KABABATA 9

574 38 0
                                    

Nag-umpisa silang maglakad ng dahan-dahan ngunit hindi pa sila nakakalapit ng biglang may lumabas sa pinto ng restaurant. Tumakbo sila sa malawak na damuhan at yumuko upang hindi sila makita. Tila may hinahanap ang babaeng lumabas sa pinto at dahil medyo madilim na, hindi makita ng magkakaibigan ang hitsura nito.

Mayamaya'y pumasok na ang babae sa restaurant at agad na nagsitayuan ang magbabarkada. Lumakad silang muli at nagmasid ng maigi. Walang ingay silang naririnig kundi ang mga insekto sa kapaligiran.

"Sigurado ba kayong iisa lang siya?" bulong at tanong ni De R sa magkakaibigan.

"Oo, pero 'di ko alam kung sino 'yung babae kanina," tugon ni melvin.

Napatigil ang magbarkada nang may narinig silang nagsalita-

"Nandito na ang mga kaibigan mo!" tinig ng isang matandang lalaki.

"Wala akong pakialam! At wala rin akong kasalanan!" sigaw ng isang babae.

"Huh? Hindi ba't kay Cristalix ang boses na 'yon? Hinalang sambit ni Katrina.

"Oo nga, bakit niya sinabing 'wala siyang pakialam'? Nakakapagtaka lang," naguguluhan si Nadine.

"Huwag n'yo na munang isipin 'yon. Ang problemahin n'yo, alam na ng lalaki na nandito tayo," sambit ni Benjamin.

Papalapit na sana ang magkakaibigan sa restaurant ng biglang-

Isang malakas na halakhak ang bumulaga sa kanila," mga bobo!" isang tinig ang nagmumula sa itaas.

Nakita ng anim ang kakaibang nilalang na may pakpak at lumilipad sa hangin. Ang mas nagbigay kilabot sa kanila ay nang may mga matang pula ang naglitawan sa malawak na damuhan sa kanan, kaliwa at kung saan-saan. Ngayon lang nalaman ng magkakaibigan na kanina pa pala sila hinhintay ng mga nilalang na hindi nila maipaliwanag pero masasabi nilang aswang ang mga ito.

"Ibalik mo sa amin ang kaibigan naming si Cristalix!" sigaw ni Meachelle habang itinututok ang espadang hawak sa aswang na bumababa mula sa hangin.

"Ang tapang mo, ha? Pero mukhang hindi n'yo alam ang kaya kong gawin," sambit ng lalaking aswang at ito pala ang ama ni Cedric.

"Hindi kami natatakot sa kung anong kaya mong gawin basta't ibalik mo ang kaibigan namin," sambit ni Nadine at itinutok ang hawak na palaso sa lalaki.

"Bakit ba kasi ang bobo ng mga kaibigan ni Cristalix? Hindi marunong mag-isip bago sumugod sa poder ko," galit na sabi ng lalaki.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" agad na tanong ni Melvin.

Muli itong humalakhak, "anak ko si Cristalix at siya ang nagdala sa inyo dito," tugon ng lalaki habang tumatawa.

"ANO?" pabiglang sabi ng anim.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon