In a place full of strangers, I managed to look at my mini mirror just to check out if I still look as good as I was before leaving my unit.
Hindi katulad ng napagplanuhan, nauna ako sa coffee shop na napili ni Glaiza. We talked for almost three hours about random things. May taping siya ngayon kaya pinili kong mauna na lang.
Glaizaredux
I'm sorry. Still on taping..
I breathed out and smiled. Hay nako. Marami pa namang next time.
Glaizaredux
Sorry talaga. May iba ka bang appointment?
Whianwamos
Wala naman. Sa Saturday pa taping ko.
I replied immediately.
Glaizaredux
Malapit lang shooting location ko sayo...
Whianwamos
I'll order something for us. Ano bang gusto mo?
Para naman kahit papano may bitbit ako para sa kanya.
Glaizaredux
Just come here and wait for me. Aalis na lang tayo for dinner.
Kahit pa ganon ang inireply niya, inorder ko pa rin yung madalas na nakikita ko sa story niya. Caramel macchiato.
Sinend niya ang shooting location niya habang nakapila ako kaya pinasibad ko agad ang sasakyan ko papunta sa kung nasaan man siya.
"Miss Rhian," her PA, Rose, approached me with a smile. "Ako na po diyan," tukoy niya sa drinks na bitbit ko.
"Hindi na, kaya ko naman." Ngumiti rin ako pabalik.
"Hatid ko po kayo sa tent ni ate Cha." That's how her close friends address her. Cha.
"Sige, salamat." Sumunod ako sa bawat hakbang niya.
I greeted some people that are not new to me. The director greeted me in the middle of his sermon.
"Kanina niyo pa nahaharangan dyan si madam," tukoy ni direk sa matandang artistang kabilang sa reality show na si Galiza ang gaganap sa buhay ng bida.
Hindi ko nakita si Glaiza. Siguro'y nasa loob.
Bahagya akong kumaway sa director para sumunod na kay Rose.
"Pasensya na po, medyo mainit po." Sambit ni Rose nang mapansin ang pag paypay ko sa mukha gamit ang dalawang kamay.
"Ayos lang, sanay ako." Ngumiti ako pero nagpasalamat agad pagkatapos dahil itinapat niya sa akin ang dalawang electricfan.
Hindi ko na kayang hintayin pa si Glaiza. Inuuhaw ako sa init.
Ininom ko ang black americano iced coffee na agad kong napangalahatian. Fuck, ang init ng panahon.
I'm wearing my black tank top and fitted faded blue jeans paired with my simple chanel white shoes.
Ilang minuto lang ay pumasok si Glaiza. I was comfortably sitting on her folding bed and my eyes automatically scanned her from head to foot.
I immediately felt nervous when I met her eyes.
"I, uhm, ordered a frappe for you." Itinuro ko gamit ang buong kamay ang frappe niya.
Hindi niya na talaga ako maalala. Hindi niya maalala yung nangyari samin.
Her purple dress looked elegant. Left hand on the side, right hand with a frappe and lips touching the green straw.
BINABASA MO ANG
You are the Reason
FanfictionThis is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos