Chapter 54: Love Advice

28 7 3
                                    

I missed this room. I missed my bed, and everything around here. Hindi nga pala ako umiwi dito mula nu'ng bumalik ako galing Singapore. It's been two weeks mula nung nailabas ako sa hospital. Mom totally freaked out nang malaman niya na naka uwi ako. Sino bang hindi? Ang alam niya nasa Singapore ako at nag-aaral ng mabuti, 'yun pala na-kidnap na sa isang abandonadong building and the worse part is nalaman niya lang na nandito na ako nu'ng tawagan siya ni Asher at sinabing nag-aagaw buhay na ako sa ospital.

Nagkaroon kami nang kaunting tampuhan pero hindi ko naman talaga matitiis si mama eh. I explained everything to her and she said something na hinding hindi ko makakalimutan.

"I understand naman anak eh. Pero nu'ng una palang na pinag bantaan ang buhay mo sana hindi mo itinago sa 'min. Pero you know what? Hindi na talaga ako nagtataka kung saan ka nag mana." Sabi ni mom at tumayo siya mula sa kinauupuan niya. Nagtataka ko siyang tinignan at naghihintay sa sunod niyang sasabihin.

"Why mom?"

"Alam mo ba kung bakit kami nag-kakilala ng dad mo?"

"Opo, sabi niyo sa'kin iniligtas ka niya sa gulo dati." sagot ko at tumawa bigla si mama. Yah! Bakit siya tumatawa?! 'yon naman talaga ang sabi niya sa'kin ah.

"Wrong. The truth is... We were at a gangwar and he was my rival."

Alam mo 'yong literal na nganga? Ako 'yon sa panahon na 'yon eh. Naka tulala lang ako don habang tinitignan si mama na naglalakad palayo. What the actual hell? TAMA BA ANG NARINIG KO? ang tila santo kong mga magulang ay nagkakilala sa gangwar?! Nako Daddy! Marami kapang utang na explanation sa'kin!

"Hoy! May bisita ka!" bigla akong natauhan sa boses ni Asher.

Bisita? Wala namang nag-pasabi sa'kin na may bibisita sa'kin ngayon. Kapag si Axel naman eh nagpapaalam naman 'yon bago pumunta dito. Pagbaba ko sa living room ay hindi na ako nagtaka kung bakit walang nag-paalam sa'kin na bibisita siya.

As usual, sumusugod lang siya bigla bigla.

"Caius."

"Hey Cath!" masigla niyang bati sa'kin. Parang siya lang ata mag-isa ah? Asan ba sila Giovanni?

"Napadalaw ka?"

"Gusto sana kita yayain lumabas." ang lapad ng ngiti niya matapos sabihin 'to. Lah? Labas daw? Ano na naman kayang kalokohan na nasa isip nito.

"Anong meron?" tila walang emosyon kong tanong.

"Basta! Mag handa ka na dali!" sabi niya at tinulak pa ako paakyat ghadanan. Ang kapal! Sino ba siya para utusan ako?! Tsk maka bihis na nga lang para matapos na 'to.

Pagkababa ko sinabihan ako ni Asher na sa labas nag-hihintay si Caius kaya lumabas ako. Pinagbuksan niya agad ako ng pinto sa sasakyan niya. Wow gentle man.

"Hoy sa'n mo ba ako dadalhin? Mamaya hanapin ako ni Axel."

"Aish! Can you stop talking about him for once?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi niya ako tinignan tyaka pinaandar nalang ang sasakyan. Parang may anghel na dumaan sa hatap na'ming dalawa, nakakabingi ang katahimikan. Buong byahe ganon lang kami, at mag kung anong tuwa akong naramdaman nang huminto na 'yong sasakyan.

Ang ganda naman dito. Napaka hangin at tanging ang daloy ng ilog lang ang naririnig ko. Dinala niya ako sa isang river side, ang tahimik at ang peaceful. Parang kami lang ang tao roon.

"Nagustuhan mo ba?" Caius asked at nakatingin lang siya sa langit.

"Ang ganda dito."

"Dito kami tumatambay dati no'ng nasa pinas pa kami. Ang saya nga no'n eh kasi kompleto pa kami. Ako, si Giovanni, si Zaynen, at si..." napahinto siya sa sasabihin niya sana. I saw sadness crossed his face when he remembered the man who once was his friend.

One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]Where stories live. Discover now