Pangatlong sunod na araw na naming magkasama. Hindi ko alam kung nagpabago rin ba siya ng schedule o talagang natapat lang na sumabay sa araw na wala akong trabaho.
At katulad ng mga naunang araw, hindi na kami umalis dito sa unit ni Glaiza. There are times when she's singing randomly. Ganoon rin ako. I even read some scripts with her. We exchange dialogs.
Ria rescheduled my works. Hindi ko kasi talaga kayang trabaho agad. Sabi niya'y masyado raw akong nagpakapagod nitong mga nakaraang linggo.
Speaking of Ria, kahapon pa niya ako kinukulit tungkol sa amin ni Glaiza. Na bakit raw magkasama kami at ilang araw na sunod na raw.
Napatalon ako sa gulat nang biglang mag ring ang cellphone ko. Nagising ako sa pagkakatulala.
It was Ria. Pinakita ko pa nga kay Glaiza kung sino yung tumatawag dahil nitong mga nagdaang araw, hindi niya nagugustuhan ang pag tawag ni Anton sa akin privately.
"Hello?" I said as I went to the balcony.
"Have you checked your Twitter? There are rumors going online."
Gusto ko sanang matawa at mag biro kaso masyadong seryoso ang boses niya. I can't find humorous inside jokes in it.
"It's not about Anton this time." she added.
Nagpaalam ako agad na titignan na. Nangangati yung mga kamay kong alamin kung ano yung dapat na makita online.
When I checked my notifications, there was too much. Masyadong marami na hindi ko alam kung ano ang uunahin.
Someone posted a video of us when we bought something. Doon sa mall sa Cavite. Particularly noong natapunan siya at sinabi sa akin na ayos lang.
"It's fine," gumala ang paningin ni Glaiza. "It's fine." sabi niya ulit pero sa akin na nakatingin.
Sa kabila ng binitawan niyang salita, hindi nawala ang pagaalala sa mukha ko. Even my action speaks concern. Kitang kita ang maingat na pagbutones ko sa polo niya at paghawak ko rito para hindi dumikit sa balat niya. Kahit pa ang kapit ko sa braso niya.
"Baby, I'm fine." sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Kita pa rin ang gulat sa mukha ko nang sabihin niya yon.
There are comments that says that we're on a secret relationship. There are others that says that it's normal to hide the relationship that we have.
Ang iba naman ay nagsasabi na magkaibigan lang kami.
Well, a photo changed the game. Iyong picture na sinusubuan ako ni Glaiza. I was wearing Glaiza's favorite t-shirt. Iyong pinahiram niya sa akin noon. At mga picture na naungkat na magkasama kaming dalawa. Even the instagram stories.
Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto ng balcony. Muntik pang malaglag sa kamay ko ang cellphone na hawak.
"You're so jumpy." sabi niya.
Itinago ang cellphone sa likuran. Kita ko pa sa mga mata niya ang pagtataka sa ginawa ko.
Hindi ko alam kung anong mayron kay Glaiza kaya hindi ko nagagawang magsinungaling sa kanya. Kahit pa nakikita ko pa rin ang pagdududa sa mga tingin niya, pumasok na lang ako sa loob nang walang sinasabi.
Sinundan niya ako. Naupo siya sa kama sa gilid ko. Gusto ko sanang sabihin yung napag usapan namin ni Ria pero ayaw ko namang isipin niyang nilalagyan ko ng meaning yung friendship namin.
She's just being a good friend to me. Baka ganon siya sa lahat ng kaibigan niya. Hahayaan ko na lang yung mga fans pero hindi ako magsasalita.
"Are you offended by the fans?"
BINABASA MO ANG
You are the Reason
FanfictionThis is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos