"Mga 'tol, nawawala si De R!" sambit ni Benjamin.
"O, saan nagpunta? Posibleng hindi n'yo nakita?" wika ni Melvin.
"Hindi ko talaga namalayan, 'tol. Parang hangin na naglaho!" tugon ni Benjamin.
Tumayo si Melvin at nilibot ang buong bahay at ganoon din ang ginawa ng iba.
"Saan siya nagpunta?" pagtatanong ni Katrina kay Crizalix dahil baka may alam ito.
"Hindi ko masasagot 'yan, pero ang masasabi ko lang Guys, mukhang hawak na siya ng mga aswang," tugon nito.
Napakagat-labi din si Melvin at ang iniisip niya ay parang wala siyang magawa para iligtas ang mga kaibigan at dahil din sa kanila kaya namatay si Aling Mellisa.
"Saan ka pupunta?" pagtatanong ni Meachelle ng akmang lalapit si Melvin sa pinto upang buksan.
"Papapasukin natin ang gustong pumasok!" tugon nito na medyo may galit sa tinig.
"Seryoso ka? Mapapahamak tayong lahat," pag-aalala ni Nadine.
"Sinasamantala nila ang pagiging matatakutin natin at pagiging mahina. Hindi ko na papayagang tayo ang dapat magtago." Tugon ni Melvin at talagang napalakas niya ang loob ng mga kasamahan.
"Tama si Melvin, sila ang dapat matakot dahil walang aswang na nilikha ang Diyos," sang-ayon ni Arthur.
Napansin ni Katrina ang pagyuko ni Crizalix na para bang natamaan sa mga sinabi nila.
"Hayaan mo lang, para sa amin ay hindi ka naiiba. Tinuring ka na naming parang pamilya o higit pa kaya magtiwala ka sa amin," sambit ni Katrina na siyang nakapagpangiti kay Crizalix.
"Salamat..." tugon nito.
Tuluyan nang binuksan ni Melvin ang pintuan at nagkaroon ng katahimikan sa buong bahay. Tumingin lang sila sa labas at tanging kotse lang ni Melvin ang makikita.
Wala na ni isa sa kanila ang nakakaramdam ngayon ng takot, nagtitiwala sila sa mas nakakataas.
"Kailangang kumilos ang iba sa atin!" sambit ni Melvin.
Tumango sila at nagtungo sina Benjamin at Melvin sa likod ng bahay para sa plano. Naiwan si Arthur kasama ang apat na babae. Binigyan niya ito ng proteksyong kuwintas upang hindi sila magalaw ng mga aswang maliban na lang kung gagamit si Cedric ng isip para saktan sila.
"De R?" sambit ng babae nang makitang sumulpot ito at tumungtong sa ibabaw ng sasakyan at nakangiti ng masama.
Humaba ang dila nito at sinugod si Katrina pero agad itong lumayo dahil sa proteksyon nila.
"Wow, ang galing! Kinabahan ako do'n, ha!" wika ni Katrina na namangha pati na rin ang iba.
Lumabas sila dahil alam nilang hindi sila magagalaw ng mga ito. Bumungad sa kanila ang napakaraming aswang sa lupa o hangin man.
"Tandaan n'yo, hindi nila kayo magagalaw gamit ang kakayahan na meron sila pero dapat din ninyong isa-isip na kung gagamit sila ng kahit anong bagay na wala sa katawan nila ay maaari kayong matamaan o magalaw," sambit ni Arthur sa mga kasamahan.
Tumango muli ang mga ito at nagsimulang ilabas ang mga latigong hawak.
"Sugod!" sambit ni Crizalix.
Hinampas nila ng latigo ang lahat ng aswang na pwdeng matamaan. Hampas dito, hampas doon at ng aswang ay agad na naglalaho. Napansin nilang kaunti na lang ang ibang nasa lupa at ang iba nama'y nagsiliparan na para bang may binabalak. Sabay-sabay na ginalaw ng mga aswang ang kanilang malalaki at nakakalilabot na mga pakpak at biglang lumakas ang ihip ng hangin.
"Wala akong makita!" sigaw ni Nadine.
Lumakas nang lumakas pa ang hangin at parang kaya na nitong dalhin sina Arthur paibabaw.
"Ano po'ng gagawin natin?" tanong ni Meachelle.
"Dumapa kayo!" utos ni Arthur, agad nga silang nagsidapa sa semento na mukhang epektibo naman dahil hindi sila matangay ng hangin.
IPAGPAPATULOY...
-----
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...