Chapter 55: You're Mine

34 7 7
                                    

"Hoy ano ba!"

Naiinis na ako. Kanina pa kasi ako hindi sinasagot ng lalaking 'to eh! Ang arte! Galit pa rin siya sa'kin kasi daw sumama ako kang Caius na hindi nag papaalam.

Kung hindi mo 'ko papansinin edi huwag! Kung kailan sasagutin na kita tyaka kapa mag iinarte.

"Fine. Ginawa ko na lahat para suyuin ka pero ayaw mo pa rin. Manigas ka riyan! Mag-sama kayo ng pride mo!"

I can feel my face heating up sa sobrang inis. Maka punta na nga lang sa klase ko!  Yes bumalik na ako sa Alchemy, ayaw ko kasi mag skip ng school year baka sabihin pa nila na bailkbayan ako. No way!

Bahala nga 'yong lalaking 'yon kung ayaw niya. Napaka arte siya na nga 'tong sinusuyo eh kahit nga wala akong kasalanan. Pumapatol din naman ako sa walang pansinan eh. At kung mamalasin pa ako, math ang subject ngayon. Dinalian ko papubta sa classroom para hindi ako maubusan ng chair, baka mamaya magtatabi na naman kami. Ayoko nga.

Sakto naman na may isang bakante do'n sa sulok. Hinawakan ko ang silya pero may isang kamay na sumapaw sa'kin.

"Sorry, nauna ako eh." walang emosyon niya na sabi at tyaka umupo agad roon. Hindi ko mapigilan na mainis na naman.

"Kapal talaga ng mukha." mahina kong sabi pero sinigurado kong maririnig niya. Mukhang narinig niya naman at masama akong tinignan, ginantihan ko lang ang tingin niya. Kala niya magpapatalo ako? Psh! Kailan pa?

Umalis ako ro'n at doon naman ako umupo sa silya na nasa kabilang side ng room. Siguro naman hindi niya ako magugulo rito. Buong klase wala akong gana makinig, buti nalang natapos din agad. Hindi ko na hinintay ang teacher na lumabas at nauna na ako humakbang palabas ng classroom. Pumunta ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko.

Hindi ko ma alis-alis sa isip ko ang Axel na 'yon. Nakakainis talaga!

Pag sara ko ng locker biglang may bumangga sa'kin. Napa-upo tuloy ako sa sahig. Ang sakit ng puwet ko ah! Pagka tingin ko kung sino 'yon pareho kaming dalawa na nanigas. Pero agad naman kaming nakabawi at nag batuhan na naman nang masamang tingin.

"Hindi ka mag so-sorry? Kita mo naman na nabangga mo ako eh!" Sabi ko habang parahas na tumayo.

"Bakit ako mag so-sorry? Kasalanan ko ba na lampa ka?" tinaasan niya naman ako nang kilay tyaka naglakad paalis.

Nung nag lunch na pumunta nalang ako sa cafeteria. Bumila lang ako ng pagkain at naghanap ng bakanteng lamesa. Wala akong plano maki-upo ro'n sa tambayan nila kasi alam kong nando'n siya. Habang naglalakad ako patungo ro'n sa table ay biglang may humarang sa paa ko dahilan para madapa ako. Tumingala ako para makita kung sino 'yon at nakita ko sila Stacey. Nag-papatay malisya pa siya na parang wala siyang ginawa.

Napalingon ako sa gilid ko at nakakita ako ng dalawang brown na mata at nakatingin lang siya sa'kin. Walang emosyon ang mukha niya, parang nakatingin siya sa tao na hindi niya kilala.

"Oy Axel tulungan mo." Kahit bulong lang 'yon narinig ko ang sinabi ni Asher. Hindi pa rin siya kumibo. Agad akong tumayo. Hindi ko kailangan ng tulong. Umalis ako agad ro'n. Usually babasagin ko ang mukha ni Stacey pero sa panahon na 'yon wala ako sa mood makipag away.

Bakit ba siya ganon sa'kin? Dahil lang ba talaga sumama ako kang Caius? Napakababaw naman ata ng rason na 'yon para tratuhin niya ako ng ganito.

Takte, Catherine! Hindi ka dapat iiyak! No self! Inhale... Exhale....

Kung ganyan siya edi bahala siya sa buhay niya. Bakit ko ba pag-aaksayahan ng oras ang mga taong walang kwenta.

Hindi ko alam pero dinala nalang ako ng mga paa ko sa rooftop. Do'n sa tambayan nila. Gusto ko muna mapag-isa, papalamigin ko lang ang ulo ko baka mamaya maupakan ko pa 'yong lalaking 'yon eh. Binuksan ko ang icebox nila and as expected may beer do'n, sakto din kasi mukang kaka-refill lang nila kaya marami ang laman.

One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]Where stories live. Discover now