Chapter 26

930 37 1
                                    




Pasmado man, tinanggap ko pa rin ang pakikipag kamay sa akin ng host. I even kissed his cheek. I smiled at the camera and vowed slightly to the live audiences.

"Hi, good afternoon..." kumaway ako pati sa camera. "Hi, tito..." Muli akong tumingin sa host.

"Hindi na natin paghihintayin pa ang mga fans na narito ngayon... nakarating sa akin na nag enjoy ka raw kagabi," mapanlokong sabi niya kaya naghiyawan ang mga manonood.

Ngumiti lang ako. I wanted to disagree but I really had fun last night. Nakausap ko na si Anton at humingi siya ng pasensya sa akin. He didn't know that our action will go everywhere.

"Anton and I talked about last night..." kinagat ko ang pang ibabang labi bago magpatuloy sa sinasabi. "I was drunk so things got out of hand."

"Out of hand?" Parang hindi naintindihan ng host ang sinabi ko.

"We're not a couple, tito. He's not courting me, too. I'm happy being his friend." Paglilinaw ko. "I can be his ate, too." Dagdag ko.

Mukhang naintindihan niya na nang sabihin ko yon. Though the fans sounded disappointed, hindi na ako tinanong pa ulit tungkol kay Anton. The following questions were all about my upcoming projects and bookings.

"One last thing, tito..." hinawakan ko ang kamay ng host para hayaan niya ako sa sasabihin. "May gusto po sana akong sabihin," kinakabahan kong sabi.

"Go on..." mukhang nahihimigan niya na ang sasabihin ko.

He's gay and his radar is probably working now.

"Uh," hinanap ko ang camera na may ilaw. "You're probably watching this now..." huminga ako nang malalim bago isipin si Glaiza. "I'm, uh, doing fine. Doon ako natulog kay Maria. Please, reply to my texts... I'm really sorry..." muli akong tumingin sa host.

"That's for?" May mapagtanong na mata niyang sambit sa akin.

"For someone..." hindi ko napigilan ang ngiti ko.

We're probably not okay yet but I know that we'll be fine.

"And that someone is..." lumapit siya sa akin. Mukhang nahimigan na hindi ko gustong sabihin sa lahat kung para kanino ang mensahe.

"For Glaiza, tito..." pag amin ko.

His eyes widened and his lips formed an 'O' he looks amazed by the name that I mentioned.

"Really?" Hindi makapaniwala nitong sabi.

Ang mga nanonood na kasama namin ay nagbulungan. They were mentioning names. Ang ilan ay ni hindi ko naman nakakasalamuha ngunit may isa akong narinig na talagang binanggit si Glaiza.

"Yes, tito." Nakangiti kong sabi.

"I didn't know!" Excitement can be heard by his voice. "Congrats!" He said before giving me a hug.

"Thank you, tito. I just really need to say sorry para hindi na magalit sa'kin." I apologetically said before mentioning my next projects and saying thank you to my sponsors.

Agad akong kinausap ni Ria pagtapos ng interview.

"You did great..." she complimented me. "She didn't text me back," dagdag niya.

I smiled sadly at her. Hindi naman din ako nag expect na dahil lang sa public apology, magiging maayos na kami agad. I know her. Mas gusto niyang pinapalipas ang sariling galit na siya lang.

She was probably offended by my actions and the way Anton took care of me. It should've been her. Siya dapat ang nag alaga sa akin. Sa kanya dapat ako matutulog at sa braso niya dapat yayakap.

You are the ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon