Chapter 53: Reunited

25 7 3
                                    

"Ang ingay niyo naman, nay nag papahinga dito eh."

Paos pa ang boses ko na parang ilang araw na tuyo ang lalamunan ko, pero nagawa ko bumulong. The looks on their faces were priceless, parang nakakita sika ng zombie.

"N-Nurse.... NURSE!" Nuutal pa na sigaw ni Axel. Bakas pa din sa mukha niya ang pagkagulat and ang tuwa. Tinulak pa niya si Asher palabas ng room para dawagin ang mga doktor.

Agad siya lumapit sa'kin at naramdaman ko ang malambot niyang kamay sa pisngi ko. I saw tears flowing from the corner of his eyes. This is the second time I saw him cry for me. Umiiyak siya pero malaki ang ngiti sa mukha niya, his eyes was full of amusement and admiration.

All of them gathered around me. The faces that I haven't see for a long time. Their handsome and beautiful faces.

"M-missed me?" I joked.

"Cute girl you're back!" Zane exclaimed at nagulat ako nang yakapin nila ako. Zane, Cayden, Caius, and Marcia immediately smothered with hugs habang sila Axel, Giovanni, Garrett, at Caspian ay nakatingin lang sa kanila. Hindi talaga showy ang mga demonyo na mga 'yon, pero I know na masaya sila. I smiled at them and Caspian waved at me.

"Alright boys give her some air." Napalingon kami lahat sa nagsalita at nakita namin si Asher na kasama ang doktor. Dumistansya naman sila sa 'kin at hinayaan ang doktor gawin ang trabaho niya. He checked my vitals at sabi naman niya stable na ako.

"It was really a miracle that you made it out alive my dear. That bullet almost reached your heart, but somehow it didn't." sabi nu'ng doktor tyaka siya umalis.

"Grabi para kang pusa Cath!" pagbibiro niya Zayned at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Para ka'ng may siyam na buhay! Ilang beses kana muntik mamatay but yet here you are, still alive and maldita as ever."

Agad naman aiya binatukan ni Giovanni.

Pero hindi ko mapigilan mapa-isip sa sinabi niya. Kung tutuusin totoo naman ang sinabi niya, ilang besen na ako nabaril, ilang beses na napiligro ang buhay ko pero nandito parin ako, kasama ang mga taong mahalaga sa'kin. Pero nag papasalamat din ako sa mga experience ko na 'yon, kasi naintindihan ko kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao, kung gaano kahalaga ang oras. Hindi mo mamalayan na bukas o mamaya mawawala ka na or mawawala na ang mga taong mahal mo sa isang iglap. Kung ano man ang natutunan ko sa karanasan na 'to 'yon ay make every moment count, pahalagahan mo ang mga tao'ng mahal mo habang nandyan pa sila na makikita at mahahawakan mo pa.

"Thank you guys, dahil hanggang sa huli hindi niyo ako pinabayaan, kahit nalagay pa sa alanganin ang mga buhay niyo pero hindi kayo nag alin-langan na tulungan kami." shet parang maiiyak ata ako. Nakita ko naman na ngumiti sila.

"Ano ka ba! Hanggang sa kamatayan hindi ka namin pababayaan noh! Prinsesa ka kaya na'min and we are your Prince Charmings!" hindi ko mapigilan na ngumiti sa sinabi ni Cayden.

"You guys are not just my prince charmings. You're my friends."

"HAHA! Told you bro! Friend ka lang!"

Napatingin kami sa sumigaw. Si Caius inaasar niya si Axel. Ang pikon naman parang magiging dragon na naman siya. Kahit kaylan talaga abnormal 'yang dalawang 'yan. Sirain ba naman ang drama moment ko? Ano kayang pinag gagagawa nila nu'ng tulog ako? Siguro palagi silang nag babasagan ng ulo.

"Alam mo? Papatayin na talaga kita!"

Kita mo na? Abnormal. Tumakbo si Caius palabas ng room tyaka siya hinabol ni Axel.

"Palagi ba silang ganyan?" matanong ko lang.

"you have no idea."

Sabay pa talaga sila lahat. Hindi ko naman mapigilan matawa. Para silang mga bata, ang Caius naman inaasar at inaasar si Axel, eh alam naman niya na siya lang ang gusto ko.

"I'll go after those two before they destroy the building." bolontaryo ni Garrett at tyaka lumabas din ng kwarto. Ang chill niya talaga palagi, a real cold blooded person.

"Kumusta pakiramdam mo Cath? Wala na bang masakit sa 'yo?" tanong ni Marcia at tyaka lumapit siya sa'kin.

Hindi ako naka sagot agad, parang na awkward ako bigla.

"Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa inyo pero promise pinag sisisihan ko na 'yon. At naiintindihan kita kung galit ka pa sa'kin pero sana hayaan mo ako maka bawi."

I just sighed at tinignan ko siya.

"Hindi naman ako galit eh. Nabigla lang talaga ako at tyaka hindi ako makapaniwala na magagawa mo 'yon." sabi ko at napayuko siya, parang nahihiya siya sa'kin.
"Pero alam ko din naman na nasaktan ka lang at nalito. Pero sana maintindihan mo na wala na si Quin." mas lalong nalungkot ang mukha niya. Wow ang galing mo mag comfort Cath ha? Congrats.

"Pero alam mo ba kung anong sinabi niya sa'kin before siya nawala?"

"Ano 'yon?"

"Pinapasabi niya na sorry kasi iiwan ka niya, at mahal na mahal ka niya."

Bigla naman tumulo ang mga luha niya sa sinabi ko, pero nakikita ko na hindi 'yon luha ng kalungkutan kundi luha ng tuwa.

"Thanks Cath." Sabi niya at niyakap ako.

Ilang sandali lang ay marahas na bumukas ang pinto. Pumasok naman ang tatlo at parang nagpapatayan nang tingin sila Axel at Caius. Mga abnormal talaga.

"Kahit sa ospital wala kayong patawad? Kalalaki niyong tao para kayong mga bata!" wika ni Asher. Haha, para siyang kuya na pinapagalitan ang kapatid niya.

"He started it!" depensa ni Axel at nag pout pa siya. Para talaga siyang bata.

"Damot mo kasi! Kala mo naman pag-aari na niya si Cath ko." Sabi ni Caius at nag wink pa siya sa'kin.

"Anong Cath mo? Akin lang siya at walang pwede umangkin sa kanya kundi ako lang."

Bigla naman uminit ang buong mukha ko sa sinabi ni Axel. Hindi pa naman kami pero ang territorial na niya, hindi ko naman mapigilan na matuwa. That only means na seryoso talaga siya sa'kin. Akalain mo 'yun? Isang Axel Del Valle nao-obsess sa isang babae.

"Ito na nga hinihintay natin diba? Ang magising siya? Edi tanungin na natin siya kung sino ang gusto niya!." Agad kumunod ang noo ko sa sinabi ni Caius. Seryoso pa talaga siya? Akala ko ba joke-joke niya lang 'yon? Pero from the looks on his face parang seryoso nga siya. Bigla ako nakaramdam ng pressure. Alam ko naman na si Axel ang gusto ko pero ayaw ko naman na masaktan si Caius.

"Mga ugok! Kakagising palang ng kapatid ko! Huwag niyo nga siya bigyan ng stress dahil dyan sa mga kalokohan niyo!." huhu thankyou sa save Asher.

Kakabalik ko pa lang pero parang may bagong problema na naman ako. 

One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]Where stories live. Discover now