Chapter 25

1K 31 1
                                    



"Maraming salamat po talaga sa mga sumoporta at naniwala sa amin ni Rhian," Anton announced as he put his hand on my shoulder.

He really gets emotional everytime he's thanking for the support. Ngayon lang kasi niya naranasan ang ganito. We're even nominated for an award. Aniya'y hindi lahat ng bago sa industriya, kumakalat agad ang pangalan.

I looked at him with a smile so he'd continue what he was saying.

"Hindi po namin inasahan na maraming susuporta," naluluhang sabi niya. "I've never received this much attention and I'm really thankful for all these. Hindi ko po mararating 'to kung hindi dahil sa tulong ni Ms. Rhian."

I tapped his back for a couple of times before bidding goodbye to our fans.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumita at inabot ng tatlong linggo na maraming tumangkilik sa palabas namin. Nadagdagan ang mall shows at guestings namin together.

Ang sabi ng management, hindi raw imposible kung biglang may mag demand ng teleserye sa aming dalawa. I can't say yes immediately, tho. Gusto ko ng trabaho pero nagplano kami ni Glaiza na aamin na kapag natapos ang paglabas ng pelikula namin ni Anton.

"You should've said yes!" Hindi makapaniwalang angil ni Glaiza nang ikwento ko ang napag usapan sa meeting kanina.

"Mas gusto kong sabihin na girlfriend kita kaysa mag oo agad doon." Umirap ako sa kanya. "I don't wanna hide anymore." Pagtatanggol ko sa sarili.

She breathed out before moving closer to me. "You have an interview tomorrow, right?" She asked calmly.

"Makakapunta ka naman sa party mamaya di ba?" I asked.

The director informed me and the whole cast about the celebratory party later. Our successful movie will be out in different countries too. Hindi nabigo ang producers at ang buong production kaya naman nagyaya sila ng simpleng dinner daw at inuman na rin.

"Susubukan ko..." naninimbang niyang sabi. "You know, I need to be with Kyla."

It's her bestfriends birthday. I hate to miss it but I can't ditch my own party. It doesn't work that way.

At exact 5:00 PM, Glaiza left the unit. Nag aayos pa lang ako noon dahil malapit lang naman sa akin ang gaganapan ng party. It will be in a mansion located here in Makati. Nasa akin na ang address at wala pa namang nag sasabi sa akin na late na 'ko.

I'm wearing a beige mini dress. Kalahati ng hita ko lamang ang natatakpan o baka mas kaunti pa doon. My chest part is showing a bit from the cut of my dress.

I took a selfie and sent it immediately to Glaiza. I didn't receive a reply so I assumed at she's still driving.

I wish she had time to to wait for me earlier so she'd see how good my dress looked on me.

Nang makarating sa mansyon, nandoon na ang ilang artista pati ang ilang production staff. Anton wasn't there yet, tho. Ilang artista pa ang nakausap ko bago dumating si Anton. He was alone. I actually expected him to come with his rumored girlfriend but he came alone so I just stood up to greet him with a kiss on his cheek.

"Your dress looks good." He complimented.

"I wish I can say the same..." pagbibiro ko na tinawanan lang niya. Binati niya ang lahat bago muling bumalik sa akin at maupo sa tabi ko.

We started eating minutes after. We all are talking about random things. Ang ilan ay personal na buhay ang pinag uusapan pero kung minsan, babalik din tungkol sa trabaho.

They asked me about my bookings and schedule. The upcoming projects if there's any. Sinasagot ko naman ang mga tanong nila pero sinasabi ko rin na hindi pa ako sigurado.

You are the ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon