Chapter 13

1.2K 53 0
                                    

Surprisingly, walang schedule si Glaiza sa sumunod na araw. Habang ako, punong-puno at nahiya pa si Ria sa akin dahil wala pang apat na oras ang pahinga ko sa buong araw.

"Ria, kasama ko si Glaiza. Siya na maghahatid sa'kin." inaantok pang saad ko sa telepono.

Humikab ako habang pinakikinggan ang sermon ni Ria sa kabilang linya.

"At bakit?" parang nabiglang sabi nito. "Balak mong dagdagan talaga yung issue, ano?" she added.

"She's inside the bathroom. Mamimili lang ako ng susuotin papunta dyan tapos aalis na kami."

Patuloy ang mga sermon ni Ria. It's 3 in the morning. May byahe kami pa-Batangas.

Sa beach ang shooting location namin ngayon dahil simula na ng summer. Ayaw ko naman din abalahin pa sana si Glaiza but she kept on insisting since last night.

"Sinabihan kitang matulog agad dahil 5 ang call time mo. Hindi mag aadjust ang mga tao sayo, Rhian." muling sermon niya bago nagpakawala ng buntonghininga.

"I'm sorry..." I sincerely apologized.

"Mag ingat kayo sa byahe. We'll go now." sabi niya bago ko narinig ang utos niya sa driver.

Tuloy-tuloy ang naging kilos ko. Pagtapos maligo, deretso bihis na. I didn't even put any make up. Kabaliktaran ni Glaiza na naka-floral dress and lacy sandals habang ayos na ayos ang buhok at mukha.

"Sa sasakyan na ako mag aayos."

Dinampot ko ang bag sa gilid at kinuha ang cellphone sa kama. Glaiza did the same thing. Nang makita niyang hindi masyadong maayos ang pagkakasuot ko sa sleeveless top, siya ang nag ayos non.

Kahit pa ang sinturon ko, siya na ang nagkabit. I'm wearing a purple sleeveless top with a low cut line and white short shorts.

Glaiza brought a cardigan with her. Manipis 'yon at kulay puti. Kinuha niya ang bag ko bago isuot sa akin yung cardigan.

"You show too much skin." aniya.

Hindi ako nakasagot doon. I don't even know what to say. I mean... Beach ang pupuntahan namin?

Katulad ng sinabi ko kanina, sa sasakyan na talaga niya ako nag-ayos. I did a simple makeup to match my get up and just comb my hair so it'll dry quickly.

Wala na kaming panahon pa para mag order kahit drive through. Ilang tawag na ni Ria ang hindi ko sinagot. Even her texts are flooding my phone.

Glaiza kept on heaving a sigh. Pinipilit niya kasing mag almusal raw muna ako bago ang shoot.

Nang makarating sa Nasugbu, we were twenty minutes late. Iyon ang inexpect ko. But, surprisingly, hindi pa talaga buo ang cast. Though they're already shooting a scene with other artists.

Si Maria ang nakasalang ngayon. Naputol ang shoot nang bigla siyang natawa dahil sa kasama. I smiled at them. Lumapit rin ako sa direktor para bumati.

"You have a scene with Maria." he said as he shout the name from the production team. "Bihisan na si Rhian para matapos na si Maria." sabi nito bago bumaling kay Glaiza.

The director looked at us. Palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. Mukhang may gusto siyang itanong pero hindi niya magawa.

Lumapit sa akin si Patty. Ang PA ko. Itinuro niya yung tent ko bago niya ako samahan at para magbihis.

Pumasok ako sa tent na naka-asign sa akin pagkatapos. Glaiza was comfortably sitting on the folding bed. She looked at me before standing up.

Mukhang naintindihan niya ang kilos ko nang damputin ko ang make up bag. I need to freshen up my look.

You are the ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon