*Flash*
*Flash*
May liwanag na every 3 seconds nag fa-flash sa mata ko, ang sarap pa nang tulog ko eh ang istorbo naman. Unti unti ko minulat ang mga mata ko at nakita ko ang likuran ng isang iPhone.
*flash*
"KYAAAH!" Mabilis kong inabot ang cellphone nang ma realize ko na kinukunan ako ng picture. Hindi ko din iyon nakuha kasi mabilis din naitago nang isang bwisit na nilalang. Then the situation sank down in my brain.
"What the hell am I doing beside you?!"
"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan! Ginawa mong unan ang kamay ko, I think I might have dislocated my shoulder!" Ganti niya.
*flashback*
Binuhat ko itong lalaki na to papunta sa tent. Aalis na sana ako, pero hinawakan niya ako at pinahiga sa dibdib niya,
"Stay with me please"
*end of flashback*
Nag e-echo pa sa utak ko ang sinabi niya kagabi. Nakatulog pala ako na ganon ang posisyon namin.
"You were the one who held me para hindi ako maka alis!" kwenta ko sa kanya at nan nanglaki ang mga mata niya. Wag mo sabihin na nakalimutan niya ang pinag gagawa niya kagabi?
"Ang lakas mo naman mag pantasya!" he countered.
"Hoy lalaki ka, ikaw yung nakatulog sa balikat ko kagabi at wala ka man lang pasalamat sa akin na binuhat kita papunta dito sa tent kahit mas nabigat kapa sa limang sakong bigas!"
"Anong limang sakong bigas?! Sa sexy ba naman nang katawan na 'to?!" ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito! Pero totoo naman na sexy.
Eeeewww! I can't believe I just admitted na sexy siya!"Sana nga iniwan nalang kita manigas sa labas!"
"Hoy ang aga aga ang ingay niyo!" sabay kami napalingon sa nag bukas ng tent. Si Cayden may hawak na tasa ng kape. "Mag Coffee nga muna kayo para mag relax 'yang mga ulo ninyo, kahit naman ang sweet niyo kagabi."
"Heh! Maka alis na nga dito" sabi ko at dali dali na lumabas. The early morning rays feels so good on the skin. Yeah, sink in there Vitamin D.
"Asan ba si Asher? Hindi na nakabalik iyon kagabi matapos nag paalam na may kukunin sa sasakyan ah" I asked Zane na nag hahanda ng almusal.
"Still fast asleep sa sasakyan niya." tipid niyang sagot. Wow siya na nga itong nauna natulog kagabi siya pa ang pinakahuli gigising.
Matapos namin mag almusal, iniligpit na namin lahat ng mga gamit and drove home. Pag dating ko sa bahay naligo ako and other necessary stuff to do. Ilang oras lang ay na bored ako, so I decided to go to the mall. Nag mamaneho lang ako nang may tumawag.
Incoming call: Asher Leeroy
"Ano?"
["Anong ano?! Diba sabi ko sayo hindi ka lalabas na walang kasama?!"] ugh! Is this about the freaking envelope again?
"Get full of it already Asher. Ilang linggo na ang lumipas at wala namang nangyari sa'kin. Maybe that was just a prank that someone pulled. Now, don't call me. I'm driving."
Hindi ko na hinintay na mag salita pa siya at binaba ko na ang telepono. I know he's just worried but I'm perfectly fine. There's no crazy gang member that went after me after that letter came so maybe it's all just a hoax.
Pumunta lang ako sa isang Ramen shop. Gusto ko ng mainit na sabaw para sa hangover ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kagabi, I did have fun. Kahit papano masaya din naman kasama ang mga boys na 'yon.
YOU ARE READING
One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]
Teen FictionLove, they state that it is an inclination without any limits and may be the focal point of everything. It can hold people's heart hostage, similar to a spell that has no cure. Individuals probably won't know that they have just been struck by this...