ANG PAGTATAPOS
"Nakakagulat ba?" tanong ni Crizalix at halimaw na muli ang itsura at kaya nang kotrolin ang kanyang sarili.
Ngumiti si Cedric at ilang saglit lang ay nagbago rin ang itsura nito na higit pa ang nakakakilabot na katauhan. Sinulyapan ni Crizalix si Melvin mula sa likuran upang senyas na tuloy ang plano.
Sa bilis at lakas ni Cedric, ginamit niya ang matatalim na kuko at sinugod si Crizalix pero hangin lang ang kanyang natamaan. At nang tingnan niya rin si Melvin ay wala na ito doon. Sa isip ni Cedric, hindi tatalab ang mga plano ninyo!
Mabilis na paglipad ang ginawa ni Crizalix papunta sa likuran ni Cedric upang saksakin ito pero naunahan siya nito ng malakas na suntok. Napatawa lang si Cedric nang makita ang kapatid na nakahawak sa dibdib dahil sa kanyang ginawa. Dahan-dahan siya ritong lumapit at sinabing—
"Mas makapangyarihan pa rin ako!" Turan nito.
Akmang sasalsakin na ni Cedric si Crizalix sa likod gamit ang mga kuko subalit isang malakas na sigaw ang nagmula mismo sa kanya.
"A-anong... ginawa mo!?" galit na turan nito dahil sa isinuot pala ni Melvin ang kuwintas na hawak niya na nanggaling pa kay Aling Mellisa at pagmamay-ari ng pinakamasamang demonyo na dahilan din ng lahat ng ito.
"RAWR!" sigaw ng demonyo habang lumalabas sa katawan ni Cedric dahil hindi nito kaya ang kakayahan ng kuwintas.
Bumagsak ang katawan ni Cedric sa lupa at agad na pinuntahan ni Crizalix at Melvin.
"Kuya? Kuya!" pag-iiyak ni Crizalix dahil napakasaya ngayon na nagtagumpay ang kabutihan.
Tumakbo ang iba nitong mga kaibigan sa kanila at sobrang saya ng mga mukha nang makitang wala na ang halimaw. Nagka-iyakan silang lahat at halatang pagod-pagod sa dami ng pinagdaan mula sa simula hanggang sa makaharap ang noon ay imposible sa kanila.
LUMIPAS ANG MGA ARAW.
"O guys, pasyal na tayo!" anyaya ni Crizalix sa barkada.
Kumaway ang mga kaibagan niya at tumakbo sa kanya papalapit.
"Malapit na ang Graduation, sana naman hindi na tayo magkahiwa-hiwalay pa," sambit ni Katrina na parang maiiyak.
"Naku, hindi natin masasabi ang panahon pero dapat nating harapin ang bukas," tugon ni Crizalix.
"Hello, guys!" Wika ni Cedric na papalapit din sa kanila at parang may tinatago sa likod.
Ibinigay niya ang bulaklak na hawak kay Katrina dahil palagi niya na itong nililigawan.
"Ayieee..." tukso ng lahat.
"Tama na Guys..." medyo nahihiyang sabi ni Katrina sabay kiss sa pisngi ni Cedric na talagang nagpakilig sa mga kaibigan nito.
"Sana all..." sabay-sabay nilang tugon.
Wala na ang paghahahari. Wala na ang kasamaan at mga lighati. Nang dahil sa makapangyarihan at misteryosong kuwintas, natapos ang lahat. Subalit gaya nga ng sinabi noon ng ina ni Cerdic, hindi matatapos ang kasamaan kung may patuloy na magnanais nito. Umangkin at asamin at hindi kaaya-ayang kapangyarihan.
Patuloy lang sa paglabas ang iba't ibang nilalang sa panahon ngayon. Magpapatuloy din iyon hanggang sa mga susunod pang henerasyon.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Misteryoso 2 (Completed)
HorrorMas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan...