HI LOVIES! I just want to thank you for supporting me up to this point of the story. Iloveyou guys!
~Kuinaxx
------------------------------------------
Chapter 37: Forest Ambuscade
.
.
"We are so fucking doomed."The both of them nervously took me to the parking lot where I immediately saw a brown headed hottie standing near his car. Itong dalawang kasama ko naman parang robot na ang bigat ng mga paa na naglalakad patungo sa lalaki na 'yon.
"Hey" sabi ko habang pilit na kinagat ang labi ko para hindi niya makita ang cut doon. Hindi man lang ako maka tingin sa mata niya. Hindi niya ako sinagot at nakatayo lang sa harap ko, he was staring blankly at me. Hindi ko pa rin pinapakita ang lips ko, then suddenly he placed his hand on my chin at pinilit ibaba ang lips ko kamit ang thumb niya. Then the look in his eyes turned even darker nang makita niya ang medyo dumudugo ko pang labi. Tinanaw ko silang Caspain and they were just standing so stiff at halatang nine-nerbyos sila.
"What's this?!" he exclaimed at tinaas ang sleeve ng shirt ko then he saw the large bruise. Tila bumigat ang ihip ng hangin at dumilim ang aura ng paligid, the devil.... Is coming out. Suddenly he was in front of Caspian and Garrett chocking them to death.
"You have the nerve to disobey me!? I told you, not even a scratch!" Nakakatakot ang boses niya at napapahawak lang ang dalawa sa kamay ni Axel na nasa leeg nila then I saw Caspian turning blue.
"STOP IT!" Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa leeg nu'ng dalawa. Pero hindi siya natitinag, tila hindi niya ako naririnig at parang nilalamon na siya ng kademonyohan ng kaluluwa niya. I saw his eyes, death.... I can only see death. Natatakot ako pero kaylangan ko iligtas sila Garrett.
"STOP IT PLEASE! IT WASN'T THEIR FAULT! PLEASE!" Para na akong mababaliw sa pag hihila sa kamay niya pero ang lakas niya. Nakikita ko ang dalawa struggling to breathe, at parang uminit ang gilid ng mga mata ko. Fuck na iiyak ako, not from sadness but from hopelessness, yung tipong nawawalan ka ng pag-asa na gawin ang isang bagay na dapat mong gawin, and at this point hindi ko magawa iligtas sila Caspian from being choked to death.
"S-Stop!" paos na boses kong sabi habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi. Nakita ako ni Axel na umiiyak at tila natauhan siya at binitiwan ang dalawa. They immediately gasped for air matapos nila naibaba. Agad niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok ng sasakyan niya.
"What happened?" his deep voice rang in my ears. Wala akong balak sumagot kasi panay punas pa din ako sa namumula kong mata. "Answer me Chatherine Alexandria" he said in a calm yet deadly tone. Halatang galit pa siya pero pinipigilan niya lang ito.
"It was the damn fangirls in Amora, wala naman talagang kasalanan sila Caspian. Tinulungan pa nga nila ako eh." I said habang naka tingin lang sa bintana ng sasakyan. Hindi na siya sumagot at tahimik lang ang buong byahe namin patungo sa bahay ni Quin.
"So, how is Amora? Heard you were beaten up in a restroom" pabirong sabi ni Zane at masama ko lang siya na tinignan.
"Alam mo Zane, nahiya ang facebook sa ka-updated mo." I said rolling my eyes at tumawa lang diya ng malakas.
Wala kaming imikan ni Axel hanggang dito. Ayaw ko muna siya kausapin, I wasn't fully over about what he's done. Pumunta ako sa kusina at nakita ko through the glass door si Quin. Mag-isa lang siya na naka upo sa gilid ng pool holding a bottle of wine. Tumabi akon sa kanya and he was just staring at the water na tila malalim ang iniisip, ni hindi niya nga ako namalayan.
"It's cold out here huh?" I said jokingly para makuha ang atensyon niya.
"Oh Cath. I'm sorry, I didn't notice you there." he said after he snapped back to reality.
YOU ARE READING
One Damn Shot of a Lifetime [COMPLETED]
Teen FictionLove, they state that it is an inclination without any limits and may be the focal point of everything. It can hold people's heart hostage, similar to a spell that has no cure. Individuals probably won't know that they have just been struck by this...