SYNOPSIS

6.8K 142 7
                                    

Lumaki sa hirap si Ruby Alcantara, sa araw-araw na ginawa nang diyos ay para silang lumulusot sa butas nang karayom para mabuhay. Sa iskwater area sila nakatira. Ang ama niya ay nagtitinda lamang nang sigarilyo at candy sa daan na hindi alintana ang init nang araw at maging ang lakas nang ulan para lamang may mapakain sakanila. Ang kanyang ina naman ay nasa bahay lamang at inaalagaan sila ayaw itong pagtrabahuhin nang kanilang ama dahil may may sakit ito sa baga at hindi pwedeng magpagod.

Dalawa lamang silang magkapatid siya ang panganay na nasa taong dalawampu samantalang ang kanyang bunsong kapatid ay nasa edad na pito. Namulat siya sa hirap at para matulungan ang kanyang ama sa mga gastusin nila sa araw araw ay nagpasiya siyang maghanap nang trabaho..

Marangal na trabaho lamang ang pinapasukan niya noon ngunit nang mangyari ang isang aksidente sa kanyang ama na siyang kumitil sa buhay nito ay nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. Isang gabi noon nang pauwi mula sa pagtitinda ang kanyang ama ay aksidente itong nabangga nang isang sasakyan. Dead on Arrival ang kanyang ama sa hospital. Walang gustong tumistigo sa pagkakabangga nito dahil ayon sa naririnig niyang usap usapan ay mayamang tao ang nakadali sa kanyang ama kaya naman nakuha na sa pera ang lahat.

Walang hustisiya sa pagkamatay nang kanyang ama. At dahil doon kinailangang magtrabaho nang kanilang ina ngunit sadyang madamot ang mundong ito sakanya dahil sa hotel na pinagtrabahuhan nang kanyang ina ay aksidente itong nahulog mula sa third floor at nabagok ang ulo nito kaya hanggang ngayon ay comatose parin ito sa hospital.

Sabi nang mga doctor ay may chance pang mabuhay ang kaniyang ina ngunit hindi nila masasabi kung kailan nga ito magigising. Ayaw niyang bitawan ang natitirang panahon para sa kanyang ina kaya naman ginagawa niya ang lahat upang maisalba ito maging ang kanyang kapatid.

Napilitan siyang tanggapin ang isang trabaho kahit pa man labag iyon sa kanyang kalooban ay pumayag siyang maging Exclusive Dancer nang isang Club. Bukod sa siya ang pinakabata doon ay siya rin ang may pinakamagandang mukha at katawan. Kakilala niya ang Manager doon kaya nagpatulong siya na kung pwede ay hindi ilantad sa Club ang totoo niyang pangalan at itago ang kanyang tunay na pagkatao. Bagay na sinang-ayunan nang Club upang maprotektahan ang kanyang sarili lalo pa at siya ay isang scholar nang isang uninersidad na pinag-aaralan niya.

Kailangan niyang kumita nang malaki para masustentuhan ang kanyang kapatid na pinag-aaral din niya at siyempre ang kanyang ina na tinutustusan niya sa hospital na malaki na ang bayarin nila doon dahil sa nakaratay niyang ina.

Lahat ay kinakaya niya. Lahat nilulunok niya para sa kanyang pamilya..

Hanggang sa nakilala niya ang isang lalaki..Si Isaac Monteverde. Isang mayaman at gwapong binata na bumihag sa kanyang puso.

Ngunit saan nga ba aabot ang pagmamahal niya sa binata?

Kakayanin ba niyang aminin dito kung sino talaga siya?

Paano kung ang lalaking ito pala ay may kaugnayan sa pagkamatay nang kanyang ama?

Kakayanin ba nilang tanggapin ang isang katotohanan na siyang magiging balakid sa kanilang nararamdaman?

HER LITTLE SECRET
All Rights Reserved
2020

HER LITTLE SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon