Nakita ng magkakaibigan ang mga sasakyang panggera sa likod ng bahay ni Arthur at talagang humanga sila dahil parang bago pa ang nga ito gayong nagamit naman sa kung sakaling digmaan noon.
"Ayos po 'to, kuya Arthur!" mangha ni Melvin.
Agad na pinaandar ni Arthur ang sasakyan kung gumagana pa at 'di naman sila bigo.
"Kailangang makarating tayo ng maaga sa restaurant na sinasabi n'yo dahil kung abutan man tayo ng gabi, mahirap na," sambit ni Arthur pagkatapos subukang paandarin ang napiling sasakyan.
Dinala ng barkada ang gagamiting sandata na nakalagay sa bag. Si Melvin ang nag-drive dahil alam niya ang daanan. Ilang minutong biyahe lang at narating nila ang kalsada na tinahak noon. Ngunit muli na naman silang nagtaka dahil pagtingin nila sa likod ay wala ng mga bahay at nang muling ibaling ang tingin sa harap ay gano'n din ang nangyari.
"Guys, kinakabahan na naman ako..." sambit ni Katrina.
"Oo nga, baka hindi na talaga tayo makabalik nito ngayong wala na si Aling Mellisa na tumulong sa atin na makaalis dito," pagsang-ayon ni Meachelle.
"Huwag kayong mag-isip ng ganyan, marami tayo! Iisa lang siya at isa pa, mas makapangyarihan ang Diyos," paliwanag ni Nadine na hindi man lang nakaramdam ng takot.
Natanaw na ng magkakaibigan ang restaurant at inihinto muna nila ang sasakyan para makapaghanda. Inilabas ni De R ang dalang bag at binuksan para ibigay ang mga gagamitin.
"Dapat hindi tayo matakot. Isipin n'yong parang laro lang ito na kailangan mong manalo!" paliwanag ni De R habang inilalabas ang mga sandata.
Ibinigay niya ang palaso kay Nadine dahil alam niyang magaling ito sa paggamit nito. Gawa ito sa ordinaryong patpat na matibay at bakal ang dulong bahagi na may holy water. Ibinigay niya naman ang latigong gawa sa buntot ng paging kay Katrina na alam niyang magaling sa pagiging isang hunter na parang cow girl ito.
Ibinigay niya ang espadang gawa sa metal at may basbas ng isang pari kay Meachelle dahil alam niya ring magaling ito sa paghahawak nito at mahilig makipag-espadahan. Ang mga boteng may alcohol ay kinuha ni Melvin dahil isa siya sa pinakamatapang na gumamit ng mga pampasabog. Sina De R at Benjamin at may sari-sariling kutsilyong panggera at baril na may holy water ang mga bala. Samantalang si Arthur ay may dalang libro na kanina niya pa binabasa.
"Uulitin ko, dapat hindi tayo matakot dahil may isang mahalagang tao tayong ililigtas. 'Yon ay si Cristalix," sambit ni De R upang mawala ang takot ng mga babaeng kasama.
Tinitigan muna nila ang Restaurant na para bang wala namang problema o ano mang bagay ang puwedeng lumusob sa kanila.
IPAGPAPATULOY...
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...