin.
Nagulat sila nang maging pula ang mata nito at dahil doon ay parang gustong iatras ni Melvin ang kotse.
"Banggain mo na lang!" sigaw ni De R.
Sinunod ito ni Melvin at binilisan niya nga ang pagmamaneho. Pumikit ang apat na babaeng kasama nila at nang akmang mababangga na ni Melvin ang lalaki sa kalsada ay bigla na lamang itong tumalon paitaas na parang hangin sa bilis. Nagulat si Melvin pati na rin si De R at Benjamin na nakasaksi sa nangyari. Dumilat na ang apat at nagtaka.
"Ano'ng nangyari? Nabangga n'yo ba?" agad na tanong ni Katrina.
"Hindi e, lumipad paitaas," tugon ni De R.
"A-ano? Anong lumipad?" dagdag pa ni Nadine.
"Hindi pa namin alam pero sigurado akong isa 'yon sa dapat nating harapin," tugon ulit ni De R.
IPAGPAPATULOY...
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
Kinh dịMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...