Sa mga sumunod na araw, naging mailap si Glaiza sa akin. Katulad na lang ngayon, katabi ko ang PA niya habang hinihintay na matapos siya sa trabaho.
"Ate, sigurado ka po ba?" tanong ni Rose ulit.
Sinabi niya kasing may lakad daw si Glaiza ngayon at binilinan siyang umalis na. But, since I came here without permission, kailangan niya akong sabihan na may lakad si Glaiza.
I texted Glaiza earlier. Asking if we can grab dinner together. She didn't reply. Kaya minabuti kong pumunta dito para sunduin siya.
"Rose, I'm fine here. Pwede ka na umuwi." nakangiting saad ko lang sa kanya.
Gusto ko lang naman kasi talagang malaman kung ako lang ba, o talagang lumalayo sa akin si Glaiza. She doesn't even reply as fast as she does before.
"Sigurado po ba kayo? Wala naman po kasi akong gagawin, eh, ate." hindi makatingin sa akin na sabi niya.
"Ako nang bahala sa ate Glaiza mo." I gave her a reassuring smile.
Nagpasalamat pa ito sakin bago ilang ulit na tumango at tumawag sa driver ni Glaiza. Yumuko pa nang bahagya bago tuluyang isara ang pintuan sa pagitan naming dalawa.
Ilang sandali pa ako naghintay bago muling bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang Glaiza na may kausap sa cellphone habang tumatawa.
"Of course, Vanessa. It just ended." sabi niya sa kausap.
Nagpaalam agad siya sa kausap nang mapansin ako sa upuan. Naglaho ang ngiti na nasa labi niya. Para bang hindi nagustuhan ang presensya ko.
Nahahawakan niya naman pala yung telepono niya. Bakit hindi man lang mag reply sa akin kung ganoon?
"Hi?" salubong niya sakin.
At dahil sa tono ng boses niya, nawala ang malapad na ngisi sa mga labi ko. She really don't like my presence here and it shows.
"I, uh," I looked away. Iniiwasan ang malalim na titig niya. "Sent you a message. You didn't reply so I thought of paying a visit."
I pursed my lips harder. Magkadikit ang mga labi habang umiiwas ang mga mata na makasalubong ang kaniya. Para kaming mga tanga na first time mag kita.
"Oh," sambit niya bago tignan ang cellphone. Ngayon pa lang yata babasahin ang text ko. "Shit, sorry." saad niya.
Naintindihan ko agad 'yon. She must be going on a date. Vanessa it is, huh.
"Hindi ko napansin. I already said yes to someone. Kahapon pa sana' yon, eh." she apologetically looked at me.
Ni hindi lumapit sa akin para yumakap o ano. Hindi man lang nagpasalamat sa pag punta ko. Hindi man lang humalik sa pisngi ko katulad ng nakasanayan. Hindi nagsabing babawi siya at gagawa ng paraan.
"She's actually waiting for me already. Magtatanggal lang ako ng eye makeup tapos aalis na. She's on the parking lot." nag iwas siya ng tingin.
Why does her voice sound so different? Na para bang hindi tumutugma sa sinasabi niya ang nararamdaman. Sobrang hina ng bawat binibitawang salita na para bang gusto bawiin ang mga naunang sinabi.
"Ganoon ba?" hindi makatingin na tanong ko.
"Ihahatid ka na lang namin pauwi..." sabi niya habang inaayos ang laman ng bag.
Malakas na tumunog ang cellphone niya. 'Vanessa' was written on the caller ID. Hindi niya sinagot 'yon. Tumingin siya sakin bago lumapit at alalayan akong tumayo.
"Hindi na," sabi ko bago ilihis ang braso sa pagkakahawak niya. "Nagpahintay naman ako sa driver ko, eh. Siya sana maghahatid sa pupuntahan natin tapos sayo ako tutulog since namiss kita." tuloy-tuloy na sambit ko.
BINABASA MO ANG
You are the Reason
FanfictionThis is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos