"I'm so sorry for your loss," mahina kong sabi nang pumasok kami sa loob.Nahinto siya sa pag iyak at lumapit sa kapatid niya. She whispered something to her brother before holding onto my small back.
Nakita ko ang ilang ulit na tango ng kapatid niya bago ang tingin nito sa'kin. I'm inches taller than her brother and I gave him a small smile when our eyes met. Bahagya pa akong yumuko sa kanya na ginawa niya rin bago ako ngitian.
"Kakagising ko lang naman. Kyla will arrive tomorrow with her husband and Stef. You need to sleep, Cha. Kaya na namin nila mama dito." Her brother said before extending his arm.
"Rhian," malugod kong tinanggap ang pakikipag kamay niya.
"Alicris." He formally responded.
"I'll just introduce you to my parents tomorrow. Pagtapos na ng libing..." mahina niyang sabi habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin doon. We broke up already and I don't see any reason to introduce me now. I'm not forcing her to introduce me to her parents. Not at least not that we're still not okay.
I'd let her heal and mourn over her grandmother. I'd let her be broken. Tutulungan ko siyang buuin ang sarili niya pagtapos nitong lahat. Hindi ko siya mamadaliin. Things take time and I don't wanna rush anything. I'll stay no matter what happens.
"Thank you, for... uh," she opened the front seat for me. "Coming..." mahina at nakayuko niyang sabi. "Cremation dapat ang gagawin pero nagkaron ng pagbabago sa naging usapan kanina."
Yumakap ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang biglaang panghihina ni Glaiza sa yakap ko. Parang naubos ang lakas niya sa mga bisig ko at nagpaubaya siya at hinayaan na naman ang sariling muling umiyak.
Ramdam ko ang pagod at sakit niya. Ang panghihina at pighati. All that.
Gamit ang sasakyan ko, nag drive siya habang sakay ako papunta sa bahay nila. Parehas kaming tahimik. Tila nakikiramdam sa presensya ng isat-isa.
Nang makarating sa bahay nila, may ibang tao na nandon sa sala. I even saw a girl enter a door just inches away from us.
"Cha," bati noong babaeng may katangkaran. "Kumain na kayo?" She asked.
"She's fine..." sagot niya nang tignan ako bago muling bumaling doon sa babae. "I'm not hungry." She bit her lower lip.
"Kagabi pa ang huli mong kain, Cha. Hindi ka na mapag—"
"Hindi po ako nagugutom. Aakyat na kami."
I didn't had the chance to greet everyone there. Hinatak niya ako paakyat sa hagdan. Bago pa tuluyang mawala sa paningin ko ang mga tao sa baba, nagkasalubong ang mga mata namin nung kausap niya kanina.
The lady from her maybe mid-forty's smiled at me. Ngumiti rin ako doon.
"I'll just take a quick shower. Doon ang closet. Find anything to wear." She said before heading to the door with a white door.
Ngumiti lang ako at hindi nagsalita.
"I need to make calls..." mahina kong sabi.
She didn't argue to that. Tuloy-tuloy ang naging pasok sa banyo at iniwan ako sa kama niya.
Lumabas ako sa balcony bago tumawag para sa food delivery. I ordered so much. Para na rin sa mga tao dito. Fast food lang dahil wala naman nang bukas sa ganitong oras. Ibinilin ko lang na ihiwalay ang isang order na para sa dalawang tao para kay Glaiza.
BINABASA MO ANG
You are the Reason
FanfictionThis is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos