"Yung date mo?" tanong ko dahil hindi ko na napigilan.
Para akong tanga na nakatitig sa mga tao sa labas. Ayaw pa kasing paandarin ni Glaiza yung kotse niya.
Kanina pa ako napapaisip kung anong nangyari sa date nilang dalawa. She even called my Glaiza 'babe' at hindi man lang tumanggi itong isa.
"Hinatid ko na. Kumain lang naman kami."
"Oh?" I reacted. Masyadong tipid sumagot sakin.
Marami akong gustong sabihin. I'm tipsy and strong enough to say what's on my mind. But I am sober, too, at the same time. Alam kong pwede kong pagsisihan ang mga naiisip na sasabihin.
Pinili kong manahimik habang kinakabit sa Bluetooth ang cellphone. Naririnig ko siyang bumubulong-bulong pero hindi malinaw sa akin ang mga sinasabi niya.
Nagiging malinaw lang sa pandinig ko kapag nagmumura na siya. Ilang ulit pa siya nagmura at lumingon sa akin bago ipinasibad ang sasakyan niya.
"Ano ba?" hindi ko na napigilan. "Tantanan mo nga 'yang pagmumura mo. Nakakairita." umirap ako sa kawalan.
Siya 'tong may kasalanan sa'ming dalawa tapos mura mura siya ngayon dito sa gilid ko.
Or... Maybe it's my fault? Did she really do anything wrong?
Suddenly, my conscience came back from I don't know where. Am I her girlfriend? Did she promise me that we'll go out for dinner?
Ahh! Nakakainis naman kasi, eh. Mabuti sana kung trabaho yung dahilan ng pag tanggi niya sakin. Not that she's going on a date with that Vanessa.
Isa pa... That must be just a friendly date. Straight si Glaiza. 'yon yung alam ko. Kahit pa medyo may thought na baka... May slight feeling kasi na nakikita kong papasok siya sa ganitong relasyon.
Glaiza seems to be a strong person. She's like a dominant lady who control things. But not me. She can't control me. Not at least now that I know where I stand in her life.
I'm a friend. Just a friend. And a friend does not get jealous to other friends. Or... Do they?
I'm not really the jealous type. I'm more like... Do whatever you want. Just don't cheat on me, you have all my trust.
Hindi ko alam kung bakit iba kapag kay Glaiza na. I want to be sure that she's mine and mine alone. And it's weird to have a friend like me. I never really liked a friend romantically.
Kapag kaibigan, kaibigan lang. And it will stay like that forever. Naiisip kong baka katulad ko, ganon din si Glaiza. Kapag kaibigan niya, mananatiling kaibigan lang.
Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita. We stopped along Ayala because of the traffic light.
"I'm sorry..." she said after a heavy sigh.
I couldn't find any words to say. What is she sorry for? Wala naman siyang ginawang mali.
"Sorry din." sabi ko lang. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang suklian ang lalim ng titig niya.
"Did you eat your dinner with Anton?" she asked solemnly.
Masyadong malambing ang boses niya. Ang lambot-lambot sa mga tainga ko.
"Pinanood niya lang ako kumain. Nakalimutan ko rin mag update doon sa restaurant na pinag reserve-an ko." sabi ko bago ilipat ang kanta.
Doon ko pa lang napansin na may text pala yung restaurant sa'kin. Asking if I'll move the reservation dahil pwede naman daw yon.
Napasimangot ako sa nabasa. Sino namang isasama ko doon?
Humigpit ang kapit ni Glaiza sa kaliwang kamay ko. Slowly, she interviewed our fingers.
BINABASA MO ANG
You are the Reason
FanfictionThis is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos