Ring...
Ring...
Ring...
Ang sarap pa ng tulog ko pero napilitan ako bumangon sa ingay na ginagawa ng cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at sinagot ko kaagad ang telepono para mahinto ang ginagawang ingay nito. It's fucking 6 am in the morning.
"Ano?" I answered sleepily habang ang mukha ko ay nakadapa pa rin sa unan.
[Hey, good morning. Did I wake you?] the person on the other line asked. Sa tinig palang niya alam ko na kung sino ang tumawag. His voice was music to my ears.
"Obviously" tipid kong sagot at tumawa lang siya nang mahina.
[Sorry, I just wanted to tell you that huwag kana mag pahatid sa school because I will be the one to pick you up later.]
"Hmm'kay" 'yon lang ang sinagot ko kasi antok na antok pa ako.
[Okay, tulog kana ulit baka lumaki ang eyebags mo mag mumukha kana talagang Avril niyan.] sabi niya at tunawa.
"Get lost." pikon kong sabi at kinalakas naman ito ng tawa niya. Binaba ko na ang telepono at pinikit muli ang mga mata ko. Hindi pa din siya nag babago, mapang-asar pa rin as always. Inborn na ata 'yon sa isang Axel Del Valle.
I just closed my eyes and headed back to sleep.
Just 10 more minutes...
Toot..
Toot..
Toot..
Aaaargh! Kakabalik ko lang nang tulog eh! Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para patayin ang alarm. Goodness Gracious it's already 8 am! Dali dali akong bumangon at tumakbo sa banyo, shit kakapikit ko lang ng mata ko kanina dalawang oras na agad 'yon?!
Matapos ko mag ayos at kunin lahat ng gamit ko bumaba na ako para kumain. Bumungad sakin si Asher na nagka-kape sa dining table.
"Ang aga mo ata nagising." sabi ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain.
"Diba ihahatid pa kita?" tanong niya.
"Oh, I forgot to tell you. Axel will pick me up."
"What? Ugh! Gumising pa ako nang maaga, I sacrificed my wet dreams para mahatid ka tapos ngayon mapapalaw ako?! Sana natulog nalang ako marami pang chix sa panaginip ko, bwiset naman oh." madrama niyang sabi at nag dadabog pa papunta sa kwarto niya. Mukha talaga siyang babae, sabagay nag-effort siya gumising nang maaga and he never does that. At ngayon na first time niya 'yon ginawa napunta pa sa wala. Hehe, sorry Asher.
Kumain nalang ako at maya-maya lang ay nag text na si Axel na nasa labas na raw siya. Pag labas ko ng gate may nakita agad akong nakakalaglag panga na pigura. Pano ba niya nagagawa 'yong tipong kahit nakatayo lang siya ay ang hot niya pa rin? Normal ba 'yon?
"Hey" bati niya sa'kin nung papalapit ako sa kanya.
"Mula pa tayo kagabi magkasama, di ka ba nag sasawa sa mukha ko?" pabiro ko'ng sabi at umupo sa passengers seat ng sasakyan niya.
"Kahit mag-damag kitang tititigan hindi ako mag sasawa. Bakit? Ayaw mo ba ako kasama?" pabiro din nyang sagot.
"Is not being with you even an option?" I said and he laughed and started the car engine.
Pagbaba palang namin ng parking lot bulungan na agad ng mga tao ang sumalubong sa amin. Lalo na ang mga girls na ang sama nang tingin sa akin, take note SA AKIN LANG.
"I think you have a fan club." pabirong sabi nitong kasama ko.
"That's your fan club, creating my hate club." walang emosyon ko'ng sabi at pinisil niya ang kamay ko.
YOU ARE READING
One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]
Подростковая литератураLove, they state that it is an inclination without any limits and may be the focal point of everything. It can hold people's heart hostage, similar to a spell that has no cure. Individuals probably won't know that they have just been struck by this...