Sumulpot si Melvin kasama si Benjamin at Nadine sa harap nila De R.
"Nadine?" sambit ni Meachelle sabay yakap sa kaibigan dito na sinundan naman ni Katrina nang marinig ang pagtawag nito.
"Ang akala namin, wala ka na... sambit ni Katrina habang umiiyak dahil 'di makapaniwala na buhay nga talaga ito.
Nagulat naman si Nadine nang makita niya si Crizalix na halimaw ang hitsura pero agad na ipinaliwanag ni Katrina at Meachelle ang nangyayari. Bumakas naman ang ngiti ni Nadine sa mukha nang malaman na patay na ang ama nito na napakasama.
"Si De R na ba talaga 'yan?" tanong niya na may pagtataka sabay turo dito.
"Oo, nailigtas na namin siya." Tugon ni Meachelle na lalong nagbigay kasayahan kay Nadine dahil alam niyang nagkasama-sama ulit silang magbabarkada.
Bumalik si Crizalix sa dati nitong anyo at yumakap rin sa kaibigang si Nadine na akala niya ay wala na. Nagpasalamat din sila kay Melvin at Benjamin dahil sa pagkakaligtas dito. Ang lahat naman ng aswang ay lumayo na halatang natatakot sa nasaksihan dahil sa ginawa ni Crizalix. Muling nagyakap-yakap ang magbabarkada dahil sa tuwa.
Nasa isip ni Melvin na hindi pa talaga tapos ang laban dahil hindi pa naman talaga nila nakakaharap si Cedric na siyang tunay na hari ng mga aswang. Nagtataka rin siya dahil hindi na muli itong nagpakita matapos patayin si Arthur.
"Masyadong marami na tayong napagdaan pero hindi talaga ito matatapos. Ayaw ko nang may mapahamak gaya ng nangyari kay kuya Arthur at Aling Mellisa," sambit ni Crizalix at tumulo ang mga luha tanda ng pagiging malasakit.
Biglang kumulog at kumidlat na sinamahan pa ng malakas na ulan sa buong lugar kung nasaan sila. Naramdaman na naman ni Crizalix ang kanyang kuya na si Cedric at agad niyang binalalaan ang mga kaibigan. Tumango si Melvin sa sinabi ni Crizalix na plano at isinama nina Benjamin at De R ang tatlong babae na sina Meachelle, Katrina at Nadine na inalalayan din nila upang lumayo at magtago sa mapunong lugar hindi kalayuan.
Nakalayo na ang lima at tanging si Melvin at Crizalix ang naiwan na hindi man lang nakaramdam ng lamig dahil sa malakas na ulan. Alam nilang kagagawan ni Cedric ang pagkulog at pagkidlat ng ganito kalakas. Ilang sandali, isang malakas na paghalakhak ang alam nilang nagmumula kay Cedric. Tumango si Crizalix kay Melvin at pareho silang lumayo sa isat isa upang gawin ang plano.
Habang nagkakalayuan sila, narinig na nila ang tunog ng pakpak ni Cedric na halatang papalapit sa lugar na kinatutungtungan nila. Napatigil sa pag-atras ang dalawa nang biglang huminto ang ulan kasama ng kulog at kidlat. Dumilim ang buong kapaligiran at tulad ng nangyari noon Silibas, natakpan ng itim na ulap ang buwan na siyang mas lalong nagpadilim sa lugar at tanging ihip lang ng hangin ang kanilang naririnig dahil sa sobrang katahimikan.
Nasa kamay ni Melvin ang kuwintas kaya mararamdaman niya kung nandito na si Cedric pero hindi niya malaman ngayon kung nandito na nga ba talaga ito. Tulad ng kay Melvin, hindi magawang makita ni Crizalix ang kuya niya kung nandito na nga ba ito. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin ang kaninang Cedric na tumawa bago dumilim ng ganito.
"MELVIN!" tawag na narinig nito.
"CRIZALIX!" tawag na narinig din ng isa.
Isang liwanag na talagang nakakasilaw sa mga mata ng dalawa ang sumulpot sa pagitan nila. Muling humalakhak si Cedric at nakapangingilabot pakinggan. Parang hangin ang pagsulpot ni Cedric sa harap ni Crizalix na agad siyang sinakal nito at iniangat sa ere.
"Gusto mong magaya kay Ina?" sambit ni Cedric na galit matapos magbalik ang liwanag sa buong kapaligiran.
"B-bitiwan mo ako..." sambit ni Crizalix na nahihirapan sa paghinga.
Nakita ni Melvin ang nangyayari sa kaibigan kaya't mabilis siyang pumulot ng matulis na bagay at asentadong inihagis sa likuran ni Cedric pero laking gulat niya nang masalo iyon ng isa kahit nakatalikod pa. Mabilis itong tumitig kay Melvin habang sakal-sakal ang kapatid. Ngumiti at inihagis din kay Melvin ang ibinato nito.
Natamaan si Melvin sa braso dahil hindi siya nakaiwas sa sobrang bilis. Napauhod ito sa sakit at pinipilit hugutin ang kahoy na matulis sa braso. Napaluha si Crizalix at nakaramdam na naman ng galit sa puso. Umilaw ang mga mata nito na kulay pula na ipinagtaka ni Cedric.
Ang alam lang ni Cedric ay nagiging halimaw o aswang si Crizalix kung sumasailalim ito sa kapangyarihan ng ama pero mukhang nagkamali siya. Napabitaw si Cedric sa pagkakasakal kay Crizalix nang sipain siya nito sa tiyan gamit ang dalawang paa. Napahawak rin siya sa tiyan at nang linungin ang kapatid ay iba na ang itsura nito.
"CRIZALIX?" pabigla ni Cedric dahil hindi alam na kaya palang gawin ito ng kapatid kahit wala ang kapangyarihan ng ama.
ANO KAYA MANGYAYARI SA LABANAN NG MAGKAPATID NA SINA CRIZALIX AT CEDRIC?
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
TerrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...